Shuvee Etrata, nagsalita na tungkol sa lumang post niya bilang DDS
- Naglabas ng pahayag si Shuvee Etrata tungkol sa isang lumang post na iniuugnay sa pagiging DDS at diretsahang inamin na may mga nasaktan at nadismaya dahil dito kaya humingi siya ng paumanhin
- Ipinaliwanag ng aktres na kaya siya umiiwas sa pakikipag-usap tungkol sa politika ay dahil masyadong divisive ito, ngunit nilinaw niyang ang mas mahalaga ngayon ay ang pagmamahal sa bayan at pagtindig laban sa korapsyon
- Nangako si Shuvee na mas palalawakin pa niya ang kanyang pananaw at patuloy na matututo para sa ikabubuti ng lahat, sabay iginiit na mahal niya ang Pilipinas lalo na sa kasalukuyang panahon
- Ayon pa kay Shuvee, maninindigan siya palagi para sa kapakanan ng mga Pilipino at patuloy niyang ipapakita ang suporta at pagmamahal niya sa kanyang mga tagahanga at sa sambayanan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naglabas ng bagong pahayag si Shuvee Etrata upang bigyang-linaw ang lumang post niya na may kaugnayan sa pagiging DDS. Sa kanyang mensahe, buong puso niyang inamin na may mga taong nasaktan at nadismaya dahil sa kanyang nakaraang sinabi at humingi siya ng paumanhin para dito.

Source: Instagram
“Maayong adlaw sa tanan! I'm deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat to sa akin. Kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko. I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it,” ani Shuvee.
Ayon sa aktres, pinipili niyang umiwas sa mga diskusyon tungkol sa politika dahil masyadong divisive ang usaping ito. Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang pagmamahal sa bayan at ang pagtindig laban sa mga sumisira rito, partikular ang korapsyon. “Sa totoo lang po, iniiwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korapsyon. LALO NA PO NGAYON,” dagdag pa niya.

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasabay nito, nangako si Shuvee na patuloy siyang matututo at magbubukas ng mas malawak na perspektibo para sa kapakanan ng lahat. “Huwag po kayong mag alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow. Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people—always.”
Si Shuvee Etrata ay kilala bilang aktres at komedyante na unti-unting nakikilala sa showbiz industry. Bukod sa kanyang talento, aktibo rin siya sa social media kung saan nakaka-engage siya sa kanyang fans sa iba’t ibang usapin. Sa kabila ng kanyang pagiging prangka, umani rin siya ng respeto sa publiko dahil sa pagiging bukas niya sa pagkakamali at sa kagustuhan niyang matuto at magbago.
Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Shuvee ang kanyang pangarap na makatrabaho ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards. Ayon sa kanya, isa itong malaking milestone kung sakaling matuloy dahil matagal na niyang hinahangaan ang aktor. Ang kanyang pagiging bukas sa ganitong mga pangarap ay nagpakita ng kanyang dedikasyon bilang artista.
Kamakailan, ibinahagi rin ni Shuvee ang magandang balita tungkol sa kanyang pinapagawa na bahay. Aniya, isa ito sa mga katuparan ng kanyang pangarap na maibigay ang komportableng tirahan para sa kanyang mga mahal sa buhay. Ang proyektong ito ay patunay ng kanyang sipag at dedikasyon sa pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh