Ellen Adarna, may bagong pasilip sa kanyang Amanpulo getaway: "Sunsets, sunrise, serenity"
- Usap-usapan ngayon ang panibagong post ni Ellen Adarna sa Instagram
- May bago kasi siyang pasilip sa Amanpulo getaway nila ng mga kaibigan niya
- Aniya Ellen, sana raw ay maging "yearly ritual" ang kanilang getaway
- Bukod sa bakasyon, marami rin ang namangha sa ganda at bikíni body ni Ellen
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Usap-usapan ngayon sa social media ang nag-uumapaw na ganda at bonggang bakasyon ni Ellen Adarna, na kamakailan ay nag-post ng isang carousel ng mga larawan mula sa kanyang mala-paraisong paglalakbay sa Amanpulo, Palawan.

Source: Instagram
Ibinahagi ng aktres ang "chill and relaxing trip" niya kasama ang kaniyang mga matatalik na kaibigan. Ang mga larawan ay nagpapakita ng kanilang pag-iikot sakay ng bangka sa clear waters ng Amanpulo, pag-snorkeling at pakikipagtagpo sa mga pawikan, at siyempre, ang kaniyang nakamamanghang bikíni body laban sa backdrop ng mga sunset at sunrise ng isla.
Sa isang photo, makikita si Ellen na nakatayo sa isang dock na tila tinatangkilik ang kapayapaan ng Amanpulo. Ang nakakatuwang caption ni Ellen ang lalong pumukaw ng atensyon. Tinawag niya itong "adulting level unlocked" kasabay ng paglalarawan ng kanilang itinerary:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Chasing pawikans by day, chasing sleep by 8PM. Sunsets, sunrise, serenity — adulting level unlocked! Thank you, nerfs @vitoselma, @din_g for the super chill and relaxing trip! Making this a yearly ritual — same place, same peace. Can't wait for round 2, 3, 4, 5 etc to more than 20 years of friendship! Also, happy birthday, dindimae @din_g."
Higit sa magagandang tanawin, ipinagdiwang din ni Ellen ang mahigit 20 taong pagkakaibigan sa kaniyang mga kasama. Ibinahagi niya ang pagnanais na gawing taunang ritwal ang pagbisita sa Amanpulo, na patunay ng lalim at tibay ng kanilang samahan. Bukod pa rito, binati rin niya ng "happy birthday" si Din Gamallo, na nagdagdag ng personal na touch sa post niya sa Instagram.
Sa gitna ng mga magagandang tanawin at selfies ni Ellen, patuloy na hinahangaan ng mga tagahanga ang aktres dahil sa kanyang natural na ganda at fit na pangangatawan, at pati na rin sa bonggang bakasyon niya sa Amanpulo kasama ang mga matatalik niyang kaibigan.
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nanawagan kamakailan sa publiko si Ellen Adarna ukol sa kanila ni Derek Ramsay. Sa Instagram, nag-post si Ellen ng 'proof' umano laban sa panibagong tsismis sa kanila. May kumakalat kasi na tsismis na in-unfollow na ng celebrity momma si Derek sa app. Dahil dito, agad na nagsalita si Ellen uekol sa isyu at sinabing, "Tigilan niyo na kami ha."
Samantalang ay nag-react kamakailan lang si Ellen Adarna sa isang "nepo baby" na satirical video. Nag-post kasi nito lamang si Ansis Sy ng video na para raw sa mga "nepo baby" ng bansa. Dahil dito, agad talagang napa-comment ang aktres at ni-repost pa nga ang video sa page niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-comment si Ellen sa politics sa page niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh