Sheena Halili, may madamdaming post ukol sa mga anak: "Masakit sa puso ng isang ina"

Sheena Halili, may madamdaming post ukol sa mga anak: "Masakit sa puso ng isang ina"

  • -Si Sheena Halili ay nagbahagi ng kanyang emosyonal na saloobin bilang ina online
  • -Sa Instagram, nag-open up siya tungkol sa atensyon na naibibigay niya sa mga anak niya
  • -Aniya Sheena, paminsan daw ay talagang nagi-guilty siya dahil parang kulang ito
  • -Marami naman ang humanga sa pagiging honest at tapat ni Sheena bilang isang mommy

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Sheena Halili, kilalang actress-endorser, ay nagbahagi ng kanyang tapat at emosyonal na saloobin bilang isang ina. Sa kanyang Instagram post nitong Wednesday, September 24, ibinahagi ni Sheena ang isang out-of-focus shot na tila kuha ng kanyang bunsong anak na si Jio kasama ang kanilang nanny. Ngunit higit pa sa litrato, mas nakakuha ng pansin ang kanyang mga isinulat na mensahe tungkol sa bigat ng kanyang nararamdaman bilang ina nina Martina at Jio.

Sheena Halili, may madamdaming post ukol sa mga anak: "Masakit sa puso ng isang ina"
Photos: @niceprintphoto via @mysheenahalili on Instagram
Source: Instagram

Diretsahang inamin ni Sheena na madalas siyang nakararamdam ng pagka-guilty sa dalawa. "Naawa ako madalas kay Jio. Nagi-guilty ako na 100% naibibigay sa panganay tapos sa kanya di ko na magawa," pagbubunyag niya, na inilarawan ang hirap ng pagbibigay ng parehong atensyon.

Read also

Alexa Miro, pinangalanan ang aktres na umano'y 3rd party sa breakup nila ng ex

Ngunit sa kabilang banda, hindi rin umano niya maiwasang maawa kay Martina, ang kanilang panganay, dahil kailangan din nitong intindihin na may oras na mas kailangan siya ng kanyang bunsong kapatid. "Pero naawa rin ako kay Martina dahil kailangan naman niya maintindihan na kailangan rin ako ni Jio," dagdag pa ng aktres sa kanyang viral na post sa naturang application.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Sheena, isa ito sa pinakamabigat na pinagdadaanan ng isang ina. "Masakit sa puso ng isang ina. Marami kaming di magawa, lalo na kailangan rin namin isipin ang health namin. Pero I SWEAR, 1000% ng makakaya namin ang binibigay namin," aniya ng kilalang aktres online.

Matatandaang noong 2020 ay winelcome ni Sheena at Jeron Manzanero ang kanilang unang anak na si Martina, habang noong 2024 naman ay dumating si Jio, ang kanilang pangalawang anak. Mula noon, madalas ibahagi ni Sheena ang pagiging "hands-on mommy" niya online.

Ang kanyang mensahe ay umantig sa puso ng netizens, lalo na sa mga kapwa magulang na nakaka-relate sa kanyang mga pinagdadaanan. Dahil dito, inuri pa rin ng ilan si Sheena.

Sheena Halili, may madamdaming post ukol sa mga anak: "Masakit sa puso ng isang ina"
Screenshot mula sa Instagram ni @mysheenahalili
Source: Instagram

Si Sheena Halili ay isang Filipina actress na nakilala sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang teleserye ng GMA Network. Una siyang sumikat matapos maging bahagi ng StarStruck, kung saan ipinakita niya ang kanyang talento sa pag-arte. Sa loob ng kanyang career, nakilala siya sa mga supporting at kontrabida roles. Sa kabila ng pagiging madalas na kontrabida sa mga teleserye, minahal siya ng maraming manonood dahil sa kanyang husay at karisma sa pagganap.B ukod sa kanyang career sa showbiz, kilala rin si Sheena bilang isang mapagmahal na asawa at ina. Noong 2019, ikinasal siya kay Jeron Manzanero, isang lawyer, at kalaunan ay biniyayaan sila ng anak na si Martina. Sa social media, madalas niyang ibahagi ang mga karanasan niya bilang mommy at asawa, bagay na kinagigiliwan ng kanyang mga followers.

Read also

Shuvee Etrata, nagsalita na tungkol sa lumang post niya ukol sa politics

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpasaya sa puso ng kapwa mga magulang online si Sheena Halili. Sa Instagram, nag-upload si Sheena ng larawan ng isang piraso ng damit na may mantsa ng pintura. Ayon kay Sheena, aksidenteng namantsahan ni Martina ang damit at sinubukan pa itong labhan. Gayunpaman, ang ginawa ni Martina ay labis na nakaantig sa puso ng aktres.

Samantalang noong January ay nagbigay ng update si Sheena Halili sa kanyang Instagram page, kung saan ibinahagi niya ang ilang mga eksena mula sa kanyang birthday celebration — isang simple ngunit puno ng saya at pagmamahal na party. Nakasuot lamang ng pajamas, makikita si Sheena na masayang-masaya habang ipinagdiriwang ang espesyal na araw kasama ang kanyang pamilya. Maraming bumati rin kay Sheena sa comments section para sa kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco