Siesta Horchata Café ni Paola Huyong, magsasara sa Nobyembre 2025

Siesta Horchata Café ni Paola Huyong, magsasara sa Nobyembre 2025

  • Magtatapos ang operasyon ng Siesta Horchata Café ni Paola Huyong sa Nobyembre 2025
  • Matatagpuan ang café sa Scout Santiago, Quezon City, sa gusali ring kinaroroonan ng Paldo na pagmamay-ari ni Ryan Bang at Korean partners niya
  • Nagpasalamat ang café sa kanilang loyal customers sa pamamagitan ng art cards sa Facebook at Instagram
  • Kasabay ng balitang ito, mas umiigting ang breakup rumors nina Ryan Bang at Paola

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Magsasara na ang Siesta Horchata Café, ang coffee shop na pag-aari ni Paola Huyong, fiancée ng komedyanteng si Ryan Bang, ngayong darating na Nobyembre 2025.

Siesta Horchata Café ni Paola Huyong, magsasara sa Nobyembre 2025
Siesta Horchata Café ni Paola Huyong, magsasara sa Nobyembre 2025 (📷@ryanbang/Instagram)
Source: Instagram

Ang café ay matatagpuan sa 33 Scout Santiago, Diliman, Quezon City, sa ikalawang palapag ng gusali na kinaroroonan din ng Paldo, isang Korean restaurant na negosyo ni Ryan kasama ang iba pa niyang business partners.

Sa pamamagitan ng opisyal na Facebook at Instagram page ng café inanunsyo ang pagsasara nito. Isang art card ang may simpleng mensahe: "Thank you for making us possible. Siesta Horchata will be closing this November 2025."

Read also

Samantala, mas mahaba ang naging pahayag sa isa pang art card na nagsasaad ng pasasalamat:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Thank you for making this possible. This little dreams of ours started with one goal. That is to bring you moment of comfort, joy, and sweetness in every sip. And you gave that back tenfold. From your first taste to your kind words, your support has meant everything. Whether you were a loyal regular or just stopped by once, you became part of the Siesta Family. And we'll carry that with us always.”

Nilinaw din ng pamunuan ng café na hindi tuluyang matatapos ang operasyon nila pagsapit ng Nobyembre. Nakatakda pa silang magsagawa ng mga events at pop-up activities hanggang Enero 2026 bilang paraan ng pasasalamat sa kanilang community.

"We don't know exactly what's next, but we're leaving with full hearts and deep gratitude,” dagdag pa sa kanilang pahayag.

Kasabay ng balitang ito, muling naging usap-usapan sa social media ang umano’y paghihiwalay nina Ryan at Paola.

Read also

Matatandaan na noong Hunyo 29, 2024, nag-propose si Ryan kay Paola sa mismong Siesta Horchata Café. Isa ito sa mga pinakapersonal at espesyal na sandali ng kanilang relasyon. Ngunit nitong Setyembre 5, 2025, napansin ng mga netizens na tinanggal na ni Paola ang lahat ng larawan nila ni Ryan sa kanyang social media feed, kabilang ang engagement post.

Bukod pa rito, isang mirror selfie ang ibinahagi ni Paola kung saan kapansin-pansin na hindi na niya suot ang kanyang engagement ring.

Bagama’t walang direktang kumpirmasyon mula kina Ryan at Paola, kapansin-pansin din na hindi nagiging bahagi ng biruan sa It’s Showtime ang tungkol sa kanilang relasyon—na ikinokonsidera ng ilan bilang tahimik na palatandaan ng pagbabago sa kanilang sitwasyon.

Si Ryan Bang ay kilalang komedyante at TV host sa It’s Showtime. Nakilala siya bilang isa sa mga pinaka-sikat na Korean personalities sa Philippine entertainment industry. Samantala, si Paola Huyong ay negosyante na mas kilala ngayon dahil sa pagmamay-ari ng Siesta Horchata Café.

Read also

Naging highlight ng kanilang relasyon ang proposal ni Ryan sa café noong 2024, bagay na nagbigay ng sentimental na halaga sa lugar. Kaya’t ang pagsasara ng café ngayong 2025 ay mas lalong nagpasidhi ng espekulasyon tungkol sa kanilang tunay na kalagayan bilang magkasintahan.

Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, isiniwalat ni Ogie Diaz na tinangkang kumustahin si Paola tungkol sa estado ng relasyon nila ni Ryan. Gayunpaman, ayon kay Ogie, hindi umano siya sinagot ni Paola sa kanyang mensahe, bagay na lalong nagpalakas ng hinala ng publiko na may pinagdadaanan ang dalawa.

Samantala, nagbahagi naman si Paola sa kanyang Instagram ng isang video na nagsasabing lahat ay “in God’s hands.” Marami ang nakabasa nito bilang isang cryptic message tungkol sa kanyang sitwasyon ngayon. Ayon sa netizens, tila ito’y patunay na dumadaan siya sa isang mabigat na yugto ng kanyang buhay, kabilang na ang usaping personal at negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: