Inday Barretto, nagsalita na tungkol sa umano’y pang-aabuso ni Raymart Santiago kay Claudine
- Inday Barretto, emosyonal na nagsalita tungkol sa umano’y pagdurusa ng anak niyang si Claudine sa piling ni Raymart Santiago
- Matriarch ng Barretto family, inilahad ang umano’y pisikal at emosyonal na pang-aabuso ng aktor sa anak nila
- Ibinunyag din ni Inday ang pag-aangkin umano ni Raymart sa mga ari-arian ni Claudine
- Sinabing hindi na siya mananahimik matapos masaksihan ang paghihirap ng anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos ang ilang taong pananahimik, muling umingay ang pangalan ng Barretto family matapos magsalita si Inday Barretto, ang 89-anyos na ina ng aktres na si Claudine Barretto, ukol sa umano’y matagal nang pang-aabuso ng dating manugang na si Raymart Santiago.

Source: Youtube
Sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz na inilabas sa YouTube noong Oktubre 19, emosyonal na idinetalye ni Mommy Inday ang mga naranasan umano ng anak mula sa dating asawa.
“DO not judge the book by its cover, tinanggap ka namin nang buong-buo, ‘yung hindi mo natikman sa family mo ‘yung love,” ani Inday, habang binabalikan ang panahong buong puso nilang tinanggap si Raymart bilang bahagi ng pamilya. Ngunit aniya, nagbago ang lahat nang simulan umanong saktan ng aktor ang anak nila.
Sa gitna ng kanyang pag-iyak, sinabi ni Inday, “Sinaktan mo na ‘yung anak namin, hindi ka pa nakuntento, ni-___ mo pa sa harap ng masahista mo! Hindi mo alam nakita ng anak mong 4 o 5 taong gulang.” Dagdag pa niya, kinuha umano ni Raymart ang lahat ng mga pinaghirapan ni Claudine. “You married my daughter because she was Claudine Barretto, you dropped her when she stop being a Claudine Barretto.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ni Inday na labis ang naging epekto nito sa mental health ni Claudine, dahilan umano ng kanyang anxiety at depression. “When I saw that, I stand up—Inday Barretto gonna stand up and fight! Walang taong puwedeng magpaluhod sa mga anak ko,” mariin niyang pahayag.
Hindi napigilan ni Inday ang emosyon nang sabihin niyang, “Hindi ko kayang umupo lang sa wheelchair habang pinapanood ang anak, kinakatay na, ninanakawan pa.” Inalala rin niya ang isang pangyayari kung saan umano’y hinatak ni Raymart si Claudine “parang baboy na kakatayin,” bagay na nasaksihan umano ng mga kapitbahay.
Kaugnay nito, matagal nang may kaso si Claudine laban sa dating asawa sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (VAWC), bagaman itinanggi ni Raymart Santiago ang lahat ng paratang sa mga nakaraang panayam noong 2013.
Si Claudine Barretto ay isa sa mga kilalang aktres ng dekada ’90 at early 2000s sa Pilipinas, na nakilala sa mga teleserye at pelikulang nag-ukit sa kanyang pangalan bilang “Optimum Star.” Ikinasal siya kay Raymart Santiago, aktor at dating miyembro ng sitcom Kool Ka Lang, noong 2006. Nagkaroon sila ng dalawang anak ngunit naghiwalay noong 2013. Mula noon ay naging tahimik ang kanilang isyu hanggang sa muling lumantad ngayon si Mommy Inday upang ipagtanggol ang anak.
Sa isang emosyonal na post, binigyang-pugay ni Claudine ang kanyang yumaong ama na si Miguel Alvir Barretto. Ipinahayag niya kung gaano kalaki ang pagmamahal at pangungulila niya rito, sabay pasasalamat sa gabay na patuloy niyang nararamdaman kahit wala na ito. Ang mensahe ay umani ng suporta mula sa mga tagahanga at kaibigan sa industriya.
Muling pinag-usapan online ang tambalang Claudine at Mark Anthony matapos maglabas ng mga larawan mula sa isang nostalgic photoshoot. Ayon sa ulat, nagbalik-tanaw ang dalawa sa kanilang iconic love team noong dekada ’90, dahilan upang muling mabuhay ang interes ng fans sa kanilang muling pagsasama sa screen. Pinuri ng netizens ang chemistry ng dalawa at ang timeless beauty ni Claudine.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh