Maymay Entrata, muling napag-usapan matapos mamataan kasama si Joaquin Enriquez
- Viral ang video ni Maymay Entrata kasama ang isang lalaki na tinukoy ng netizens bilang aktor na si Joaquin Enriquez
- Makikita sa clip na tinutulungan ni Joaquin si Maymay habang sila ay naglalakad, at hawak pa nito ang bag ng aktres
- Maymay at Joaquin ay nagkaroon ng palitan ng sweet comments sa Instagram post ng aktor
- Netizens muling nagbalik sa usapan ang love life ni Maymay, na matagal nang tahimik sa isyung ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matagal nang tahimik si Maymay Entrata pagdating sa kanyang love life, ngunit kamakailan lamang ay muling naging mainit na usapan ang kanyang personal na buhay matapos siyang mamataan kasama ang isang lalaki na umano’y si Joaquin Enriquez, na isa ring aktor.

Source: Instagram
Isang video ang kumalat online na nagpapakita kay Maymay habang pinapalibutan ng mga fans na gustong magpa-picture sa kanya. Sa nasabing clip, mapapansing may lalaking nag-aasikaso sa kanya—hawak nito ang bag ng aktres at tila inaalalayan pa siya habang naglalakad. Agad itong napansin ng mga netizens at nagdulot ng samu’t saring reaksiyon sa social media.
Ang naturang video ay ibinahagi sa Reddit sa ilalim ng thread na r/ChikaPH ng user na @Complete_Designer481. Dito, nagkomento ang mga netizens tungkol sa misteryosong lalaki at sa tila bagong kabanata sa buhay-pag-ibig ng aktres. May ilan ding nagbanggit tungkol sa dating loveteam partner ni Maymay na si Edward Barber, pati na rin sa kanyang dating boyfriend na si Aaron Haskell, na parehong may lahing banyaga.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ilan sa mga netizens ang nagsabing ang lalaki sa video ay si Joaquin Enriquez, na kilala rin sa ilang independent films at TV appearances. Para patunayan ito, may isang netizen pang nagbahagi ng screenshot mula sa Instagram post ni Joaquin, kung saan makikita ang isang litrato na tila kasama si Maymay—kahit nakatalikod ang aktres, naniniwala ang mga fans na siya iyon.
Mas lalong naging kapansin-pansin ang koneksyon ng dalawa nang mapansin ng netizens ang kanilang sweet exchange sa comment section. Sa post ni Joaquin, nag-iwan ng mensahe si Maymay:
“Proud of you po ❤️”
Agad naman itong sinagot ni Joaquin ng isang simpleng smiley at red heart emoji, na agad kinilig ang mga followers ng dalawa.
Bagama’t walang kumpirmasyon mula sa panig nina Maymay at Joaquin, marami ang naniniwalang malapit na sila sa isa’t isa. Ang ilan sa mga tagahanga ay natuwa sa posibilidad ng bagong pag-ibig para kay Maymay, habang ang iba naman ay nagpahayag ng respeto sa kanyang desisyon na panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.
Si Maymay Entrata ay unang sumikat matapos maging Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 grand winner noong 2017. Mula noon, naging isa siya sa mga pinakaminamahal na artista sa ABS-CBN dahil sa kanyang charm, sense of humor, at talent sa pag-arte at pagkanta.
Nakilala rin siya bilang kalahati ng tambalang MayWard kasama si Edward Barber, na nagkaroon ng malaking fanbase sa mga taon ng kanilang tambalan. Kalaunan, nag-focus si Maymay sa kanyang solo career at naglabas ng mga awitin tulad ng “Amakabogera,” na naging viral anthem ng empowerment.

Read also
Tuesday Vargas sa kwentong nang-irap, nagtaray siya sa HK: "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo?"
Kilala rin siya sa pagiging low-key pagdating sa kanyang love life. Matapos ang kanyang past relationship kay Aaron Haskell, bihira nang pag-usapan ang kanyang romantic status—hanggang sa lumabas ang viral video na ito.
Sa isang ulat ng KAMI, nagpasalamat si Maymay sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay matapos ang pagpanaw ng kanyang ina sa Canada. Ayon sa aktres, labis niyang na-appreciate ang pagmamahal ng kanyang fans at mga kaibigan sa industriya sa panahong pinagdadaanan niya ang matinding kalungkutan. Ipinakita rin ni Maymay ang kanyang lakas ng loob sa gitna ng personal na pagsubok.
Kamakailan, sa isang social media post na ibinahagi rin ng KAMI, nag-iwan ng inspirasyonal na mensahe si Maymay para sa mga Pilipino. Aniya, sa kabila ng mga problema ng bansa, naniniwala siyang may pag-asa pa at dapat patuloy na magmahal at maniwala sa kabutihan. Maraming netizens ang napasaya at na-inspire sa positibong pananaw ng aktres.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh