Angelica Panganiban, binalikan ang pagiging postpartum niya: "Baliw ako noon"

Angelica Panganiban, binalikan ang pagiging postpartum niya: "Baliw ako noon"

  • Binalikan ni Angelica Panganiban ang postpartum phase niya kamakailan
  • Sa guesting niya sa podcast ni Alyssa Valdez, labis na nag-open up ang aktres
  • Aniya, umabot pa sa puntong naging posessive din siya kay Amila noon
  • Biro pa nga ni Angelica kay Alyssa sa naturang podcast, "Teh, baliw lang"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi ikinahiya ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang naging karanasan sa postpartum na inilarawan niya bilang isang emosyonal na journey.

​Sa pagbisita niya sa podcast ni Alyssa Valdez na The Transition Playbook, naging bukas si Angelica tungkol sa kanyang mga pinagdaanan matapos niyang manganak kay Amila Sabine Homan, ang unica hija nila ni Gregg Homan.

Angelica Panganiban, binalikan ang pagiging postpartum niya: "Baliw ako noon"
Photos: @thetransitionplaybook_, @iamangelicap on Instagram
Source: Instagram

Ayon sa aktres, hindi raw niya matawag na depression ang kanyang naranasan ngunit isa itong matinding anxiety na dulot ng damdaming tila marami siyang "hindi ma-accomplish" at "hindi magawa" na ikina-relate din ng ibang mommies.

"Grabe yung postpartum ko noon," pag-amin niya. "Di naman siya depression pero para siyang anxiety. Parang ang dami mong hindi na-accomplish, ang dami mong hindi nagawa, tas parang gusto mo na lang sumigaw. 'Ayoko na muna!' Yung gaganun ka lang. Baliw ako noon!" aniya pa nga ni Angelica kay Alyssa sa video.

Read also

Shuvee Etrata sa dinanas na bashing: "Parang pinagtutulungan ako ng lahat"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

​Ang ganitong uri ng emosyonal na kalagayan, na karaniwan sa mga bagong ina, ay nagdala sa kanya sa mga kakaibang

​Sa sobrang dami ng nararamdaman niya, ikinuwento rin ni Angelica na naging labis siyang possessive sa kanyang anak. Aminado siyang dumating sa puntong ayaw niyang ipahawak ang bata sa iba — kahit pa nga sa mga lola nito noon.

"Well, ayaw kong ipahawak yung anak ko sa iba, and yung nakakaloka doon, kahit lola, ayaw ko," paglalahad niya. Naging tactic pa nga niya ang umalis at pumasok sa ibang kuwarto kapag dadalaw ang mga lola ni Amila noon sa kanila. Inamin niyang hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkaganoon.

"Hindi ko naiintindihan yung kabaliwan ko, 'teh, baliw lang," biro niya sa video.

Nang tanungin kung bakit umabot sa ganung level ng pagka-possessive, iniugnay ni Angelica ang damdamin sa kanyang personal na karanasan bilang isang ampon. "Naging possessive ka rin talaga," sabi ni Alyssa na sinagot naman ni Angelica ng, "Sobrang... Kasi adopted ako, and never akong naka-experience ng sarili kong dugo," paliwanag niya kay Alyssa sa kanyang podcast guesting.

Read also

Rep. Ralph Tulfo, pinaliwanag ang P6.7M na ginastos sa isang party na ginanap sa Las Vegas

​Aniya pa nga ni Angelica sa video, "So bakit ako umabot sa point na kahit sila, hindi nila pwedeng hawakan yung anak ko? For the first time, meron akong dugo't laman ko. Ito yung pinakaunang akin. Kaya siguro may ganun ako."

​Ang bukas na pagbabahagi ni Angelica Panganiban ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pag-unawa sa matitinding emosyon at pagbabagong pinagdadaanan ng mga kababaihan sa panahon ng postpartum.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.

Read also

Jericho Rosales, may pasilip sa kanyang birthday celebration sa Africa

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging panauhin si Angelica Panganiban sa podcast ni Alyssa Valdez. Doon, naging tapat ang aktres tungkol sa konsepto ng mga "comeback." Walang pag-aalinlangan na sinabi ni Angelica na hindi na siya naniniwala rito. Gayunpaman, umani ng maraming papuri mula sa mga netizen online ang kanyang naging pahayag.

Samantalang naghatid naman ng tuwa si Angelica Panganiban sa kanyang social media page. Kamakailan lang ay ibinahagi kasi ni Angelica ang "kaartehan" ng kanyang anak. Sa post, makikita ang cute na posing ni Amila Sabine, or Baby Bean, sa camera. Bukod pa nga rito ay tinag din ni Angge sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa naturang online post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco