"Happy Freedom Anniversary" na post ni Ai-Ai Delas Alas, inulan ng suporta

"Happy Freedom Anniversary" na post ni Ai-Ai Delas Alas, inulan ng suporta

  • Masayang inanunsyo ni Ai-Ai Delas Alas ang kanyang "freedom day" sa social media
  • Sinimulan niya ang araw na ito sa pamamagitan ng pagpunta sa simbahan para magpasalamat sa Diyos
  • Sa kanyang caption, ipinahayag niya ang kanyang pagiging "wiser" at "stronger"
  • Ayon sa post, tila ang "freedom day" na ito ay tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang mister

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Ipinagdiwang ng 'Comedy Queen' na si Ai-Ai Delas Alas ang anibersaryo ng kanyang "Freedom Day" na sinabayan pa ng isang video at nakakaantig na caption sa kanyang Instagram account.

"Happy Freedom Anniversary" na post ni Ai-Ai Delas Alas, inulan ng suporta
"Happy Freedom Anniversary" na post ni Ai-Ai Delas Alas, inulan ng suporta (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi niya, makikita si Ai-Ai na naglalakad sa labas ng isang gusali habang masiglang nagku-kuwento tungkol sa araw na ito. Aniya, "Good morning Las Vegas. This is the day, ngayon ang araw ng aking freedom day."

Ipinahayag niya ang kanyang mga plano para sa araw na iyon, kabilang ang pagdalo sa misa para magpasalamat sa Diyos sa kanyang buhay. Aniya ng aktres, "Ako'y magliliwaliw today, because today is my freedom day!"

Read also

Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"

Higit na nagbigay-diin sa selebrasyon ang kanyang caption: "Happy Freedom Anniversary. One year wiser, one year stronger, one year free. Here's to the woman who rose when she could've been broken. Pain was my teacher... Healing is my revolution... To GOD be all the glory and honor."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng kanyang pagbangon mula sa isang mapait na karanasan na kanyang pinagdaanan. Tila ang ipinagdiriwang kasi ni Ai-Ai na "Freedom Day" ay tumutukoy sa hiwalayan nila ng kanyang asawang si Gerald Sibayan, na kinumpirma niya sa publiko.

Matatandaan na noong November 2024 ay opisyal na kinumpirma ni Ai-Ai na hiwalay na sila ni Gerald. Ibinahagi niya sa isang panayam na ang paghihiwalay ay naganap sa pamamagitan ng text message mula kay Gerald.

Kabilang sa mga dahilan ng paghihiwalay na binanggit ay ang pagnanais ni Gerald na magkaroon ng sarili nilang anak, na hindi na maibigay ni Ai-Ai sa kabila ng ilang pagsubok sa In Vitro Fertilization (IVF). Inamin din ni Ai-Ai na may hinala siyang mayroong "third party" sa kanilang relasyon, bagay na matapang niyang inilahad sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'

Ang post ni Ai-Ai ay isang patunay na, sa kabila ng mga pagsubok, patuloy siyang lumalaban, lumalakas, at natututo, habang binibigyang-puri ang Diyos sa kanyang paglalakbay.

Read also

Pokwang, binanatan ang mga 'nepo babies' online: "SHEIN vs. mamahaling outfit"

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ang anak ni Ai-Ai Delas Alas na si Sancho ay nag-react na sa kanyang grand entrance. Kamakailan ay naging laman ng balita si Ai-Ai dahil sa kanyang red carpet walk. Um-attend kasi si Ai-Ai ng prestigious na GMA Gala 2025 na ginanap sa Pasay City. Dito ay marami ang talagang nagulat sa peg ni Ai-Ai.

Read also

Vico Sotto, sinermunan ang ilang opisyal ng barangay sa Pasig: “Enough is enough!”

Samantalang ay na-miss kamakailan lang ni Ai-Ai Delas Alas ang United States. Sa Instagram, ibinahagi kasi ni Ai-Ai ang nangyari sa kanya. Aniya Ai-Ai, dinala kasi niya si Sailor sa isang establishment. Ngunit hindi niya napansin na bawal pala ang mga furbabies dito kaya sila ay pinalabas ng staff matapos niyang mag-order.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco