Anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na si Joaquin, nanalo sa first boxing match niya

Anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na si Joaquin, nanalo sa first boxing match niya

  • Masayang ibinahagi ni Kaye Abad ang pagkapanalo ni Joaquin sa boxing match nito
  • Sa Instagram, ipinasilip ni Kaye ang ilang tagpo sa first boxing match ng kanyang anak
  • Ginawa ang laban sa isang local gym sa Cebu City at marami ang na-impress kay Joaquin
  • Aniya Kaye, hindi raw magiging posible ang pagkapanalo ni Joaquin kundi dahil sa team nito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang nakakaantig na post ang ibinahagi ng aktres na si Kaye Abad sa Instagram nitong Sabado, October 4, na nagtatampok sa kanyang anak na si Pio Joaquin matapos ang isang boxing match sa isang local gym sa Cebu City.

Ibinida ni Kaye ang isang carousel ng mga larawan, kabilang ang pagyakap ng dalawang batang boksingero at ang pagtataas sa kamay ni Joaquin bilang champion, kasama ang kanyang note ng pasasalamat at pagmamalaki.

Anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na si Joaquin, nanalo sa first boxing match niya
Anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na si Joaquin, nanalo sa first boxing match niya (@kaye_abad)
Source: Instagram

Sa kanyang viral online post sa photo app, hindi lang ipinagbunyi ni Kaye ang pagkapanalo ng kanyang anak, kundi nagbigay rin siya ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng paglalakbay ni Joaquin sa boxing, mula sa pagsasanay hanggang sa mismong laban nito.

Read also

Pinangunahan niya ang mensahe sa pagkilala kay Coach Jinggoy, na siyang unang nakakita ng potensyal ni Joaquin. Aniya Kaye, ang naturang coach ang nagtulak kay Joaquin na maging mas mahusay at nagturo ng disiplina, na sinabing: "To Coach Jinggoy, who first saw his potential and patiently guided him every step of the way. thank you for pushing him to do better, for instilling discipline. Joaquin wouldn't be the boxer he is today without your dedication and heart."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin nakalimutan ni Kaye ang Omega team na nagpagaan at nagpasaya sa pagsasanay, "To the Omega team, for making training not only effective but also fun. you gave him a second family inside the gym." Bukod pa ritoa ay may espesyal na pasasalamat din para kina Uncle Pao at BJ.

Ngunit ang pinakatampok sa kanyang pasasalamat ay para sa ama ni Joaquin, ang asawa niyang si Paul Jake Castillo. Binigyang-pugay niya ito dahil sa pagiging sandigan at lakas ni Joaquin sa loob ng isang buwang pagsasanay at sa mismong laban, "Most of all, to his dad, who stood by him through this whole month of training and the fight itself. thank you for being his strength."

Read also

Tiniyak ni Kaye na ipinaparamdam niya ang kanyang pasasalamat sa bawat isa sa kanila. Nagtapos ang kanyang mensahe sa isang palakpak-kamay na sigaw ng suporta: "KUMBATI!!!"

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si Kaye Abad ay isang aktres na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag siya dahil sa kanyang papel bilang Epifania "Eds" Delos Santos sa Tabing Ilog, isang sikat na teen drama series. Lumabas din siya sa ilang teleserye gaya ng Annaliza at Nang Ngumiti Ang Langit. Si Kaye ay kasal sa aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo Leon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay si Kaye Abad ng update sa social media matapos ang malakas na lindol sa Cebu. Sinabi niyang ligtas siya at ang kanyang mga anak at kasalukuyan silang nasa Manila. Inilahad din niyang ligtas pati na rin ang kanyang pamilya sa Cebu. Ayon sa PHIVOLCS magnitude 6.9 ang lindol sa Cebu na nagdulot ng mahigit 60 nasawi.

Read also

Samantalang ay muli na namang nawindang si Kaye Abad dahil sa post ni Paolo Contis. Binati kasi ni Paolo kamakailan ang kaibigan nilang si Patrick Garcia. Ngunit ang napiling post at photo ni Paolo ay ikinagulat ng aktres. Dahil dito, agad na napa-comment si Kaye sa photo choice ni Paolo na labis namang kinaaliwan ng kanilang mga tagahanga sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco