Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

  • Si Anne Curtis ay talagang nadismaya sa pahayag ni Brice Hernandez
  • Matatandaang sa SBRC hearing ay nabanggit ni Hernandez ang umano'y "substandard" projects nila
  • Sa Instagram na app, agad na napa-react ang actress-host sa balitang ito
  • Aniya kasi ni Hernandez, lahat daw ng mga proyekto nila sa 1st District ng Bulacan ay "substandard"

Anne Curtis, isang kilalang Filipina actress at host ng It's Showtime, ay muling nagpahayag ng kanyang pagkadismaya at pag-aalala hinggil sa mga ulat ng katiwalian sa bansa. Sa kanyang opisyal na Instagram page, ibinahagi ni Anne ang isang video mula sa team ni Sen. Bam Aquino kung saan makikita ang pagtatanong ng senador kay dating DPWH engineer Brice Hernandez tungkol sa mga umanoy “substandard” na proyekto sa 1st District ng Bulacan na nabanggit niya.

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"
Photos: @annecurtissmith, @teambamaquino on Instagram
Source: Instagram

Matapos mapanood ang naturang video, hindi napigilan ng aktres ang kanyang emosyon at tahasang nagpahayag ng galit at pagkabahala. "Back to corruption. SUBSTANDARD CLASSROOMS FOR KIDS?! My heart. Pati hospitals. BAKIT PO?!" ani Anne, na malinaw na ipinakita ang kanyang pagkadismaya sa mga proyektong hindi umano tumutugon sa tamang pamantayan.

Read also

Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero

Bukod sa kanyang pahayag, binigyang-diin din ng aktres na ang mga ganitong klase ng balita ay lalong nakakapagpabigat ng kalooban, lalo na't apektado ang mga batang estudyante at mga pasyente na umaasa sa maayos na pasilidad. Para kay Anne, ang mga proyektong ito ay hindi lamang mga gusali kundi pundasyon ng kinabukasan ng bawat mamamayang Pilipino.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging lantad si Anne tungkol sa isyu ng katiwalian at pamamahala sa bansa. Noong nakaraang September 20, gumawa rin siya ng ingay sa social media matapos ipahayag ang kanyang intensyon na makiisa sa anti-corruption rally na ginanap sa Luneta noong September 21. Sa post na iyon, malinaw niyang sinabi: "Bilang mga taxpayers it allows us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ung taxes natin lahat?"

Ipinapakita ng mga pahayag ni Anne na nananatili siyang mulat sa mga nangyayari sa lipunan, at ginagamit ang kanyang impluwensya bilang isang artista upang maipahayag ang mga hinaing ng nakararaming Pilipino. Para sa kanya, ang bawat buwis na ibinabayad ng taumbayan ay dapat na napupunta sa mga proyektong tunay na makakatulong at magpapagaan ng buhay ng mamamayan, hindi sa mga katiwaliang nagdudulot ng pagkasayang ng pera at tiwala.

Read also

Mga taga-Hagonoy, lumusong sa baha para ipanawagan ang hustisya laban sa korapsyon

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"
Screenshot mula sa Instagram ni @annecurtissmith
Source: Instagram

Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres at TV host. Nakilala siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, at Dyosa. Simula noong 2009, isa na siyang pangunahing host ng noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine ay isa ring aktres. Sa personal na buhay, ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff. Noong 2020, isinilang nila ang kanilang unang anak na si Dahlia Amélie.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay gumawa ng ingay sa social media si Anne Curtis dahil sa kanyang komento. Kamakailan, nagbahagi si Jericho Rosales sa Instagram ng ilang lumang larawan niya noong kabataan. Naglagay din siya ng nakakatawang caption tungkol sa kanyang dating sarili at kung paano raw ito ang "extreme me." Ngunit ang lalong nagpa-viral sa post ay ang komento ni Anne sa post ng dating matinee idol.

Samantalang sumang-ayon si Anne Curtis sa pahayag ni Vice Ganda laban sa korapsyon na agad nag-trending. Pinuri ng komedyante ang kasipagan ng mga mamamayan habang binabatikos ang mga lider na umaabuso sa pondo ng bayan. Binigyang-diin niya kung paano nananakawan ng korapsyon ang mga tao ng buhay, pangarap, at oportunidad. Ang pag-repost ni Anne sa X page niya ay nagbigay pa ng bigat sa usapin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco