Saab Magalona, naiyak sa ginawa ng kanyang ina noong February: "That's just how my mom is"

Saab Magalona, naiyak sa ginawa ng kanyang ina noong February: "That's just how my mom is"

  • Labis namang naantig ang puso ng marami sa post ni Saab Magalona
  • Binigyang-pugay kasi niya ang kanyang ina sa kaarawan nito ngayong buwan
  • Aniya Saab, may ginawa raw kasi si Pia Magalona na nagpaiyak sa kanya noon
  • Say pa nga ni Saab sa naturang Instagram post, "That's just how my mom is"

Isang taos-pusong pagbati at pagkilala ang inialay ni Saab Magalona sa kanyang ina, si Pia Magalona, sa pamamagitan ng isang Instagram post noong October 6, na kaarawan din ng kanyang ina at kasabay ng pagdiriwang ng World Cerebral Palsy Day.

Saab Magalona, naiyak sa ginawa ng kanyang ina noong February: "That's just how my mom is"
Saab Magalona, naiyak sa ginawa ng kanyang ina noong February: "That's just how my mom is" (@saabmagalona)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Saab sa naturang post ang isang kuwento na nagpakita ng kabutihan ng puso ng kanyang ina, na talaga namang nagpaiyak sa kanya. Aniya, labis siyang naiyak noong February nang makita niya ang post ng matagal nang beneficiary partner ng kanilang podcast na Wake Up With Jim & Saab, ang CEFASGPH, tungkol sa pag-donate ng kanyang ina at ng Rotary Club nito ng mga adaptive wheelchairs para sa mga batang may cerebral palsy.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

"I found myself crying last February when I saw... CEFASGPH, post about my mom and her rotary club donating adaptive wheelchairs to kids with cerebral palsy," isinulat ni Saab sa Instagram.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang paggawa ng kabutihan ni Pia ay tahimik at walang inaasahang kapalit. Ito ang isa sa mga katangiang labis na hinangaan ni Saab sa kanyang ina. "That's just how my mom is - no fuss, no big deal, she does SO MUCH out of love and without any demand for recognition," say ni Saab.

Sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, kabilang na ang pagkakaroon ng kanyang anak na si Pancho ng cerebral palsy, sinabi ni Saab na minsan ay naiisip niya kung paano siya nakakahanap pa rin ng labis na kaligayahan. Aniya Saab, ang sagot daw ay dahil sa kanyang ina na napakalakas.

"Sometimes I wonder how I can still be so happy despite all my heartbreaks. Then I look at my mom and I see where I get it," pagtatapos niya. Ang post ay nagsilbing pasasalamat at pagmamahal: "Thank you, mama. Happy birthday! I love you so much, @piamagalona."

Read also

Geneva Cruz, nagbahagi ng emosyonal na mensahe sa engagement ng anak na si Heaven

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si Saab Magalona ay isang Filipina singer, actress, at entrepreneur, na kilala bilang anak ng yumaong Francis Magalona, ang 'Master Rapper' ng Pilipinas, at ni Pia Magalona. Isa siya sa mga lead vocalist ng indie pop-rock band na Cheats. Unang nakilala si Saab sa kanyang mga paglabas sa mga youth-oriented TV shows. Sa paglipas ng mga taon, tumatag ang presensya niya sa industriya ng aliwan at online platforms. Bukod sa pagkanta at pagsusulat, isa rin siyang podcast host at tagapagtaguyod ng mental health awareness. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Jim Bacarro, at madalas niyang ibahagi sa social media ang kanilang buhay pamilya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isa na namang proud mama si Saab Magalona sa kanyang pinakabagong post online. Kamakailan, nagbahagi si Saab ng isang cute na video ng kanyang anak na si Vito habang nasa stage ito. Ayon sa kanya, iyon ang "first night-time gig" ni Vito. Sa kanyang post, sinabi niya, "Last night was Vito's first night time gig! Dapat manonood lang kami pero he was called on stage." Marami ang humanga sa talento ni Vito sa naturang video clip.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang "plan" ni JM de Guzman: "Now that’s a MAN"

Samantalang umani rin ng papuri mula sa mga netizen si Saab Magalona dahil sa kanyang raw honesty tungkol sa mga pinagdadaanan niya. Kamakailan, nagpa-online Q&A siya kung saan tinanong siya tungkol sa fears at anxiety. Tapat niyang ibinahagi na dati ay nagpapakita ito sa anyo ng pagiging "unproductive." Gayunpaman, matapos niyang matutunang harapin at i-process ang mga ganitong emosyon, marami ang humanga sa kanyang mga sagot at pananaw sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco