Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family

Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family

  • Naglabas ng pahayag si Chie Filomeno hinggil sa kumakalat na tsismis tungkol sa kanya at sa Lhuillier family
  • Hiniling ng aktres na huwag idamay ang pamilya at irespeto ang kanyang privacy
  • Nagsimula ang usapin matapos mapansin ng netizens ang mutual unfollow nila ni Jake Cuenca sa Instagram
  • Hanggang ngayon, hindi pa kinukumpirma o dinideny ng dalawa ang hiwalayan

Nagbigay ng malinaw na pahayag si Chie Filomeno matapos ang ilang araw ng usap-usapan hinggil sa kanyang personal na buhay at sa pagkakadawit ng Lhuillier family sa isyu. Sa pamamagitan ng Instagram story, nanawagan ang aktres na huwag nang idamay ang ibang tao, lalo na ang pamilya na wala raw kinalaman sa kanilang sitwasyon.

Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family
Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family (📷chiefilomeno/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Chie, “‘ve been reading and hearing a lot these past few days and I ask that my past relationship, my present life, and the Lhuillier family be left out of this issue. They don't deserve to be dragged into something that has nothing to do with them. No further statements will be made at this time, and I kindly ask that people refrain from speculation or intrusions into my private affairs. Thank you for your understanding and cooperation.”

Read also

Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family
Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family (📷chiefilomeno/IG)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-ugat ang isyu matapos mapansin ng mga netizens na hindi na magkaka-follow sina Chie at Jake Cuenca sa Instagram. Sa mismong listahan ng kanilang accounts, kapwa nawala ang pangalan ng isa’t isa, dahilan upang mas lumakas ang espekulasyon na hiwalay na sila.

Bukod dito, may mga ulat na nagsasabing nagwakas ang kanilang relasyon noon pang Agosto. Gayunman, nananatiling tikom ang bibig ng dalawang panig hinggil sa tunay na estado ng kanilang pagsasama. Matatandaang kinumpirma lamang nila ang kanilang relasyon noong 2023, ngunit bago ito ay matagal nang may ugnayan ang dalawa.

Sa mga nakaraang panayam, inamin ni Jake na si Chie ang kanyang “TOTGA” o “the one that got away,” matapos nilang subukang makipag-date noon na hindi nagtagumpay. Ayon pa kay Jake, “For me, given the second time around, parang I don’t wanna let her go.” Ngunit ayon sa mga ulat, hindi nagtagal ang kanilang pagsasama.

Kilala si Chie sa kanyang pagiging prangka at malinaw sa pagbibigay ng boundaries pagdating sa personal na buhay. Kaya naman hindi na nakapagtataka na agad siyang nagsalita upang ipagtanggol ang mga taong nadadamay sa intriga. Ang kanyang pahayag ay patunay na nais niyang panatilihing pribado ang ilang bahagi ng kanyang buhay, kahit pa nasa ilalim siya ng mata ng publiko.

Read also

Si Chie Filomeno ay isang aktres, model, at social media personality na kilala sa kanyang karisma at pagiging visible sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon at pelikula. Isa rin siyang dating miyembro ng GirlTrends, na nagpalakas sa kanyang popularity. Bukod sa kanyang showbiz career, madalas siyang magbahagi ng mga personal na karanasan at lifestyle content online, dahilan upang lalo siyang maging malapit sa kanyang mga tagahanga.

Kamakailan, naging usap-usapan si Chie nang ibahagi niya sa social media ang dahilan ng pagkakaroon niya ng malaking sugat sa binti. Ayon sa article ng KAMI.com.ph, ipinakita ng aktres ang pinsala at ikinuwento kung paano niya ito nakuha. Maraming netizens ang nagpaabot ng pag-aalala at mensahe ng suporta sa kanya, lalo na’t patuloy siyang aktibo sa kanyang career.

Samantala, bago pa man sumiklab ang kasalukuyang isyu, nag-promote si Chie ng produkto ng rumored boyfriend na si Matthew Lhuillier. Ayon sa ulat ng KAMI.com.ph, ipinakita ng aktres ang kanyang suporta sa negosyo ni Matthew sa pamamagitan ng social media post. Ang naturang kilos ay nagpatindi ng haka-haka tungkol sa kanilang relasyon, lalo na’t mas pinili nilang maging pribado sa usaping personal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate