Ogie Diaz, ibinuking ang pangalan ng aktres na sinabing natarayn umano ni Julia Montes
- Julia Montes admitted she once snubbed a fellow actress she wasn’t on good terms with
- In a recent interview, she said the woman greeted her, but she didn’t respond warmly
- Ogie Diaz later revealed that the actress Julia was referring to was Yassi Pressman
- The issue links back to old rumors involving Coco Martin and Yassi during Ang Probinsyano days
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Facebook
Sa episode ng Showbiz Updates noong Oktubre 20, napag-usapan ang panayam ni DJ Chacha kay Julia.
Sa nasabing interview, tinanong siya kung nakompronta na ba niya ang isang babae na umano’y umaaligid sa partner niyang si Coco Martin.
Hindi raw niya kinausap ang babae ngunit pinaramdam na lang niya ang nararamdaman niya.
Ayon kay Julia, wala nang dahilan para makipag-usap pa siya dahil kilala siyang “super warm,” kaya madali raw malaman kung okay siya sa isang tao o hindi. Aniya, hindi siya plastik at hindi siya showbiz.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ikinuwento rin ng aktres na minsan daw ay binati siya ng babae.
Ang sabi raw nito ay “Hi po,” kaya pabirong sagot niya ay, “Excuse me. Maka-po ka naman,” sabay ngiti.
Matapos mapanood ni Ogie Diaz ang panayam, sinabi nitong ang tinutukoy ni Julia ay si Yassi Pressman, dating co-star ni Coco sa Ang Probinsyano.
Noong 2018, kumalat ang video kung saan tila hinahalikan ni Coco si Yassi sa set. Nilinaw naman noon ni Coco na hindi iyon halik kundi simpleng “beso-beso” lang.
Hanggang ngayon, nananatiling tahimik si Yassi Pressman at wala pang pahayag tungkol sa isyung muling umusbong matapos ang rebelasyon ni Julia.
Watch DJ Chacha's interview with Julia Montes in the video below:
Si Julia Montes ay isang kilalang Pilipinong aktres na pinakatanyag sa pagganap bilang Clara Del Valle sa remake ng ABS-CBN TV series na Mara Clara. Noong Mayo 2023, tuluyan nang inamin nina Julia at Coco Martin na sila ay magkasintahan matapos ang ilang taong pag-iwas sa isyung ito.
Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Julia sa panayam ni DJ Chacha na may isang babae raw na nagpapakita ng pang-aakit sa longtime partner niyang si Coco Martin. Ayon sa aktres, hindi niya ito diretsong kinausap ngunit ipinakita niya sa kilos ang kanyang saloobin. Paliwanag ni Julia, isa siyang taong palakaibigan ngunit hindi siya nagpapanggap kapag may lumalampas sa hangganan. Naalala rin niya nang bumati sa kanya ang babae ng “hi po” kahit ka-batch lang niya ito, na lalo pang nagpahiya sa sitwasyon.
Sa isa pang panayam kay Karen Davila, sinabi ni Julia na ang tibay ng relasyon nila ni Coco Martin ay nagmumula sa pagkakapareho nila ng mga pagpapahalaga, lalo na sa kanilang pagmamahal sa pamilya at sa kanilang mga lola. Inilarawan niya si Coco bilang kanyang “knight in shining armor” at “compass” sa panahong mahirap para sa kanya. Ibinahagi rin niyang si Coco ang naging sagot sa mga dasal niya noong panahong nararamdaman niyang naliligaw at naghahanap ng mag-aalaga sa kanya. Ang panayam na ito ay nagbigay ng bihirang sulyap sa pribadong relasyon nina Julia at Coco, na umabot na sa 12 taon at kinumpirma mismo ni Martin noong Mayo 2023.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh