Gerald Anderson, nagsalita tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ni Vanie Gandler sa isyu
- Gerald Anderson umamin na siya ang may kasalanan sa breakup nila ni Julia Barretto
- Nilinaw niyang walang kinalaman si volleyball player Vanie Gandler sa isyu
- Ayon kay Ogie Diaz, tumawag ang aktor upang linisin ang pangalan ng atleta
- Gerald umapela na matigil na ang matinding pambabash laban sa kanya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umamin si Gerald Anderson na siya ang may kasalanan sa naging hiwalayan nila ni Julia Barretto, pero iginiit din ng aktor na walang kinalaman dito ang volleyball player na si Vanie Gandler. Ayon kay Gerald, matagal na raw kumakalat ang tsismis na idinidikit sa kanila, kahit wala naman itong basehan.

Source: Instagram
Sa vlog ni talent manager at showbiz columnist Ogie Diaz, ibinahagi nito na personal siyang tinawagan ni Gerald para linawin ang lahat. “Tumawag si Gerald para linawin ang isyu sa breakup nila ni Julia Barretto. Una na diyan ang kanyang paglilinaw na hindi si Vanie Gandler ang dahilan,” kuwento ni Ogie.
Dagdag pa niya, mismong si Gerald ang nagsabi na hindi niya kilala nang personal si Vanie at wala silang kahit anong komunikasyon. “Matagal na raw itong Vanie Gandler isyu, pero ito’y wala raw katotohanan talaga. Ni hindi nga raw niya ito kilala nang personal o nakakausap o nakaka-text o katawagan. Nanonood lamang daw siya ng laro ng volleyball pero hindi para tutukang panoorin si Vanie. Ini-link lang siya dito,” ayon kay Ogie.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tungkol naman sa hiwalayan nila ni Julia, aminado ang aktor na siya ang may pagkukulang. Gayunman, hindi na siya nagbigay ng dagdag na detalye kung ano talaga ang ugat ng problema. “Sinabi pa ni Gerald na iba ang dahilan, at inako rin niya na siya ang may kasalanan ng breakup nila ni Julia pero hindi na ito idinetalye pa ni Gerald,” dagdag ni Ogie.
Paliwanag ni Gerald, napilitan siyang magsalita para ipagtanggol si Vanie na nadadamay sa isyu kahit wala namang koneksyon. “Tumawag lang daw siya sa amin para sabihing walang kinalaman ang naturang volleyball player,” ayon pa sa ulat.
Gayunpaman, hindi rin itinanggi ng aktor na labis na siyang naapektuhan ng matinding pambabatikos laban sa kanya. “Pag-amin pa ni Gerald, durog na durog na siya sa mga naglalabasang bashing sa kanya. Kaya sana raw ay matigil na ang issue,” saad ni Ogie.
Bago matapos ang pag-uusap, nabanggit ni Gerald na mas makakabuti rin kung magsasalita si Vanie para tuluyang maliwanagan ang publiko tungkol sa isyu.
Si Gerald Anderson ay isa sa mga kilalang aktor ng ABS-CBN na nakilala sa iba’t ibang teleserye at pelikula simula pa noong siya ay sumikat sa Pinoy Big Brother. Ang tambalan nila ni Julia Barretto, na tinaguriang “Jurald,” ay naging matunog sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang chemistry sa on-screen at off-screen.
Samantala, si Vanie Gandler ay isang collegiate volleyball player na naging standout sa Ateneo Lady Eagles. Dahil sa kanyang popularidad bilang atleta, madalas siyang napapansin ng publiko, dahilan upang hindi maiwasan ang kanyang pagkakadawit sa mga usaping may kinalaman sa showbiz.
Ayon kay Ogie, matagal na niyang naririnig ang balitang naghiwalay na ang dalawa bago pa ito kumpirmahin ng Star Magic. Sa kabila nito, pinili niyang manahimik muna upang hintayin ang opisyal na pahayag ng magkabilang panig.
Sa isang ulat ng KAMI, lumabas na labis nang naapektuhan si Gerald sa sunod-sunod na pambabatikos na natatanggap niya online. Sa parehong pagkakataon, mariin niyang itinanggi ang pagkakadawit ni Vanie Gandler sa kanilang hiwalayan at inako ang pagkakamali sa relasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh