Pagganap ni Carlo Aquino bilang Matmat, labis na pinuri ni Direk Mae Cruz Alviar

Pagganap ni Carlo Aquino bilang Matmat, labis na pinuri ni Direk Mae Cruz Alviar

  • Si Carlo Aquino ay umani ng papuri mula kay Direk Mae Cruz Alviar
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Direk Mae ang ilang candid photos ng aktor
  • Dito ay patuloy nang pinuri ng direktor si Carlo sa pagganap niya bilang Matmat
  • Aniya Direk Mae, hindi raw madali o biro ang role na ito ni Carlo sa 'IOTNBO'

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Carlo Aquino, isang aktor, ay umani ng papuri mula kay Direk Mae Cruz Alviar dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Matmat sa Philippine adaptation ng It's Okay To Not Be Okay.

Pagganap ni Carlo Aquino bilang Matmat, labis na pinuri ni Direk Mae Cruz Alviar
Photos: @jose_liwanag, @maecruzalviar on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang now-viral Instagram post, ibinahagi ni Direk Mae ang ilang candid photos ni Carlo na kuha mula sa set ng nasabing proyekto, kasabay ng kanyang paghanga sa dedikasyon at husay ng aktor. "I've worked with Carlo Aquino a few times and almost all of those were short stints (2 MMKs and Magic Temple). This is our longest project together and I have witnessed and experienced his intensity as an actor," ani Direk Mae sa kanyang post na ngayo'y usap-usapan.

Read also

Albie Casiño, nagbigay ng matinding reaksyon sa pahayag ng anak ni Zaldy Co

Ayon pa sa direktor, labis siyang naantig sa paraan ng pagganap ni Carlo bilang isang taong may autism, isang papel na aniya'y hindi madaling gampanan. "Playing the role of a person with autism is quite challenging, but he did it with so much heart. The way he immersed and studied this role was full of passion," dagdag pa niya, bagay na pinuri rin ng ilang manonood online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasabay nito, muling inalala ni Direk Mae ang sinabi ni Agot Isidro tungkol sa dedikasyon ni Carlo, partikular na sa eksenang mabigat ang emosyon kung saan nagkaroon ng breakdown ang kanyang karakter. "As @agotisidro said, the filming conditions were tough especially for his outstanding breakdown sequence: it was scorching hot, he wore a wig, we had several shots and takes... yet he didn't let up. He was there 100% throughout," pagbabahagi ni Direk Mae sa app.

Sa dulo ng kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat ang direktor kay Carlo. "Thank you so much, Caloy, for giving us your heart and for the trust and commitment you gave me. For someone of his stature, he is so generous and so humble. I truly appreciate you," ani Direk Mae, na nagpakita ng labis na paghanga hindi lamang sa talento kundi pati na rin sa kababaang-loob ng aktor.

Read also

Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero

Maraming netizens at kapwa celebrities ang sumang-ayon sa sinabi ni Direk Mae, na ang husay ni Carlo Aquino ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy siyang minamahal ng publiko.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Carlo Aquino ay isang batikang aktor sa Pilipinas na nagsimula bilang child star noong dekada '90. Nakilala siya sa pelikulang Bata, Bata… Paano Ka Ginawa? kung saan nakasama niya si Vilma Santos, at dito agad niyang ipinakita ang kanyang husay sa pag-arte. Kalaunan ay patuloy siyang lumabas sa iba't ibang teleserye at pelikula, na naging dahilan upang ituring siyang isa sa pinaka-mahusay na aktor ng kanyang henerasyon. Bukod sa kanyang matagumpay na karera, naging tampok din sa publiko ang personal na buhay ni Carlo. Ikinasal siya kay Charlie Dizon noong June 2024 sa isang dreamy wedding ceremony na ginanap naman sa Alta Veranda de Tibig.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ikinuwento ni Carlo Aquino na nagalit ang kanyang ina matapos mapanood ang pillow fight scene nila ni Anne Curtis. Sa seryeng It's Okay To Not Be Okay, ginampanan kasi ni Carlo ang karakter na si Matmat na may special needs. Sa kabila ng kwento ay natuwa si Carlo na naiparating ng kanyang karakter ang mensahe laban sa diskriminasyon.

Read also

Claudine Barretto, binalikan ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang Kuya Mito

Samantalang ipinagdiwang nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang ika-5 kaarawan ni Enola Mithi, anak ng aktor sa dati niyang partner na si Trina Candaza, sa isang simpleng bakasyon sa Bohol. Nag-post si Carlo ng mga larawan mula sa kanilang resort vacation, kung saan ipinakita nila ang mga espesyal na bonding moments nila ni Mithi, na ikinatuwa ng marami online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco