Gardo Versoza, may post sa Discaya-owned na St. Gerrard compound sa Pasig: "Nag-palpitate ako"

Gardo Versoza, may post sa Discaya-owned na St. Gerrard compound sa Pasig: "Nag-palpitate ako"

  • Nakapukaw naman ng atensyon ang panibagong Instagram post ni Gardo Versoza
  • Tila ipinost kasi niya ang picture ng malaking Discaya-owned HQ ng St. Gerrard sa Pasig City
  • Dahil dito ay napatanong na lamang si Gardo, bagay na tila napa-agree pa nga ang iba
  • Hindi na bago kay Gardo ang pagiging vocal niya sa mga politikal na isyu ng bansa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang panibagong post ang ibinahagi ng batikang aktor na si Gardo Versoza sa kanyang Instagram account, na mabilis na nakapukaw ng atensyon at iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Ang sentro ng kanyang post ay ang larawan ng malaking gusaling nagsisilbing HQ ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation, na pag-aari ng mga Discaya.

Gardo Versoza, may post sa Discaya-owned na St. Gerrard compound sa Pasig: "Nag-palpitate ako"
Gardo Versoza, may post sa Discaya-owned na St. Gerrard compound sa Pasig: "Nag-palpitate ako" (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Ngunit higit pa sa larawan ng modernong gusali, ang naging mas kapansin-pansin at tila "talinghaga" ay ang maikling caption ni Gardo rito: "Nag-palpitate ako bigla, bakit kaya?"

Ang simpleng tanong na ito ay mabilis na nagdulot ng haka-haka. Sa gitna ng mga mainit na usapin at pagdinig sa Senado hinggil sa mga kontrobersya na may kinalaman sa mga proyekto ng gobyerno, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon. Hindi diretsang binanggit ng aktor ang anumang isyu, ngunit para sa marami, ang kanyang post ay tila isang pagtukoy sa mga politikal na isyu na bumabalot sa bansa nitong mga nakaraang linggo.

Read also

Taxi, nag-illegal U-turn; mga pulis, nagulantang pagtingin sa loob nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagtagal, dinumog ng komento ang post ni Gardo, at ang iba pa nga ay tila napa-agree:

"Ay, ako rin tumaas ang BP bigla ah!"
"Nako, ang gara pala talaga ng building nila."
"Aba, kahit sino talaga cupcake, tataas ang BP eh."
"Kailangan niyo lang po ng coke, sabay pa-finger heart sign."

Hindi na bago kay Gardo ang pagiging vocal sa kanyang mga pananaw sa pulitika. Siya ay kabilang sa listahan ng mga artista na gumagamit ng kanilang plataporma upang talakayin ang mga isyu ng bayan. Sa nakaraan, nag-repost pa siya ng isang quote card ng yumaong Senador Miriam Defensor-Santiago, na nagsabing: "Corruption only exists in a society that allows it."

Si Gardo Versoza ay isang batikang aktor sa Pilipinas. Kalaunan ay napatunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte, kaya't bumida at gumanap sa iba't ibang genre ng palabas — mula sa drama at aksyon hanggang sa komedya. Madalas siyang mapanood bilang kontrabida o ama sa mga teleserye, at nakilala sa kanyang matikas na tindig at malakas na screen presence. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, kilala rin si Gardo sa kanyang pagiging mapagmahal na asawa at ama, pati na rin sa pagiging malapit sa kanyang mga tagahanga. Bukod pa riot ay aktibo siya sa social media kung saan ibinabahagi niya ang kanyang personal na buhay at mga karanasan.

Read also

Rep. Ralph Tulfo, pinaliwanag ang P6.7M na ginastos sa isang party na ginanap sa Las Vegas

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Gardo Versoza dahil sa kanyang post tungkol kay Vico Sotto. Kamakailan ay ibinahagi ni Gardo ang kanyang honest na pananaw kay Mayor Vico. Aniya ng batikang aktor, ang Mayor daw ng Pasig City ang "huling baraha" ng bansang Pilipinas.

Samantalang noong 2024, nagbahagi si Gardo Versoza ng isang quote card na umano'y mula kay Dolphy. Sa naturang quote card, nagsalita ang yumaong Comedy King tungkol sa pagpasok sa mundo ng pulitika. Ayon kay Dolphy, "Baka mapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko." Matapos lumabas ang balitang ito, maraming netizens ang naka-relate sa post ni Gardo at sa kahalagahan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco