Ashley Ortega, nagpakatotoo nang matanong tungkol sa hiwalayang Mavy-Kyline
- Si Ashley Ortega ay talagang naging bukas sa pagsagot sa 'FTWBA'
- Natanong kasi siya ni Boy Abunda tungkol kay Mavy Legaspi
- Bukod pa rito ay nagtanong din si Tito Boy tungkol kay Kyline Alcantara
- Diretsahan namang sinagot ni Ashley ang lahat ng mga tanong
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Ashley Ortega, isang Kapuso actress, ay naging bukas at tapat sa pagsagot hinggil sa kontrobersyal na breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa kanyang latest guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong siya ukol sa kanyang relasyon kay Mavy ngayon.

Source: Youtube
Sa panayam, binalikan ni Tito Boy ang naging karanasan ni Ashley habang nasa loob siya ng 'PBB' house. Isa sa mga tanong niya ay kung na-miss ba nito si Mavy noong panahong iyon.
"Sobrang na-miss ko siya, kasi syempre, dealing with my own emotions inside Kuya's house, tas syempre wala si Mavy eh isa siya sa mga naging emotional support ko in life, syempre na-miss ko siya. But at the same time, alam kong andun lang naman siya sa mga walls, kasi host siya ng PBB," ani Ashley na napaaming isa si Mavy sa kanyang mga emotional support sa buhay.
Hindi rin pinalampas ni Boy Abunda ang mas sensitibong tanong. "Habang napag-uusapan natin si Mavy, when you got into a relationship with Mavy, wala ka bang pangamba that he came from a controversial breakup?" tanong ng host, bagay na umagaw-pansin talaga sa social media.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Diretsahang sinagot ito ni Ashley na wala siyang naramdamang takot. "Wala naman po, Tito Boy. Hindi po talaga ako nakaramdam ng takot. I was aware of his past relationship," tugon niya.
Aniya, malinaw para sa kanya na ang mga naging problema nina Mavy at Kyline ay kanila lamang, "Yung problema nila, parang, it's for them na, I don't wanna join already, and dedma na lang kasi talaga ako, Tito Boy. Parang whatever happened in the past, let's just keep it in the past."
Samantala, tinanong din naman ni Boy kung kumusta ang relasyon niya ngayon kay Kyline sa kabila ng kanilang shared history kay Mavy, "We're not friends friends na super close, but we do bump into each other and we say hi to each other. Sa gala, nag-hi kami, nagkamustahan."
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Ashley Ortega ay isang Filipina actress, figure skater, at TV host na kilala sa kanyang husay sa pag-arte sa mga teleserye ng GMA-7. Nagsimula siya sa showbiz bilang teen star at unti-unting nakilala sa kanyang mga papel sa mga palabas tulad ng My Destiny, Pari 'Koy, at Legal Wives. Isa sa kanyang pinaka-tumatak na proyekto ay nang gumanap siya bilang kontrabida sa teleseryeng Legal Wives, kung saan pinuri ang kanyang epektibong pagganap. Sa personal na buhay, kilala si Ashley bilang pribadong tao pagdating sa kanyang pamilya, ngunit madalas niyang ibahagi ang kanyang journey bilang aktres at public figure sa kanyang mga social media accounts.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Ashley Ortega na dumaan siya sa isang yugto ng kanyang kabataan kung saan naging malapit siya sa alak, "There was a time that I was an alcoholic." Subalit ngayon ay itinuturing niya itong bahagi ng kanyang self-discovery. Ibinahagi niya na ginagamit niya noon ang alak bilang coping mechanism sa karera.
Samantalang naging emosyonal si Ashley Ortega sa isang panayam ng GMA nang ibinahagi niya ang tungkol sa estado ng relasyon niya sa kanyang ina. Ibinunyag niya na tatlong taon na silang hindi nag-uusap at malalim ang sugat na idinulot nito sa kanilang dalawa. Inamin ni Ashley na sinusubukan niyang mag-reach out sa kanyang ina, lalo na matapos niyang makatanggap ng isang sulat mula rito at nang magpadala siya ng mensahe noong Mother's Day.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh