Vice Ganda, in-address ang pagtawag sa kanya ng sir: "For once and for all"
- Muling naging usap-usapan si Vice Ganda sa social media
- Natawag kasi ang aktor ng "sir" kamakailan sa 'It's Showtime'
- Dahil dito, agad na binigyang-linaw ni Vice ang nasabing isyu
- Aniya, dapat ay i-normalize na ang pagtawag ng "sir" sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling binigyang-linaw ng komedyante at host na si Vice Ganda ang isang isyu sa It's Showtime, matapos siyang aksidenteng tawaging 'sir' ng isang contestant sa latest episode ng programa.
Sa isang pangyayari na naging viral, walang-alinlangang hinarap ni Vice ang pagtawag sa kanya ng sir, at sa wakas ay inihayag ang kanyang paninindigan na dapat na itong maging "normal."

Source: Instagram
Imbis na itama ang contestant o gawing biro ang sitwasyon, ginamit ni Vice ang pagkakataon para magbigay ng isang makabuluhang pahayag. Ayon sa Unkabogable Star, dapat nang i-normalize ang pagtawag sa kanya ng "sir" dahil okay lang siya sa pagtawag sa kanya ng "sir."
"Hindi, actually, for once and for all, let's normalize me being called 'sir.' I am okay with 'sir.' Para hindi na tayo maano, para hindi na siya ginagawang katatawanan yung pagtawag sa akin ng sir kasi okay lang sa akin ang sir. Normal lang yun. It's okay to be called a 'sir,'" aniya Vice.
Read also
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang pahayag ni Vice ay tumutugon sa isang matagal nang usapin sa lipunan tungkol sa pagpapangalan at pagkilala, lalo na sa mga public figure na kabilang sa LGBTQIA+ community. Sa loob ng maraming taon, naging kaugalian na sa ilang tao na gawing katatawanan o issue ang aksidenteng pagtawag kay Vice ng "sir" kung kaya't binigyang-linaw ito ng komedyante.
Agad namang umani ng papuri mula sa mga netizens sa social media ang kanyang pahayag. Marami ang nagpasalamat kay Vice dahil imbis na magalit ay chill lamang siya sa Showtime.
Sa pamamagitan ng kanyang platform, muling nagbigay si Vice Ganda ng inspirasyon.
Panoorin ang video sa ibaba (1:02:30):
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.
Read also
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang napa-walk out na lamang si Vice Ganda sa It's Showtime dahil kay Anne Curtis. Kamakailan ay namali kasi si Anne ng dinig sa sinabi ng isang contestant nila sa Laro Laro Pick. Dahil dito ay marami ang naaliw sa naging reaksyon ni Vice Ganda sa show. Hindi lang si Vice ang kinaaliwan ng marami kundi pati na rin si Anne.
Samantalang ay nagpasaring si Vice Ganda tungkol sa pagkapanalo ng mga Pinoy sa ibang bansa pero talo umano sa sariling bayan. Binanggit niya ang panalo ni Jessica Sanchez bilang Grand Winner ng America's Got Talent S20. Sinabi niya na nakakahiya kung sa Pilipinas mismo ay hindi nananalo ang mga Pilipino. Nagbigay din ng reaksyon ang co-hosts niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh