Netizens, labis na naaliw sa text convo nina Candy Pangilinan at Quentin: "Wag ka na mag-text"
- Muling nagbigay ng aliw at tawa si Candy Pangilinan sa social media
- Ibinahagi kasi niya ang screenshot ng kanilang text conversation ng anak niya na si Quentin
- Sa usapan, nagpaplano sila tila tungkol sa darating na misa, at si Quentin ay masiglang nakikipagpalitan ng mensahe
- Agad namang nag-viral ang kanilang convo lalo na't naaliw pa nga ang mga netizens
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nagbigay-aliw at tawa sa mga netizen ang celebrity mom na si Candy Pangilinan at ang kanyang anak na si Quentin matapos niyang ibahagi sa Instagram ang isang nakakatawang palitan nila ng mensahe.

Source: Instagram
Ipinakita ni Candy sa kanyang Instagram post ang screenshot ng kanilang group chat na may pamagat na "Family" at may 17 participants. Tila nagpaplano sila para sa darating na misa, kung saan si Quentin ay sumali sa usapan..
Quentin: "Who can come tomorrow? Fr. Jojo Monis ay mag-mass bukas sa bahay."
Candy: "Di pwede Fr. Jojo."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Quentin: "Si Father Edward"
Candy: "Di rin pwede."
Matapos ang ilang palitan ng pangalan ng pari, dito na pumasok ang tila 'mic drop' moment ni Candy nang sabihan niya si Quentin, "Uulitin ko magkatabi lang tayo. Wag ka na mag-text."
Kita sa screenshot na nag-react pa si Quentin sa mensahe ng kanyang ina ng isang "laughing emoji" na tila napagtanto rin ang katatawanan ng sitwasyon. Sa caption ng kanyang post, biniro pa ni Candy ang kanyang anak: "Sabi ko nga... Magkatabi lang tayo. Excited ba siya?"
Agad namang umani ng libo-libong likes at comment ang post. Maraming sa mga tagahanga ni Candy ang tuwang-tuwa sa mother-son tandem, lalo na sa pagiging mabiro ni Quentin.
Hindi na ito ang unang pagkakataon na naging viral ang mga moments nina Candy at Quentin. Kilala ang aktres sa pagiging bukas sa kanyang paglalakbay bilang ina ni Quentin, na may Autism Spectrum Disorder (ASD). Sa kabila ng mga hamon, lagi siyang nagbabahagi ng mga nakaka-inspire at nakakatuwang sandali nila, na nagpapakita ng kanilang special love sa isa't isa.

Read also
Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"
Para sa mga netizen, ang munting sitwasyong ito ay isa na namang patunay na may sariling mundo at unique na paraan ng pagpapahayag si Quentin — kahit pa text ang pinili niyang gamitin para kausapin ang kanyang inang katabi lang niya. Nagbigay-paalala rin ito na minsan, ang mga pinakanakakatawang sitwasyon ay nangyayari lang sa loob mismo ng ating mga tahanan.
Si Candy Pangilinan ay isang beteranang Filipinang aktres at komedyante na kinikilala sa kanyang malawak na kontribusyon sa pelikula at telebisyon. Sa kabuuan ng kanyang karera, gumanap si Candy ng maraming supporting roles sa mga romantic comedy at pati na rin sa mga sitcom sa telebisyon. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang manunulat at negosyante. Mayroon siyang anak na lalaki na si Quentin, at kilala rin siya bilang isang mapagmahal at dedikadong ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Candy Pangilinan online dahil sa kanyang anak na si Quentin. Kamakailan lang ay ipinagmalaki muli ni Candy and pagiging masipag ni Quentin. Sa Instagram, ipinost ng aktres ang video ni Quentin na gumagawa ng kape sa restaurant. Marami ang natuwa sa post ni Candy, hindi lamang netizens, kundi pati na rin ibang celebs.
Samantalang noong May ay naging bukas tungkol sa kanyang pinagdaanang operasyon si Candy Pangilinan. Kamakailan, nag-upload si Candy ng isang vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa kanyang laparoscopic surgery. Ipinaliwanag ng aktres na dahil sa nasabing operasyon, sa ospital niya kinailangang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh