Shuvee Etrata nagbigay-linaw sa isyu kaugnay kay Vice Ganda

Shuvee Etrata nagbigay-linaw sa isyu kaugnay kay Vice Ganda

  • Shuvee Etrata nagpaliwanag tungkol sa lumang posts at videos na muling lumutang online
  • Nilinaw ng aktres na taken out of context ang ilan sa mga pahayag niya noon
  • Inamin niyang hindi niya kinaya ang hate comments na natanggap online
  • Giit ni Shuvee, nagbago na siya at mas maayos na ang pananaw sa buhay ngayon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos ang ilang araw ng pananahimik, nagsalita na si Kapuso actress-host Shuvee Etrata hinggil sa mga lumang posts at videos na muli na namang umikot sa social media at naging dahilan ng malakas na batikos laban sa kanya.

Shuvee Etrata nagbigay-linaw sa isyu kaugnay kay Vice Ganda
Shuvee Etrata nagbigay-linaw sa isyu kaugnay kay Vice Ganda (đź“·@shuveeetrata/IG)
Source: Instagram

Naging laman ng usapan online si Shuvee nang mapansin ng netizens na bigla na lamang nawala ang kanyang X (dating Twitter) account. Dahil dito, maraming haka-haka ang lumabas, lalo na’t kasabay rin ng pagkawala niya sa noontime show na It’s Showtime.

Sa panayam niya kay MJ Felipe, nilinaw ni Shuvee na kaya niyang tanggapin ang constructive criticisms, ngunit aminado siyang hindi niya kinaya ang mga hate comments na sunod-sunod na dumating. “She can well-receive the constructive criticisms, but the comments filled with hate were something she could not take,” ayon sa ulat.

Read also

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, taken out of context ang ilang pahayag niya noon. Nilinaw ng aktres na hindi siya pabor sa ABS-CBN shutdown at mismong siya ay lumaki bilang avid fan ng network. “She clarified that she was, in fact, against the ABS-CBN shutdown,” paglilinaw niya.

Tungkol naman sa isyung kinasangkutan niya kaugnay kay Vice Ganda, ipinaliwanag ni Shuvee na ginamit niya noon ang isang meme ng komedyante na hindi nagustuhan ng marami. Aniya, tila naging bad taste of humor ang dating nito at umaasa siyang makakausap si Vice para personal na maipaliwanag ang kanyang panig.

Sa kabila ng mga lumang posts na muling binuhay ng social media, iginiit ng aktres na nagbago na siya. “She assured the public that she has changed,” nakasaad sa report. Inamin niya na may mga naging desisyon siya sa nakaraan na hindi maganda, ngunit ngayon ay mas malinaw na ang kanyang layunin—ang gumawa ng mabuting bagay para sa kapwa.

Read also

Si Shuvee Etrata ay unang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Kalaunan ay pumasok siya sa showbiz at naging bahagi ng iba’t ibang programa, kabilang ang hosting stints sa GMA. Kamakailan, mas nakilala siya bilang bahagi ng It’s Showtime kung saan unti-unting umangat ang kanyang pangalan bilang isang Kapuso actress-host.

Noong Setyembre 28, iniulat ng Kami.com.ph na nag-deactivate ng X account si Shuvee matapos umani ng matinding backlash sa kanyang lumang political posts. Ayon sa ulat, biglang hindi na makita ang kanyang account sa platform, bagay na lalong nagpasiklab ng mga espekulasyon. Mabasa ang buong detalye rito: Shuvee Etrata deactivates X account after backlash over political video

Samantala, ibinunyag naman ni Ogie Diaz ang diumano’y dahilan kung bakit pansamantalang nawala si Shuvee sa It’s Showtime. Ayon kay Diaz, naka-break si Shuvee, bagaman hindi malinaw kung ito ay personal na desisyon niya o utos mula sa production team o network. Ang balitang ito ay nagdagdag pa ng intriga sa usapin ng kanyang biglaang pagkawala sa telebisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate