Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos

Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos

  • Kinumpirma ni Alexa Miro na si Sandro Marcos ang kanyang nakarelasyon ng limang taon
  • Paliwanag ng aktres, itinago nila ang relasyon para sa kaligtasan ng “first family”
  • Inamin niyang emosyon ang nagtulak sa kanya para umamin sa TikTok Live
  • Bukas pa rin ang posibilidad na magkabalikan sila ni Sandro, ayon kay Alexa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Diretsahan nang inamin ng aktres na si Alexa Miro na si Ilocos Norte First District Representative at presidential son Sandro Marcos ang kanyang nakarelasyon sa loob ng limang taon. Matagal nang usap-usapan ang kanilang diumano’y relasyon, ngunit ngayon lang ito kinumpirma ng dalaga matapos magsalita sa harap ng entertainment press sa ginanap na press conference ng reality singing contest na Sing Galing: Sing-Lebrity Edition.

Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos
Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos (📷Alexa Miro/Facebook)
Source: Facebook

Ani Alexa, matagal nilang piniling itago ang kanilang relasyon mula sa publiko. “Reason behind that decision was for safety purposes and precautions because siyempre kasi sila ang ating first family,” paliwanag niya. Dagdag pa ng aktres, naiintindihan niya ang rason kung bakit kailangan nilang mag-ingat, kahit pa pangarap niya noon na maipagmalaki siya ng kanyang nobyo.

Read also

Aminado si Alexa na emosyon ang nagtulak sa kanya para isiwalat ang totoo kamakailan lamang sa TikTok Live. “Nasaktan kasi talaga ako sa mga huling kaganapan kaya siguro naramdaman ko na baka panahon na para magsabi ng totoo,” wika niya. Inilarawan niya ang kanyang desisyon bilang isang impulsive move, na dala ng galit at bigat ng damdamin sa panahong iyon.

Nilinaw rin niya na hindi siya gumagawa ng “gimik” o nagpapapansin para sa career niya. “Hindi naman ako gumigimik o nag-iingay. Mayroon lang akong personal na nararamdaman, na pinagdadaanan sa buhay ko, kaya ako nakapag-TikTok Live nga at nasabi ko yung mga nasabi ko du’n,” paliwanag ng aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t hindi na raw sila gaanong nag-uusap ni Sandro dahil abala ito sa trabaho, nananatili raw ang pagmamahal ni Alexa sa dating nobyo. “Tingnan natin, why not? I will always have love for him, that will never change,” sagot niya nang tanungin kung posible pa silang magkabalikan.

Read also

Samantala, bukod sa usaping personal, excited si Alexa na maging bahagi ng bagong season ng Sing Galing: Sing-Lebrity Edition. Isa siya sa mga celebrity contestants na sasabak sa kompetisyon para makatulong sa kani-kanilang charity. Kabilang sa iba pang kalahok sina Rufa Mae Quinto, Romnick Sarmenta, Nikki Valdez, Dominic Ochoa, Meryll Soriano, Valerie Concepcion, Bobby Andrews, at marami pang iba.

Si Alexa Miro ay isang aktres at modelo na unti-unting nakikilala sa showbiz. Naging bahagi siya ng ilang teleserye at pelikula, at mas nakilala sa kanyang pagiging versatile actress. Bukod sa showbiz projects, naging laman din siya ng balita dahil sa mga personal na isyu, kabilang ang relasyon niya kay Rep. Sandro Marcos. Sa kabila ng kontrobersiya, patuloy niyang pinatutunayan na may sariling kakayahan siya sa industriya at hindi lamang nakadepende sa mga tsismis.

Noong nakaraang taon naman, naging emosyonal si Alexa matapos makatanggap ng matinding pambabatikos dahil sa kanyang diumano’y relasyon kay Sandro Marcos. Ayon sa aktres, nakaranas siya ng panghuhusga at pang-iinsulto mula sa netizens, dahilan para siya ay umiyak at makaramdam ng matinding lungkot.

Read also

Kmakailan ay binunyag ni Alexa Miro na may aktres umanong third party na naging dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo. Hindi niya diretsahang pinangalanan ang babae, ngunit marami ang nakisimpatiya sa kanya dahil sa ipinakita niyang tapang sa pagsasalita tungkol sa masakit na karanasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: