Paolo Contis, naki-bonding sa mga anak kasama sina Lian Paz at John Cabahug: "My heart is full"
- Ibinahagi ni Paolo Contis ang ilang larawang kuha sa bonding niya kasama ang mga anak na sina Xonia at Xalene
- Kapansin-pansin din na kasama niya ang dating asawa na si Lian Paz at sa kasalukuyang asawa nito na si John Cabahug
- Kalakip ng post ni Paolo ang emotional na caption kung saan pinuri niya ang pamilya ni Lian at John
- Matatandaang kabi-kabilang kontrobersiya ang kinaharap noon ni Paolo Contis kaugnay sa kanyang mga nakarelasyon kaya't tila magandang hudyat ang bonding na ito kasama ang mga anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpaabot ng pasasalamat ang aktor na si Paolo Contis sa kanyang dating asawa na si Lian Paz at sa kasalukuyang asawa nito na si John Cabahug matapos siyang payagang makasama ang kanilang mga anak.
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ng “Bubble Gang” star na ginugol niya ang kanyang bakasyon kasama sina Lian, John, at ang dalawa nilang anak na sina Xonia at Xalene.
“My heart is full.. Thank you for a wonderful day!” isinulat ni Paolo sa kanyang post, sabay pag-tag sa mag-asawang Lian at John.
“Being with your whole family was the best! Thank you for being such a wonderful host! I am speechless! God is great!” dagdag pa niya.
Nag-iwan naman ng komento si Lian sa naturang post ni Paolo.
“Maraming kwento pero ang pinaka-magandang kwento ay ang pagpapatawad. Only by the grace of God! Not of our own efforts and time, it is by God’s Grace alone,” ani Lian.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Lian at Paolo ay ikinasal noong 2009 ngunit naghiwalay noong 2012. Noong 2021, naghain si Lian ng annulment case laban kay Paolo, ngunit ipinahayag niya noong Marso 2024 na binawi na niya ito.
Noong Setyembre 2024, nagpakasal naman si Lian kay John sa isang civil ceremony.
Sa kabila ng kanilang nakaraan, ipinakita nina Paolo at Lian na posible pa rin ang pagpapatawad at pagkakasundo alang-alang sa kanilang mga anak.
Si Paolo Contis ay isang kilalang aktor, komedyante, at host sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong Marso 14, 1984, nagsimula siya bilang batang artista sa palabas na Ang TV ng ABS-CBN noong dekada ’90 bago lumipat sa GMA Network noong 2004, kung saan tuluyan niyang napagtibay ang kanyang pangalan bilang isa sa mga versatile actors ng bansa. Kilala siya bilang isa sa mga pangunahing miyembro ng matagal nang comedy show na Bubble Gang, at madalas ding lumabas sa mga teleserye at pelikula sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center. Sa kabila ng mga kontrobersiyang pinagdaanan niya, nanatili siyang aktibo sa kanyang propesyon at patuloy na pinatutunayan ang kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa.
Sa kasalukuyan, abala si Paolo sa iba’t ibang proyekto sa pelikula at telebisyon. Isa siya sa mga bida sa pelikulang Fuchsia Libre (2024) kasama si John Arcilla at mayroon ding bagong pelikula sa MavX Productions kasama si Elisse Joson. Kasalukuyang mapapanood din sa Netflix ang pelikula niya kasama sina Patrick Garcia at Kaye Abad na may pamagat na Conmon. Bukod sa pag-arte, patuloy din siyang lumalabas sa Bubble Gang at bukas sa mga guest appearances sa iba’t ibang noontime shows ng GMA. Kamakailan ay muling pinirmahan ni Paolo ang kanyang kontrata sa GMA Network, patunay ng kanyang patuloy na ugnayan sa istasyon. Ayon sa kanya, isa siyang “work in progress” at patuloy na nagsisikap na mas mapabuti hindi lamang ang kanyang karera kundi maging ang kanyang personal na buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh