Ina ni Neri Naig, pumanaw na: "Thank you, Mommy, for everything"
- Si Neri Naig ay nagbahagi ng isang malungkot na balita kamakailan lang
- Sa Instagram, kinumpirma ni Neri ang pagpanaw ng kanyang nanay
- Aniya Neri, di man daw perfect ang kanyang mommy, nanay parin niya ito
- Bukod pa rito ay labis ding nagpasalamat si Neri sa mga sakripisyo ng kanyang mommy
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Neri Naig, kilala bilang 'Wais na Misis' at isang aktres, ay nagbahagi ng malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina. Sa isang Instagram post nitong Monday, September 22, kinumpirma ni Neri na pumanaw ang kanyang ina noong September 15. Ang kanyang post ay nagsilbing pagbabalik-tanaw at pasasalamat sa buhay at mga sakripisyo ng kanyang ina.

Source: Instagram
Ayon kay Neri, napansin niya na ang yugto ng pagluluksa ay nagiging daan upang magsama-sama ang mga pamilya na matagal nang hindi nagkita, "Minsan, ang pagkamatay ng mahal natin sa buhay, somehow reunites families and friends who haven’t seen each other for a long time. Yung mga matagal nang hindi nagkita, at hindi nagkaka-usap, biglang nagkakasama muli."
Sa kanyang mga salita, inilarawan ni Neri ang pangyayaring ito bilang isang "blessing in disguise," na para bang ang kanyang ina mismo ang nagiging tulay sa reunion. "In a way, para siyang blessing in disguise... siguro eto yung way ni mommy of bringing everyone together, making peace, and reminding us what truly matters, kahit wala na siya," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin itinanggi ng aktres na gaya ng karamihan, ang kanyang ina ay hindi rin perfect, subalit higit na nanaig ang pagmamahal at sakripisyong kanyang ipinakita para sa kanilang magkakapatid. "Our mom wasn't perfect, pero she was our mom... at dahil sa kanyang mga sacrifices, her strength, at pagmamahal na binigay niya sa amin in her own way, kaming mga anak niya ay naging maayos ang mga buhay. Yun ang tunay na legacy niya," sulat ni Neri.
Sa huli, sa kabila ng bigat ng kanilang pinagdadaanan, nag-iwan si Neri ng simpleng pasasalamat para sa kanyang ina — isang taos-pusong pagpupugay na umantig sa damdamin ng kanyang mga tagasuporta. "Thank you, Mommy, for everything. We love you so much," pagtatapos niya.
Si Neri Naig ay isang Filipina actress at negosyante na unang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest ng ABS-CBN noong 2004. Bagama't hindi siya nanalo bilang grand champion, nagkaroon pa rin siya ng pagkakataon na makapasok sa showbiz at lumabas sa iba't ibang teleserye at pelikula. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga drama at supporting roles. Bukod sa showbiz, mas nakilala si Neri bilang isang masinop at masipag na negosyante. Pinakasalan niya ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda noong December 2014, at mula noon ay naging inspirasyon sila sa maraming mag-asawa at pamilya sa social media.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay-inspirasyon si Neri Naig sa kanyang mga tagahanga dahil sa post niya sa Instagram site. Sa naturang photo app, ipinakita ni Neri ang sweet handwritten letter ng kanyang asawa. Ngunit kasama ng post na ito ay isang lengthy message tungkol sa pinagdaanan ni Neri. Dito ay inamin pa nga ng 'Wais na Misis' ang idinulot ng kanyang "trauma" sa buhay niya.
Samanrtalang ay ibinahagi ni Neri Miranda sa Instagram ang kanyang pagpupugay sa mga ina na patuloy na nagbibigay kahit na sila ay pagod, nasasaktan, o hindi kinikilala. Ipinagdiwang niya ang lahat ng mga maternal figures at kinilala ang kanilang pagmamahal. Itinaguyod din ni Neri ang mga bago at healing mommies, at binibigyang-diin na maaaring magtapos na nga sa kanila ang generational trauma.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh