Vice Ganda may biro kay Klarisse De Guzman: "hindi ko naman ginagamit, sa 'yo na lang"
- Klarisse De Guzman, nagdaos ng kaniyang first major solo concert sa Araneta Coliseum
- Vice Ganda all-out ang suporta, at nag-collab pa sila sa kantang Sirena
- Nagbiro si Vice tungkol sa pag-aalok ng kaniyang “pututoy,” na ikinatawa ng lahat
- Vice nagpasaring din laban sa korapsyon habang pinupuri ang stage design ng concert
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Naghatid ng tawanan sa madlang people si Vice Ganda sa “The Big Night” concert ng Kapamilya Soul Diva Klarisse De Guzman noong Biyernes, Setyembre 26, sa Smart Araneta Coliseum.
Isa siya sa mga bigating celebrity guests ni Klarisse sa kanyang dream come true concert sa Big Dome.
Buong suporta ang ibinigay ni Vice na dati ring nag-produce ng unang major concert ni Klarisse sa New Frontier Theater noong nakaraang taon.
Mula nang lumabas sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, umangat ang career ni Klarisse hindi lang sa pagkanta kundi pati sa acting at endorsements.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa concert, nag-perform silang dalawa ng Sirena ni Gloc-9 bago magkuwentuhan sa stage.
Ibinahagi ni Vice kung gaano siya kasaya at proud kay Klarisse, lalo na’t kasali rin sila sa pelikulang Call Me Mother kasama si Nadine Lustre para sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Nagpasalamat si Klarisse sa suporta at tiwala ng Unkabogable Star.
Sa biruan, sinabi ni Vice na handa siyang gawin lahat para kay Klarisse at nagbiro pa tungkol sa pagbibigay ng “pututoy” niya, na ikinatawa ng lahat.
Nagdagdag pa siya ng biro tungkol sa palitan ng kanilang “kiffy.”
Matatandaang inamin ni Klarisse sa PBB na isa siyang bisexual at ipinakilala rin ang girlfriend niyang si Trina Rey.
Samantala, hindi rin pinalampas ni Vice ang isyu ng korapsyon habang pinupuri ang stage design.
Aniya, maganda ang resulta kapag hindi kinupit ang budget, at pasaring pa niya, may mga sektor na dapat magserbisyo ngunit sila ang laging fresh habang ang dapat makinabang ay nauubos.
Panuorin ang kwelang bidyong ito:
Si Vice Ganda ay isa sa mga pinakasikat na personalidad sa Philippine showbiz, hindi lamang dahil sa kaniyang talento sa komedya kundi pati na rin sa matibay niyang paninindigan sa iba’t ibang isyung panlipunan. Kahit ilang beses na siyang inanyayahang pumasok sa politika, nananatili siyang nakatuon sa pagbabahagi ng kaniyang opinyon tungkol sa mga usaping nakaaapekto sa buhay ng karaniwang Pilipino.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi nagpigil si Vice Ganda nang magsalita siya sa harap ng mga raliyista sa People Power Monument noong Setyembre 21. Hindi niya napigilan ang pagmumura habang ipinapahayag ang kaniyang mensahe laban sa mga opisyal na inaakusahan ng pagnanakaw ng pondo ng bayan. Sinabi niya na kailanman ay hindi niya igagalang ang mga ito at hindi rin niya palalambutin ang kaniyang pananalita laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Isa siya sa maraming Pilipino na nakiisa sa rally para iprotesta ang korapsyon sa pamahalaan.
Nagpasaring si Vice Ganda tungkol sa pagkapanalo ng mga Pinoy sa ibang bansa pero talo umano sa sariling bayan. Binanggit niya ang panalo ni Jessica Sanchez bilang Grand Winner ng America’s Got Talent Season 20. Sinabi niya na nakakahiya kung sa Pilipinas mismo ay hindi nananalo ang mga Pilipino. Kasama niyang nagbigay ng reaksyon ang co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Amy Perez.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh