Gerald Anderson, aminadong durog sa bashing; may nilinaw sa hiwalayan nila ni Julia

Gerald Anderson, aminadong durog sa bashing; may nilinaw sa hiwalayan nila ni Julia

  • Tumawag si Gerald Anderson kay Ogie Diaz upang linawin ang ilang isyu kaugnay sa hiwalayan nila ni Julia Barretto
  • Isa sa mga nilinaw ni Gerald ay ang pagkakadawit ng pangalan ng isang volleyball player
  • Aniya, mas mabuti rin daw na mismong ang volleyball player na ito ang maglabas ng pahayag ukol sa isyu
  • Matatandaang kamakailan ay kinumpirma na ng Star Magic na hiwalay na ang Jurald

Tumawag si Gerald Anderson sa talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz upang linawin ang ilang usapin kaugnay ng breakup nila ni Julia Barretto. Isa sa mga agad niyang binigyang-diin ay ang pagkakadawit ng pangalan ng volleyball player na si Vanie Gandler.

Gerald Anderson, aminadong durog sa bashing; may nilinaw sa hiwalayan nila ni Julia
Gerald Anderson, aminadong durog sa bashing; may nilinaw sa hiwalayan nila ni Julia (@andersongeraldjr)
Source: Instagram
“Tumawag si Gerald para linawin ang isyu sa breakup nila ni Julia Barretto,” ani Ogie. “Una na diyan ang kanyang paglilinaw na hindi si Vanie Gandler ang dahilan.”

Giit pa ng aktor: “Matagal na raw itong Vanie Gandler isyu, pero ito’y wala raw katotohanan talaga. Ni hindi nga raw niya ito kilala nang personal o nakakausap o nakakatext o katawagan. Nanonood lamang daw siya ng laro ng volleyball pero hindi para tutukang panoorin si Vanie. Ini-link lang siya dito.”

Read also

Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay

Dagdag pa niya, “Sinabi pa ni Gerald na iba ang dahilan, at inako rin niya na siya ang may kasalanan ng breakup nila ni Julia pero hindi na ito idinetalye pa ni Gerald.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Tumawag lang daw siya sa amin para sabihing walang kinalaman ang naturang volleyball player,” pagbabahagi pa ni Ogie mula kay Gerald.

Aminado rin si Gerald na labis siyang naaapektuhan ng mga negatibong komento: “Pag-amin pa ni Gerald, durog na durog na siya sa mga naglalabasang bashing sa kanya. Kaya sana raw ay matigil na ang issue.”

Sa huli, sinabi pa ng aktor na mainam ding magsalita ang naturang volleyball star: “Maganda rin daw kung maibigay din ni Vanie ang kanyang side para linawin ang isyu.”

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa kanyang nobya na si Julia Barreto.

Read also

111 anyos na volunteer worker, nakibaka sa Trillion Peso March kontra korapsyon

Sa kabila ng mga unang naging usap-usapang 'cool-off' umano sila, minsan pang pinabulaanan ni Gerald na nag-break na umano sila ni Julia sa isang interview sa kanya ni Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Star Magic ang hiwalayan nina Julia at Gerald, bagay na matagal na raw umanong alam ni Ogie Diaz. Matatandaang minsan na siyang nabansagan na "Patron ng hiwalayan" at ngayon, isa umano si Ogie sa naunang nakapagbalita na 'di umano'y tapos na ang relasyon ng JuRald.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica