Carmina Villarroel, walang isyu kay Ashley Ortega: “She’s very respectful and such a sweet lady”

Carmina Villarroel, walang isyu kay Ashley Ortega: “She’s very respectful and such a sweet lady”

  • Carmina Villarroel nilinaw na wala siyang isyu sa kasintahan ng anak na si Mavy Legaspi na si Ashley Ortega
  • Ayon sa aktres, magalang at sweet si Ashley at dati na nilang nakatrabaho sa proyekto
  • Itinanggi rin ng aktres na nakikialam siya sa personal na buhay o love life ng kanyang mga anak
  • Carmina ay patuloy na tumatanggap ng papuri bilang mabuting ina at aktres sa kabila ng mga negatibong komento online

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang panibagong panayam, Carmina Villarroel muling nagpahayag ng pagiging open at kalmado pagdating sa love life ng kanyang anak na si Mavy Legaspi, na ngayon ay in a relationship sa aktres na si Ashley Ortega.

Carmina Villarroel, walang isyu kay Ashley Ortega: “She’s very respectful and such a sweet lady”
Carmina Villarroel, walang isyu kay Ashley Ortega: “She’s very respectful and such a sweet lady” (📷@mina_villarroel/IG)
Source: Instagram

Matatandaan na naging laman ng mga balita noon ang isyu sa pagitan nina Mavy at Kyline Alcantara, kung saan nadamay pa si Carmina matapos akusahang nakikialam umano sa relasyon ng kanyang anak. Tinawag pa siya ng ilang netizens na “pakialamera,” ngunit sa mga nakaraang pahayag, nilinaw ng beteranang aktres na wala siyang galit o sama ng loob kay Kyline at handa pa raw siyang makatrabaho ito sa hinaharap.

Read also

Michael V, emosyonal sa ‘Bubble Gang’ reunion; excited sa collaboration nila ni Vice Ganda

Ngayon, tila maayos na ang lahat sa panig ni Carmina dahil nagbahagi siya ng positibong pananaw sa kasalukuyang karelasyon ng anak na si Ashley Ortega. Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ng aktres na masaya siya para sa anak at wala siyang nakikitang problema kay Ashley.

“Si Ashley, she’s very respectful and she’s such a sweet lady talaga. Well, wala naman akong say sa mga love life nila,” pahayag ni Carmina sa isang ulat ni Rose Garcia ng Abante.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, magaan ang loob niya kay Ashley dahil dati na silang nagkatrabaho sa Widow’s Web, habang ang asawa niyang si Zoren Legaspi ay nakasama rin ni Ashley sa ibang proyekto. Kaya nang ipakilala ni Mavy si Ashley bilang kanyang kasintahan, natural na naging madali ang pagtanggap ng pamilya sa dalaga.

Ayon pa kay Carmina, alam niyang hindi niya mapapasaya ang lahat at sanay na siyang harapin ang mga negatibong komento. Sa halip na patulan ang mga ito, mas pinipili niyang magpasalamat dahil marami pa rin silang natatanggap na biyaya bilang pamilya.

Read also

TikTok prankster, himas-rehas dahil sa kanyang viral 'Syringe Prank'

“Alam ko namang hindi ko mapapasaya ang lahat. Hayaan na lang natin ang mga tao kung ano ang gusto nilang isipin,” ani niya.

Bukod kay Mavy, tinanong din si Carmina tungkol sa anak niyang si Cassy Legaspi, na dati namang nauugnay sa aktor na si Michael Sager bago ito pumasok sa Pinoy Big Brother. Nilinaw ni Carmina na hindi siya nasaktan nang i-deny ni Michael ang umano’y relasyon nila ni Cassy sa loob ng bahay ni Kuya.

“Hindi kasi talaga ko nakikialam sa personal nilang buhay, sa love life. But si Michael, when it comes to us–kami ni Zoren, he’s nice to us. ‘Yung sa kanila ni Cassy, puwede, si Cassy na lang ang tanungin n’yo,” sagot ng aktres.

Sa kabuuan, ipinakita ni Carmina sa panayam na siya ay isang ina na marunong magbigay ng espasyo sa kanyang mga anak habang pinapanatili ang maayos na relasyon sa mga taong bahagi ng buhay ng mga ito.

Read also

Nawawalang lalaki, natagpuang patay sa loob ng drum sa Maguindanao del Sur

nj n Si Carmina Villarroel-Legaspi ay isa sa pinakagalang na aktres sa industriya ng showbiz. Kasal siya kay Zoren Legaspi, at may kambal silang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Kilala si Carmina sa kanyang versatility bilang artista at sa pagiging ideal mom figure sa industriya. Sa kabila ng matagal na niyang karera, nananatili siyang aktibo sa telebisyon at patuloy na minamahal ng publiko.

Sa isang artikulo ng KAMI, ibinahagi nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang mga sikreto sa likod ng kanilang matibay at masayang pagsasama. Ayon sa kanila, ang respeto at komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling matatag ang kanilang relasyon kahit ilang dekada na silang magkasama. Maraming netizens ang humanga sa pagiging ideal couple ng dalawa.

Sa isang hiwalay na ulat ng KAMI, nagbigay si Cassy Legaspi ng emosyonal na mensahe para sa kanyang ina na si Carmina sa ika-50 nitong kaarawan. Sa post ni Cassy, pinasalamatan niya ang kanyang mommy sa walang sawang gabay at pagmamahal. Ibinahagi rin niya ang ilang larawan mula sa sorpresang birthday celebration ng aktres na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate