Erwan Heussaff, napatanong sa "French lesson" video ni Anne Curtis: "We've been together 15 years"
- Marami ang naaliw sa palitan nina Anne Curtis at Erwan Heussaff
- Sa Instagram, nag-post kasi si Anne ng isang "French lesson" video
- Dahil sa video, napa-comment tuloy ang kanyang mister na si Erwan
- Ang sagot naman ni Anne kay Erwan ay kinakiligan at kinagiliwan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsilbing instant entertainment at patunay sa kanilang mapagbirong relasyon ang palitan ng komento nina Anne Curtis at ni Erwan Heussaff sa Instagram, matapos mag-post ang aktres ng isang nakakatuwang skit habang nasa France.

Source: Instagram
Nag-upload si Anne ng isang 14-second reel na may caption na, "French mode… loading," kung saan makikita siyang nagpo-pose sa Paris, suot ang isang eleganteng itim na dress. Sa viral video, nagbigay siya ng isang mabilis na "French Lesson" at binigkas ang ilang sikat na salita at parirala tulad ng: Bonjour!, Un café s'il vous plaît!, Pain au chocolat, Excuse-moi, Au revoir!, at Bisous.
Ang husay ni Anne sa pagganap ay agad napansin, ngunit siyempre, hindi pinalampas ng kanyang asawa, na isang bihasang French speaker, ang pagkakataong magbigay ng nakakatuwang review na naging agaw-pansin.
Read also
Sa comment section, nag-iwan ng maikling, ngunit mapanuksong komento si Erwan Heussaff: "We've been together 15 years.... That's all you got?"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang banat ni Erwan ay agad namang sinagot ni Anne, na nagpapakita ng kanilang playful dynamic. Ginamit muli ni Anne ang French language at sinabing: "@erwan, désole, mon amour. Trop difficile de parles Français."
Bukod kay Erwan, marami ring kapwa celebrity ang nag-react sa naturang post. Nagbigay si Bela Padilla ng komplimento, "Enchanté mademoiselle, Anne," habang si Mariel Padilla naman ay nagsabing, "You look super French hehehe."
Sa kabila ng kanyang nakakaaliw na "French lesson," nagtagumpay si Anne sa kanyang layunin: ang magbigay ng kilig at tawanan sa kanyang mga tagahanga, lalo na sa tulong ng asawang handang makipaglaro sa comments section.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres at TV host. Nakilala siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, at Dyosa. Simula noong 2009, isa na siyang pangunahing host ng noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine ay isa ring aktres. Sa personal na buhay, ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff. Noong 2020, isinilang nila ang kanilang unang anak na si Dahlia Amélie.
Read also
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang nadismaya si Anne Curtis sa pahayag ni Brice Hernandez. Matatandaang sa SBRC hearing ay nabanggit ni Hernandez ang umano'y "substandard" projects nila. Sa Instagram, agad na nag-react ang actress-host sa balitang ito. Aniya kasi ni Hernandez, lahat ng mga proyekto nila sa 1st District ng Bulacan ay "substandard."
Samantalang sumang-ayon si Anne Curtis sa pahayag ni Vice Ganda laban sa korapsyon na agad nag-trending. Pinuri ng komedyante ang kasipagan ng mga mamamayan habang binabatikos ang mga lider na umaabuso sa pondo ng bayan. Binigyang-diin niya kung paano nananakawan ng korapsyon ang mga tao ng buhay, pangarap, at oportunidad. Ang pag-repost ni Anne sa X page niya ay nagbigay pa ng bigat sa usapin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh