Ivana Alawi, ipinaghanda ang anak ni Katrina Halili na si Katie sa kaarawan nito

Ivana Alawi, ipinaghanda ang anak ni Katrina Halili na si Katie sa kaarawan nito

  • Si Ivana Alawi ay pinahanga ang ilang netizens sa social media
  • Noong Friday, September 26, nag-post siya ng panibagong vlog
  • Featured dito ang pagkikita nila ulit ng anak ni Katrina Halili
  • Sa vlog, marami ang natuwa sa inihandang sorpresa ni Ivana

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Ivana Alawi, isang Kapamilya actress, ay muling pinahanga ang ilang mga netizens matapos niyang sorpresahin ang anak ni Katrina Halili na si Katie sa isang intímate birthday party.

Noong Friday, September 26, ibinahagi ni Ivana ang isang 32-minute vlog kung saan nakasama niya si Katie, at sa pagkakataong iyon ay siya ang naghanda ng para sa espesyal na araw nito.

Ivana Alawi, ipinaghanda ang anak ni Katrina Halili na si Katie sa kaarawan nito
Photos: Ivana Alawi on Facebook
Source: Facebook

Sa unang bahagi ng vlog, hindi maitago ni Ivana ang kanyang tuwa at emosyon habang binabanggit si Katie. "Kita niyo naman, naka-dress na ako. Syempre kasi birthday ngayon ni Katie. Sobrang na-touch ako kasi syempre mahal na mahal ko si Katie at si Katie na mismo ang nag-request na, 'Please, ate, mag-vlog tayo.' Tinanong ko si Katie kung ano yung mga gusto niyang gawin and talagang nagcha-chat na siya sakin, napaka-cute na bata talaga," ani Ivana.

Read also

Kakai Bautista, nakaramdam ng inggit matapos magbakasyon sa Vietnam: "Grabe"

Para maging memorable ang selebrasyon, sinigurado ni Ivana na lahat ng bagay na gusto ni Katie ay handa — mula sa isang adorable green cake na may Slime Party at Labubu decorations hanggang sa mga simpleng detalye na nagpangiti sa bata. Kitang-kita sa video ang kasiyahan ni Katie, na buong araw ay nakasama ang aktres na tila isang ate na labis ang pagmamahal.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa kanyang vlog, nag-upload din si Ivana ng mga larawan sa kanyang Facebook page, kung saan makikita ang sweet moments kasama sina Katie at Katrina. Ang mga litratong ito ay agad na umani ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa pagiging thoughtful ng aktres.

Marami ang nagkomento at nagpahayag ng kanilang paghanga sa aktres dahil sa malasakit at pagmamahal na ipinapakita niya kay Katie. Para sa mga netizens, ang simpleng paraan ni Ivana ng pagpaparamdam ng halaga at pagmamahal sa anak ng kanyang kaibigan ay patunay ng kanyang magandang kalooban at pagiging tunay na tao sa kabila ng kanyang kasikatan.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ivana Alawi ay isang Filipina actress at content creator na nakilala hindi lang sa husay niya sa pag-arte kundi pati na rin sa malaking impluwensya niya sa social media. Una siyang lumabas sa showbiz sa ilang mga teleserye gaya ng FPJ's Ang Probinsyano at A Family Affair. Bukod sa pagiging aktres, si Ivana ay isa ring modelo na madalas hinahangaan. Maliban sa telebisyon at pelikula, mas lalo siyang sumikat dahil sa kanyang YouTube channel, kung saan siya ay nagbabahagi ng mga vlogs tungkol sa kanyang buhay, pamilya, at mga nakakatuwang challenges. Dahil dito, siya ay nagkaroon ng milyon-milyong subscribers at followers sa iba't ibang platforms, na naging dahilan para ituring siyang isa sa pinakasikat na content creators sa Pilipinas.

Read also

Donny Pangilinan, nagbigay ng P300k para sa mga kariton vendors na sumali sa 'Showtime'

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ni-repost ni Ivana Alawi ang isang Instagram story na nagpapakita ng ilustrasyon ng mga taong nagkakaisa laban sa korapsyon na may mensaheng: "Corruption is loud so we'll be louder." Ang post niya ay tumapat sa kasalukuyang imbestigasyon tungkol sa umano'y korapsyon sa mga flood control projects sa Pilipinas.

Samantalang nagbigay si Ivana Alawi sa mga followers niya ng tapat na sulyap sa pisikal na hirap ng kanyang bagong proyekto. Nag-post siya ng close-up photo ng kanyang nabugbog na binti, na nagpapakita ng epekto ng mga action scenes na kanya umanong kinunan kamakailan. Sa kabila ng mga bakas ng pasa, nanatili siyang masayahin sa larawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco