Diamond Star Maricel Soriano, sumailalim sa discoplasty
- Matagumpay ang isinagawang discoplasty procedure kay Maricel Soriano sa Singapore
- Ayon sa aktres, robotics ang ginamit at walang operasyon na naganap sa proseso
- Aminado si Maricel na instant ang pagbuti ng kanyang pakiramdam matapos ang treatment
- Nagpasalamat ang aktres sa Diyos at masaya sa pagbabalik ng kanyang sigla para sa bagong pelikula
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang matagumpay na paggaling ang ibinahagi ng Diamond Star na si Maricel Soriano matapos sumailalim sa medical procedure sa Singapore para sa kanyang spinal arthritis. Sa panayam ng aktres kay Bianca Gonzalez para sa programang “BRGY” ng TFC, ibinahagi ni Maricel ang kanyang karanasan at ang milagrosong pagbabago sa kanyang kalagayan.

Source: Instagram
Ang procedure na ginawa sa kanya ay tinatawag na “discoplasty”, isang makabagong treatment na isinasagawa nang hindi kinakailangang buksan o putulin ang spine. Ayon sa singaporebrain.org, ang discoplasty ay naglalayong bawasan ang pressure sa spinal disc na nagdudulot ng protrusion o pagputok nito, na maaaring makaapekto sa mga nerves at magresulta sa panghihina, pamamanhid, o kahit paralysis.
“’Yung ginawa nila ‘yung back ko muna. Alam mo ang galing nila kasi walang operation na naganap. Ang tawag nila du’n sa ginawa sa akin is discoplasty. May eight holes ako sa likod tapos robotics na ‘yung gumawa,” pahayag ni Maricel.
Agad na naramdaman ni Maricel ang kaginhawaan matapos ang treatment
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Pagtayo ko wala nang sakit. Instantly magaling na ako,” aniya.
Lubos ang kanyang pasasalamat dahil tamang-tama raw ang paggaling niya sa pagsisimula ng shooting para sa kanyang bagong pelikula na “Meet, Greet & Bye” sa ilalim ng Star Cinema.
“Tuwang-tuwa nga kami kasi mas kailangang kailangan ko ng mas maging maliksi sa scenes na gagawin namin. Nagampanan ko naman. Salamat sa Diyos,” ani Marya.
Matatandaang noong Abril 2024, ibinahagi ni Maricel sa kanyang YouTube vlog ang pagdurusa niya sa spinal arthritis, na labis nakaapekto sa kanyang paggalaw.
“Kasi ‘yung spine ko may arthritis hanggang leeg ko. Tapos nung first na-experience ko ‘to in-injectionan na ako sa likod,” pagbabalik-tanaw ng aktres.
Ayon sa kanya, bago pa ang discoplasty, ilang beses siyang sumailalim sa steroid injections at physical therapy para maibsan ang sakit at pamamanhid sa kanyang paa.
“Matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad tsaka ‘yung paa ko manhid, parang may mga karayom na tumutusok,” dagdag niya.
Bukod sa spinal arthritis, natuklasan ding may pinched nerve siya kaya kinailangan din niyang dumaan sa aquatic walking exercises at stretching therapy.
Bilang payo, hinimok ni Maricel ang mga taong may kaparehong kondisyon na huwag balewalain ang mga senyales ng kanilang katawan.
“Doon po sa mga tao na may sakit din na ganito, when your body talks, you listen. Dapat ganun eh,” ani Maricel.
“Tsaka huwag kang matatakot, nandiyan si Lord. Tsaka dapat lagi natin isipin ‘yung ibang tao nagawan ng himala, di ba? Ikaw pa ba eh, love ka ni God,” dagdag pa ng aktres.
Si Maricel Soriano, kilala bilang Diamond Star, ay isa sa pinakamatatag na haligi ng Philippine entertainment industry. Sa higit apat na dekada sa industriya, nakilala siya sa kanyang husay sa drama, comedy, at pagiging versatile actress. Sa kabila ng mga health challenges, patuloy siyang nagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang determinasyon at pananampalataya.
Sa isang vlog noong Abril, ipinahayag ni Maricel na nakararanas siya ng matinding sakit sa likod at hirap maglakad dahil sa spinal arthritis. Ayon sa kanya, nagsimula ito sa simpleng pananakit hanggang sa umabot sa punto na kailangan niyang tumigil sa ilang gawain dahil sa kirot at pamamanhid sa mga binti. Ibinahagi rin niya na dumaan siya sa physical therapy bago tuluyang napagdesisyunang sumailalim sa gamutan sa ibang bansa.
Kamakailan, naging emosyonal si Maricel nang magbigay-pugay sa Superstar na si Nora Aunor. Sa isang vlog, sinabi ng aktres na malaking impluwensya sa kanya si Ate Guy at labis niya itong hinahangaan sa pagiging totoo at makatao. Ibinahagi rin ni Maricel na inspirasyon sa kanya ang dedikasyon ni Nora sa sining, bagay na patuloy niyang dala sa kanyang sariling career.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh