Judy Ann Santos, may sweet na pagbati kay Lucho: "I am so proud to be called your mom"

Judy Ann Santos, may sweet na pagbati kay Lucho: "I am so proud to be called your mom"

  • Labis na naantig ang puso ng maraming netizens sa post ni Judy Ann Santos
  • Binati kasi kamakailan ng aktres ang anak niya na si Lucho sa Instagram page
  • Aniya Juday, proud daw siya na siya ang mommy ni Lucho, na nagpaantig online
  • Say pa nga ng aktres sa kanyang post, "God again delivered one of my greatest wishes"

Isang napakagandang pagbati ang ibinahagi ng Queen of Pinoy of Soap Operas na si Judy Ann Santos sa kanyang Instagram, kung saan ipinagdiwang niya ang kaarawan ng kanyang anak na si Juan Luis 'Lucho' Agoncillo. Ang post, na isang carousel ng mga larawan, ay nagpakita ng nakakatuwang paglalakbay ni Lucho, mula sa pagiging bata hanggang sa pagiging binatilyo.

Judy Ann Santos, may sweet na pagbati kay Lucho: "I am so proud to be called your mom"
Judy Ann Santos, may sweet na pagbati kay Lucho: "I am so proud to be called your mom" (@officialjuday)
Source: Instagram

Makikita sa mga larawan ang iba't ibang yugto ng buhay ni Lucho—mga larawan noong siya ay bata pa, kung saan makikita ang kanyang nakakatuwang ngiti; habang nakasuot ng scout uniform na may tatak ng watawat ng Pilipinas; at mga mas bagong larawan na nagpapakita ng kanyang pagiging binata, tulad ng masiglang larawan niya sa harap ng kanyang birthday cake, at ang isang matamis na yakap nila ng kanyang ina, bagay na nagpaantig sa maraming netizens.

Read also

Michael V, emosyonal sa ‘Bubble Gang’ reunion; excited sa collaboration nila ni Vice Ganda

Bukod sa mga larawan, nakakuha din ng pansin ang sweet na mensahe ni Judy Ann para sa kanyang anak. Sa caption, ibinahagi niya ang isang matagal na niyang dasal na tinupad ng Diyos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"15 years ago, God again delivered one of my greatest wishes... to be able to bear a son that would endlessly kiss and hug me even when he grows up... and show appreciation and kindness to everyone... as a mom of this wonderful human being, I couldn't and won't ask for anything more... my dearest love... I am so so proud to be called your mom... me and dada will forever be your greatest supporters in whatever you want to achieve in life.. you're doing great, my love... keep it up... we love you soo much... Happy 15th, baby love!" aniya Judy Ann.

Ang mga linyang ito ay nagpapakita ng labis na pagmamalaki at pag-ibig ng aktres sa kanyang anak. Tiniyak niya kay Lucho na sila ni Ryan Agoncillo, ang kanyang mister, ay mananatiling pinakamalaking tagasuporta ni Lucho sa lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay niya.

Read also

Saab Magalona, naiyak sa ginawa ng kanyang ina noong February: "That's just how my mom is"

Hindi maikakaila ang sinseridad ng pagbati ni Judy Ann, na nagbigay-pugay sa magandang asal at pagkatao ni Lucho, bagay na hinahangaan din ng mga fans ng aktres sa kanilang iniidolo.

Swipe left to see more photos:

Si Judy Ann Santos ay isang Filipina aktres. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga TV drama tulad ng Mara Clara at Ula, Ang Batang Gubat, at mula noon ay naging isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa showbiz. Ang mga versatile roles niya ay nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kanyang personal na buhay ay kasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo, isang Filipino actor-host. Sila ay may 3 anak na sina Johanna Louise, Juan Luis, at Juana Luisa. Bukod sa kanyang acting career, kilala rin si Judy Ann sa kanyang galing sa pagluluto.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinasaya ni Judy Ann Santos ang kanyang mga fans dahil sa viral video niya. Ibinahagi kasi ni Ryan Agoncillo sa Instagram ang resulta ng 'experiment' ni Juday. Tila sinubukan kasi ni Juday na mag-bake ng tinapay from scratch sa bahay nila. Ngunit, talagang naloka ang dalawa sa resulta ng baking experiment na ito ng aktres.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

Samantalang noong May ay lubos na naantig si Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban. Sa Instagram, ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang flower bouquet mula sa brand na Petalier. Ang mga bulaklak ay galing kay Angelica Panganiban, isa sa kanyang matalik na kaibigan. Kasama ng flower bouquet ay isang matamis at taos-pusong liham din mula kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco