Sofia Andres, inalala ang matinding takot sa Cebu quake: "Terrified, panic hit me so hard"

Sofia Andres, inalala ang matinding takot sa Cebu quake: "Terrified, panic hit me so hard"

  • Sofia Andres nakaranas ng matinding takot at panic habang nagte-taping sa Cebu nang tumama ang 6.9-magnitude na lindol
  • Aminado siyang mas mabigat ang pakiramdam dahil malayo siya sa pamilya nang mangyari ang trahedya
  • Sa kabila ng takot, tumuloy siya sa Dumaguete para suportahan ang negosyo nila ng partner na si Daniel Miranda
  • Nagbigay din siya ng pagninilay ukol sa sakripisyo, pananampalataya, at pagpapatuloy ng buhay sa gitna ng trahedya

Matinding takot at pagkabigla ang naranasan ni Sofia Andres matapos ang malakas na 6.9-magnitude na lindol na yumanig sa Cebu noong Martes, Setyembre 30. Nasa taping ang Kapamilya actress nang mangyari ang lindol, at inamin niyang hindi niya malilimutan ang pangyayaring ito.

Sofia Andres, inalala ang matinding takot sa Cebu quake: "Terrified, panic hit me so hard"
Sofia Andres, inalala ang matinding takot sa Cebu quake: "Terrified, panic hit me so hard" (đź“·@iamsofiaandres/IG)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Sofia ang damdamin niya. “Been filming in Cebu when the earthquake struck yesterday. Terrified, and the panic of being away from family hit me so hard,” ani ng aktres. Dagdag pa niya, mas naging mabigat ang pakiramdam dahil malayo siya sa pamilya nang mangyari ang sakuna.

Read also

Shuvee Etrata sa dinanas na bashing: "Parang pinagtutulungan ako ng lahat"

Gayunpaman, hindi siya nagpatalo sa takot. Kinabukasan, nagtungo siya sa Dumaguete upang tuparin ang personal na commitment doon. Doon din matatagpuan ang kanyang restaurant business kasama ang partner niyang si Daniel Miranda. “But today I’m in Dumaguete, supporting each other, working nonstop, building dreams together,” dagdag pa ni Sofia. Para sa kanya, hindi man madali ang sitwasyon, kailangan pa ring ipagpatuloy ang laban sa buhay.

Sa isang hiwalay na post, mas malalim na nagbahagi si Sofia ng kanyang karanasan at pagninilay. “When the [6.9] magnitude earthquake struck, I was terrified, the panic, the rush of fear, and the thought that I was away from Manila, away from my family. That feeling of distance in moments like this is something I’ll never forget,” pag-amin niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit kasabay ng kanyang takot ay ang pagpupursige. “Still, here I am now in Dumaguete, showing up because life doesn’t stop. Hustling, working hard, pushing myself for the dreams I’ve committed to. It’s not easy being far but I know this journey is shaping me in ways I can’t yet see,” dagdag niya. Para sa aktres, naniniwala siyang bawat sakripisyo at pagod ay para sa mas malaking dahilan.

Read also

Reaksyon ni Bela Padilla sa dalawang Coke ni Sarah Discaya, umani ng atensyon online

Hindi rin niya itinago ang mga oras na nais niya lamang na huminto at magpahinga. “Sometimes I wish I could just pause, but life keeps moving. All I can do is pray for strength, for safety, for peace in the middle of uncertainty. And I remind myself these sacrifices, these risks, this constant hustle it’s all for something bigger than me,” ani Sofia.

Samantala, hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa proyektong kanyang ginagawa sa Cebu, ngunit ibinahagi naman ng co-star niyang si Kim Chiu na ang kanilang upcoming mystery drama series na The Alibi ay kasalukuyang tine-taping sa probinsya. Sa Instagram Stories ni Kim, makikita ang ilang cast members kabilang sina Sofia at Zsa Zsa Padilla, na nagbigay pa ng tulong sa mga biktima ng lindol matapos ang trahedya.

Sa ngayon, nakapailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu matapos ang mapaminsalang lindol. Umabot na sa 60 ang bilang ng nasawi batay sa huling tala.

Read also

Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family

Si Sofia Andres ay isang kilalang aktres at modelo na unang nakilala sa mga youth-oriented shows ng ABS-CBN. Maliban sa kanyang pag-arte, abala rin siya ngayon sa negosyo kasama ang kanyang longtime partner na si Daniel Miranda. Isa ring hands-on mom si Sofia sa kanilang anak na si Zoe, habang pinapagsabay ang kanyang trabaho at pamilya.

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, binigyan ng heartfelt tribute ni Daniel Miranda ang partner niyang si Sofia Andres sa kanyang kaarawan. Sa post, ipinahayag ni Daniel ang kanyang pagmamahal at pasasalamat kay Sofia sa lahat ng ginagawa nito para sa kanilang pamilya. Pinuri rin siya ng mga fans dahil sa pagiging supportive at mapagmahal na partner.

Samantala, sa isa pang balita mula sa Kami.com.ph, ipinakita ni Sofia ang kanyang malasakit sa mga nasalanta ng pagbaha. Ipinahayag niya ang kanyang pakikiisa sa mga biktima at nanawagan ng pagkilos laban sa katiwalian sa gitna ng sakuna. Ang kanyang pahayag ay umani ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa kanyang pagiging bukas-palad at may malasakit sa kapwa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: