Trina Candaza, naantig ang puso sa regalo at letter ng kanyang staff member
- Labis na natuwa at naantig ang puso ni Trina Candaza kamakailan
- Sa Instagram, ibinahagi ni Trina ang regalo ng isa niyang staff member
- Aniya Trina, kinabahan pa raw siya nung una kasi akala niya ay resignation letter ito
- Gayunpaman, labis na na-touch si Trina sa kabutihan ng kanyang empleyado
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Trina Candaza ay labis na natuwa at naantig ang puso sa natanggap niyang regalo at handwritten letter mula sa isang staff member niya. Ibinahagi ito ng content creator sa kanyang Instagram Story noong Friday, October 3 lamang.

Source: Instagram
Ipinakita ni Trina sa kanyang post ang isang gold-colored box na may nakabalot na ribbon na may 'Happy Christmas' print. Nakadikit sa kahon ang isang dilaw na sticky note na naglalaman ng taos-pusong mensahe mula sa nagbigay ng regalo.
Ang nagbigay ng regalo ay ang staff ni Trina na si Danna. Sa sticky note labis na nagpahayag ng kanyang pasasalamat at pagpapahalaga si Danna sa kanyang boss na ikinaantig ng marami.
Read also
"Hi, Ma'am Trina, thank you for your guidance and support. I truly appreciate the opportunities you've given me, to learn and grow here. Working with you is inspiring and motivating. I'm grateful for your trust, and I will help you, always."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, inamin ni Trina sa kanyang caption na noong una ay inakala pa niya na iba ang laman ng mensahe, kung kaya't kinabahan siya nung una.
"It really feels good to receive something like this from one of my staff. But at the same time, it made me nervous.. I thought the next message would be a resignation. Thank you Danna ," biro niya.
Ang simpleng post ay nagpakita ng magandang ugnayan sa pagitan ni Trina at ng kanyang mga empleyado, kung saan ramdam nila ang pagpapahalaga at pasasalamat. Tiyak na naging inspirasyon ito para sa marami na pahalagahan ang mga taong nagtatrabaho nang tapat at nagbibigay suporta sa kanilang team at mga negosyo.
Read also

Source: Instagram
Si Trina Candaza ay isang Filipino model at digital content creator. Nakabuo siya ng malaking online presence, partikular sa kanyang self-titled na YouTube channel, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang pang-araw-araw na buhay, mga biyahe, at karanasan bilang isang ina. Mas nakilala pa siya ng publiko dahil sa dati niyang relasyon sa aktor na si Carlo Aquino. Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2019 at nagkaroon sila ng anak na si Enola Mithi noong 2020. Gayunpaman, naghiwalay sila noong 2022. Bukod sa kanyang personal na buhay, pumasok din si Trina sa pagnenegosyo at naglunsad ng sarili niyang perfume line.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Trina Candaza ng pagninilay tungkol sa kanyang mga responsibilidad. Nag-post si Trina ng larawan ng kanyang pagkain na tinawag niyang "comfort food." Kalakip nito ay isang maikli makahulugang mensahe tungkol sa "survival mode." Hindi na kataka-taka na maraming netizens sa social media ang naka-relate sa online post niya.
Read also
Samantalang noong April ay nagbigay si Trina Candaza ng taos-pusong pasasalamat sa yaya ng kanyang anak. Sa Instagram, nagpa-Q&A si Trina kung saan natanong siya tungkol sa pagiging working mom niya. Sa kalaunan, pinuri ni Trina si Ate Shiela sa kanyang post. Marami ang humanga kay Trina dahil sa kanyang pagiging totoo at sa pagbibigay ng credit sa yaya ni Mithi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh