Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

  • Marami ang talagang naaliw sa video na ipinost ni Isabelle Daza online
  • Ang video tungkol ito sa kanyang bunsong anak na si Esmeralda Gloria
  • Sapul kasi sa naturang viral clip ang laging tinatanong sa kanya ni Esmeralda
  • Dahil dito ay talagang labis na naaliw at natawa ang mga followers ni Isabel

Isang napaka-cute at nakakatuwang video ang ibinahagi ng aktres at host na si Isabelle Daza sa kanyang Instagram account, kung saan tampok ang kanyang bunsong anak na si Esmeralda.

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria
Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya (@isabelledaza) ng anak niyang si Esmeralda Gloria
Source: Instagram

Sa video, makikita ang iba't ibang pagkakataon at lugar kung saan tinatanong ng bata ang kanyang ina. Ang paulit-ulit na tanong ni Esmeralda, na may tono pa ng seryosong pag-uusisa, ay tungkol sa pag-e-exercise: "Mama, did you go to the gym?" na kinagiliwan ng marami online.

Mula sa pag-slide sa playground, paglalaro ng swing, hanggang sa loob ng sasakyan at bahay, hindi nakakaligtas si Isabelle sa tanong ng kanyang munting "accountability officer." Sa isang bahagi pa ng video, tinanong pa ni Esmeralda ang kanyang mama, "Are you gonna go to the gym?"

Read also

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang nakakatuwang eksenang ito ay sinamahan ng caption ni Isabelle na, "My little accountability officer," na nangangahulugang ang anak niya ang nagpapaalala sa kanya ukol sa healthy living.

Hindi naiwasang matawa at ma-inspire ang mga netizens sa video. Mabilis itong nag-viral at umani ng libu-libong likes at comments, na nagpapahayag ng pagkakaugnay nila sa sitwasyon at paghanga sa cuteness ni Esmeralda. Marami ang nagsabing gusto rin nilang magkaroon ng sarili nilang "accountability officer" para ma-motivate din silang maging fit at healthy sa araw-araw.

Lalong minahal ng publiko si Esmeralda Gloria dahil sa video na ito, na nagpapakita ng isang nakakaaliw na bahagi ng buhay pamilya ni Isabelle bilang isang celebrity momshie sa industriya.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Isabelle Daza-Semblat ay isang Filipina actress, TV host, model, at entrepreneur. Anak siya ni Gloria Diaz, ang Miss Universe 1969 titleholder. Nag-debut siya noong 2011 sa GMA noontime show na Party Pilipinas. Kalaunan ay mas nakilala siya sa kanyang mga papel sa telebisyon, lalo na sa drama series na Tubig at Langis. Bukod sa pag-arte, kilala rin si Isabelle sa pagiging bukas tungkol sa mental health, kanyang mga adbokasiya, at mga negosyo. Isa rin siya sa mga co-founder ng kilalang apparel line na Recess, na pinagsasama ang activewear at lifestyle fashion.

Read also

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinuri si Isabelle Daza ng mga netizen sa social media. Bumista siya sa isang lokal na komunidad sa Ave Maria, Tanay, Rizal. Sa Instagram, ibinahagi ni Isabelle ang kasaysayan ng naturang lugar. Ayon sa kanya, ang lugar ay isang bagay na natanggap ng kanyang ina. "My target for the next 12 months is to put up a water tank for the village," aniya.

Samantalang nagdulot din ng ingay online si Isabelle Daza matapos magbahagi ng isang awareness-raising na post. Sa Instagram, ni-repost niya ang isang viral reel na orihinal niyang ibinahagi noong 2020. Tungkol ito sa kanyang karanasan nang magkaroon ng seizure si Baltie noong isang taong gulang pa lamang ito. Maraming netizen ang humanga sa celebrity momma dahil sa aktibo niyang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol dito na baka di pa alam ng iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco