Ai-Ai Delas Alas, may na-realize ukol sa sakit na naidudulot ng "heartbreak"

Ai-Ai Delas Alas, may na-realize ukol sa sakit na naidudulot ng "heartbreak"

  • Ibinahagi ni Ai-Ai Delas Alas ang isang personal na pagninilay tungkol sa heartbreak
  • Inilahad niya na nakararanas siya ng isang nakakalitong halo ng mga emosyon
  • Aniya ng Comedy Queen, ito raw ay tinatawag na "post traumatic growth fatigue"
  • Dahil dito, maraming netizen ang lubos na naka-relate sa kanyang online post

Nagbigay ng emosyonal at personal na pananaw ang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas tungkol sa sakit ng heartbreak at ang kumplikadong proseso ng paghilom, sa kanyang bagong post sa Instagram.

Ai-Ai Delas Alas, may na-realize ukol sa sakit na naidudulot ng "heartbreak"
Ai-Ai Delas Alas, may na-realize ukol sa sakit na naidudulot ng "heartbreak" (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Sa gitna ng kanyang tila candid na selfie ay nagbahagi si Ai-Ai ng isang mahabang caption kung saan inamin niya ang kanyang nararamdaman, na tinawag niyang "post traumatic growth fatigue."

Inilarawan ni Ai-Ai ang sakit ng puso na tila hindi dumarating nang sabay-sabay, kundi pa-onti-onti. "I realized that sometimes, the pain of heartbreak doesn't come all at once. Sometimes it arrives late — delayed, like a wave that suddenly hits you out of nowhere," pahayag niya sa kanyang account.

Read also

Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro

Inamin niya na bagamat sinisikap niyang maging masaya, may mga araw na nananaig ang kalungkutan. "There are days I feel genuinely happy, and others when sadness quietly slips in. I find myself developing little crushes — I'm only human — but I try not to entertain them," aniya Ai-Ai.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nag-ugat pa ang kanyang pagmumuni-muni sa kuwento ng kanyang ina, na nag-ampon at nagpalaki sa kanya. "My mom, the woman who adopted and raised me, never married. Sometimes, I ask her assistant if she ever had a boyfriend. She always says, 'There were suitors,' but deep down, I know she loved someone once. He just ended up marrying someone else," kuwento ni Ai-Ai.

Sa huling bahagi ng kanyang post, ibinahagi ni Ai-Ai ang termino na tila nagbigay linaw sa kakaibang emosyon na kanyang nararanasan. "Lately, I've been feeling something inside that I can't fully explain. And I think maybe some of you feel this too. Maybe a lot of us do... ito siya... ang tawag pala sa kanya ay post traumatic growth fatigue," pagbubunyag niya sa kanyang mga fans online.

Agad namang ipinaliwanag ng Comedy Queen kung ano post traumatic growth fatigue, "Na you are trying to move on and do the right thing, maybe even to prove to yourself or others that you're ok, but sometimes after trauma, there's pressure to celebrate growth before we have fully healed... when that celebration falls flat, it can leave you feeling worse... napaka-weird na pakiramdam."

Read also

Baron Geisler, flinex ang acting stint ng kanyang misis: "Nag-upgrade na talaga"

Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inanunsyo ni Ai-Ai Delas Alas ang kanyang "freedom day" online. Sinimulan niya ang araw na ito sa pamamagitan ng pagpunta sa simbahan para magpasalamat sa Diyos. Sa kanyang caption, ipinahayag niya ang kanyang pagiging "wiser" at "stronger." Ayon sa post, tila ang "freedom day" na ito ay tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang mister.

Read also

Bea Alonzo, nagsalita na ukol sa kumakalat na "the picture" niya: "For anyone curious"

Samantalang ang anak ni Ai-Ai Delas Alas na si Sancho ay nag-react na sa kanyang grand entrance. Kamakailan ay naging laman ng balita si Ai-Ai dahil sa kanyang red carpet walk. Um-attend kasi si Ai-Ai ng prestigious na GMA Gala 2025 na ginanap sa Pasay City. Dito ay marami ang talagang nagulat sa peg ni Ai-Ai, ngunit namangha rin dahil sa kanyang confidence.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco