Claudine Barretto, hindi makapaniwalang wala na ang kanilang Kuya Mito: "I can't"

Claudine Barretto, hindi makapaniwalang wala na ang kanilang Kuya Mito: "I can't"

  • Si Claudine Barretto ay labis na nagluluksa sa pagpanaw ni Mito Barretto
  • Sa Instagram, inamin ni Claudine na hindi pa rin daw siya makapaniwala
  • Aniya ng Optimum Star, talagang broken ang kanyang puso at kaluluwa
  • Bukod pa rito, binalikan din ni Claudine ang reconciliation nila ni Mito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Claudine Barretto, isang kilalang Filipina actress, ay nagluluksa sa biglaang pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid na si Mito Barretto. Sa Instagram, ibinahagi ni Claudine ang isang reel na may kasamang mensahe ng pagdadalamhati sa sinapit ng kanyang kuya.

Claudine Barretto, hindi makapaniwalang wala na ang kanilang Kuya Mito: "I can't"
Claudine Barretto, hindi makapaniwalang wala na ang kanilang Kuya Mito: "I can't" (@claubarretto)
Source: Instagram

"I can't believe you left us this soon. My [heart] and soul is broken. Rest in paradise where there is no pain. I love you, always have, forever will," aniya, na malinaw na nagpapakita kung gaano kabigat ang kanyang pinagdadaanan ngayon at kung gaano niya kamahal ang kanyang kuya.

Sa post, binalikan din ni Claudine ang kanilang naging tampuhan bago sila muling nagkasundo. Aniya, buong puso siyang humanga sa kapatid sa pagpapakumbaba nito. "When we reconciled, you swallowed your pride and said you're sorry. I didn't know that was already goodbye," aniya.

Read also

Ina ni Neri Naig, pumanaw na: "Thank you, Mommy, for everything"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinapurihan din ng aktres ang Diyos dahil bago man pumanaw ang kanyang kuya, nagkaroon sila ng pagkakataong maayos ang kanilang relasyon. "I thank God and Mark for fixing us before leaving because I might've never forgive myself if we weren't ok. My Kuya, help me, I can't. Really I can't," ang huling bahagi ng emosyonal na pahayag ni Claudine sa photo-sharing application.

Hindi lamang si Claudine ang nagpahayag ng lungkot sa pagkawala ni Mito. Ang kanilang kapatid na si Marjorie Barretto ay nagbahagi rin ng isang nakakadurog-puso na mensahe sa kanyang Instagram. Ayon kay Marjorie, ito raw ang pinakamahirap na caption na kanyang naisulat. "My eldest brother, Mito, passed away so suddenly. So full of life. No warning, we are not prepared for this," ani Marjorie, habang inalala ang hindi matatawarang presensya ni Mito.

Sa gitna ng matinding kalungkutan, kapwa nagbigay ng malinaw na larawan sina Claudine at Marjorie kung gaano kahalaga si Mito sa kanilang pamilya — hindi lamang bilang kuya kundi bilang sandigan at gabay. Ang kanilang pahayag ay nagbigay-diin sa bigat ng pagkawala niya.

Read also

Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Claudine Barretto ay isang kilalang Filipina actress. Nagsimula ang career niya sa murang edad at kalaunan ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon sa Pilipinas, kung saan gumanap siya sa mga sikat na sitcom tulad ng Home Along Da Riles at Palibhasa Lalake. Nakilala siya nang husto bilang lead actress sa mga malalaking soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon — kung saan gumanap siya bilang triplets — at Marina. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nakibahagi sa mga gawaing pangkawanggawa. Sa kanyang personal na buhay, minsan siyang ikinasal kay Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay din sila at na-annul ang kanilang kasal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay ng taos-pusing mensahe si Claudine Barretto. Para ito sa mga anak ng yumaong direktor na si Wenn Deramas. Aniya Claudine, kina Gabby at Raffi lamang ang iniwan ng direktor. Para sa inyo at sa inyo lamang at para sa future niyo yan," aniya Claudine. Say pa nga ng aktres, hindi na raw kailangan ng anumang 'DNA test.'

Read also

Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices"

Samantalang ay nagdulot naman ng pag-aalala sa kanyang mga tagahanga si Claudine Barretto. Kamakailan ay naospital kasi ang aktres. Sa kanyang post, nakiusap siya sa publiko na huwag basta-bastang humusga online. Hindi na nakapagtataka na umani ng pagmamahal at suporta mula sa marami niyang fans ang kanyang napaka-tapat na pahayag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco