Baron Geisler, flinex ang acting stint ng kanyang misis: "Nag-upgrade na talaga"

Baron Geisler, flinex ang acting stint ng kanyang misis: "Nag-upgrade na talaga"

  • Ipinagmalaki ni Baron Geisler ang kanyang asawang si Jamie Marie dahil sa pagsama nito sa kanya sa pelikulang The Delivery Rider
  • Nagpahayag siya ng tuwa na magkasama sila sa isang eksena, at pabirong sinabing "nag-upgrade na talaga" ang papel ni Jamie Marie
  • Binigyang-diin ng aktor na ang paglahok ng kanyang asawa ay dahil sa pagmamahal at pagsuporta sa kanilang adbokasiya
  • Sa dulo ng kanyang post, tinawag ni Baron na kanyang "rock" at "peace" ang misis niya

Viral ngayon sa social media ang post ng magaling na aktor na si Baron Geisler matapos niyang ipagmalaki ang bagong acting stint ng kanyang misis na si Jamie Marie Geisler sa isang movie.

Baron Geisler, flinex ang acting stint ng kanyang misis: "Nag-upgrade na talaga"
Photos: @eganhenrik on Instagram | Baron Geisler on Facebook
Source: Instagram

Ipinost ni Baron sa kanyang opisyal na Facebook page ang isang masayang "fun fact," kung saan ibinahagi niyang hindi lamang isang psychologist ang kanyang asawa, kundi isa na ring aktres.

Ayon sa post ni Baron, sumali si Jamie sa kanyang upcoming na pelikula, ang The Delivery Rider.

Read also

Jessica Sanchez, isinilang na ang kanyang baby girl na si Eliana Mae

"Fun fact, mga kaibigan! My wife, Jamie Marie is not just a psychologist, artista na rin siya ngayon! Hahaha!," panimula ni Baron. Lubos ang pagmamalaki ng aktor matapos niyang maikuwento na sila pa mismo ang nagkasama sa eksena, at may dialogue pa nga silang dalawa sa nasabing movie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kung mapapansin niyo sa trailer ng #TheDeliveryRider, may eksena kami together and this time, may dialogue pa kami! Nag-upgrade na talaga!" masayang say ni Baron sa kanyang viral post.

Nilinaw naman ni Baron na ang pag-arte ng kanyang asawa ay ginawa hindi lang dahil sa pag-ibig, kundi para rin sa kanilang adbokasiya. "She did it out of love, and also for our advocacy as AUesome parents, parents of children under the spectrum," paliwanag ni Baron sa Facebook.

Sa huli, ipinahayag ng aktor ang kanyang pasasalamat at paghanga sa kanyang asawa na si Jamie Marie, "She's my rock, my peace, and the one who keeps me grounded in this wild industry."

Aniya pa ni Baron, "We’re not perfect, but by God’s grace, sa eight years naming pagsasama, we’re growing stronger together. Life with our kids just keeps getting better and more meaningful every day. Thank You, Lord, for second chances, for love, and for this amazing woman who's always by my side."

Read also

Bea Alonzo, nagsalita na ukol sa kumakalat na "the picture" niya: "For anyone curious"

Ang post na ito ni Baron sa Facebook ay umani na ng libu-libong reactions, comments, at shares mula sa kanilang mga tagahanga na humahanga sa tibay at pagmamahalan nilang mag-asawa.

Si Baron Geisler ay isang kilalang aktor sa Pilipinas na sumikat sa larangan ng pelikula at telebisyon simula noong dekada '90. Una siyang nakilala bilang bahagi ng youth-oriented show na Ang TV, at mula noon ay naging bahagi ng maraming teleserye at pelikula. Kilala si Baron sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na sa mga kontrabida at dramatic roles niya. Bukod sa kanyang talento, naging kontrobersyal din si Baron dahil sa kanyang personal na buhay. Gayunpaman, sa mga nakaraang taon ay unti-unti siyang nagbago, bagay na kanyang ikinuwento sa publiko. Siya ay nagpa-rehab, naging mas bukas tungkol sa kanyang mental health journey, at kalaunan ay tumanggap ng mga proyekto na mas makabuluhan para sa kanyang buhay at karera.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinahanga ni Baron Geisler ang publiko sa kanyang Instagram post. Taos-puso kasing binati ni Baron ang kanyang misis na si Jamie. Aniya Baron, napaka-swerte raw niya na si Jamie ang kanyang napangasawa. Ngunit di lamang si Baron ang bumati kay Jamie kundi pati na rin si Sophia Angela.

Read also

Candy Pangilinan, masayang binati si Quentin sa ika-22 na kaarawan nito

Samantalang ay ibinida ni Baron Geisler na matagumpay niyang natapos ang seryeng Incognito nang walang kontrobersiya. Inihalintulad niya ang karakter na si Miguel sa sarili bilang isang recovering alcoholic Umaasa siyang magkaroon ng ikalawang season ang palabas dahil sa magandang karanasan niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco