Jinkee Pacquiao, may pasilip sa napakasimpleng 'gender reveal' ni Jimuel at ng GF nito

Jinkee Pacquiao, may pasilip sa napakasimpleng 'gender reveal' ni Jimuel at ng GF nito

  • Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang video ng simpleng gender reveal ni Jimuel at ng kaniyang kasintahan
  • Hiyawan at tuwa ang bumalot sa pamilya Pacquiao matapos malaman ang kasarian ng baby
  • Sa post, inamin ni Jinkee na laking gulat niya dahil babae pala ang magiging apo niya
  • Proud na "mammita" si Jinkee, at inaasahang next month na makikita ang baby girl

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang napakasimpleng gender reveal ang ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang opisyal na Facebook page, na nagbigay ng sulyap sa masayang kaganapan para sa magiging anak ng kaniyang panganay na si Jimuel Pacquiao at ng nobya nito.

Noong Tuesday, October 14, nag-post si Jinkee sa Facebook ng video na nagpakita kung paano sumambulat sa tuwa ang buong pamilya at ang kanilang mga kasama matapos malaman ang kasarian ng magiging baby ni Jimuel at ng kanyang nobya.

Jinkee Pacquiao, may pasilip sa napakasimpleng 'gender reveal' ni Jimuel at ng GF nito
Photos: Jinkee Pacquiao on Facebook | @jinkeepacquiao on Instagram
Source: Instagram

Sa maikling video, makikitang nagtitipon ang grupo ni Jimuel at ng kaniyang kasintahan para sa isang simple ngunit masayang anunsyo. Kitang-kita ang hiyawan ng lahat matapos malaman ang kasarian ng sanggol, bagay na kinaaliwan ng marami online.

Read also

Robin Padilla, lubos ang pasasalamat kay Mariel sa pag-aalaga sa ina niyang may dementia

Sa caption, ibinahagi ni Jinkee ang kanilang labis na kagalakan at ang detalye ng simpleng paghula: "Grabe kasadya! (Gender reveal) Bisan ako wala ko ka guess kay lalaki ang akong gitagna. Nagpila sila boy or girl unya naay 100 dollars mao lipay kaayo sila Janet ilang grupo ang nidaug kay girl sila. Next month na namo makita ang baby girl namo! Proud Mammita!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

(Grabe ang saya! Kahit ako, hindi ako naka-hula dahil lalaki ang hula ko. Nagpila sila sa boy or girl at may 100 dollars kaya tuwang-tuwa sila Janet, ang kanilang grupo ang nanalo dahil girl sila. Next month na namin makikita ang aming baby girl! Proud Mammita!)

Ang ibinahaging video ay nagdulot ng labis na kaligayahan sa mga tagasubaybay ng pamilya Pacquiao, dahil ito ang magiging unang apo nina Manny at Jinkee. Ayon kay Jinkee, inaasahan nilang makikita na ang kanilang "baby girl" sa susunod na buwan.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Jinkee Pacquiao ay isang Filipina socialite, media personality, at dating politiko. Kilala siya bilang asawa ng boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao, na pinakasalan niya noong 1999. Nagsilbi rin si Jinkee bilang vice governor ng lalawigan ng Sarangani. Kilala siya sa kanyang marangyang pamumuhay at madalas magbahagi sa social media ng kanyang mga designer outfits.

Read also

Kakai Bautista, nainggit sa mga taga-Pasig: "Bakit si Mayor Vico lang ang nakaisip nito?"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Jinkee Pacquiao ng mga larawan ng kanilang pamilya na muling nagkita matapos ang apat na taong pagkakahiwalay. Ang kanilang anak na si Jimuel ay nasa Amerika para sa boxing training habang ang anak naman nilang si Princess ay nag-aaral sa United Kingdom. Inihayag ni Jinkee ang labis na kagalakan at pasasalamat sa kanyang caption, na aniya’y puno ng saya ang kanyang puso bilang isang ina.

Samantalang noong nakaraang Mayo, ibinunyag ni Jinkee Pacquiao ang kanyang pagkadismaya sa mga paid ads na bumabatikos kay Manny Pacquiao. Tinawag pa ng ilang bashers ang naturang boksingero na "clown" habang nangangampanya ito. Naniniwala si Jinkee na may ilang grupo na gumagastos ng malaking halaga para sirain ang kanyang imahe. Hinikayat niyang gamitin na lamang ang pera para tulungan ang mga nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco