Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

  • Nagpahayag si Angeline Quinto ng paninindigan laban sa korapsyon sa pamamagitan ng isang Facebook post
  • Ginamit niya ang humor para mas tumatak ang mensahe, ikinatuwa at ikinabahala ng netizens
  • Dumami pa lalo ang atensyon sa isyu habang libo-libo ang nakilahok sa Trillion Peso March sa Quezon City
  • Dumalo rin sa nasabing kilos-protesta ang ilang personalidad mula sa showbiz, kabilang sina Vice Ganda, Anne Curtis at Dingdong Dantes

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi lang sa kalsada ramdam ang panawagan laban sa korapsyon — umabot na rin ito sa social media. Isa sa mga nagbigay ng matinding mensahe ay si Angeline Quinto, na idinaan sa Facebook post ang kanyang kwelang hirit laban sa mga tiwaling opisyal.

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon
Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon (📷@loveangelinequinto/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang viral na post, isinulat ni Angeline:

“Ang dami niyong luxury cars, ako nga walo lang pa/nty ko, butas pa yung dalawa.”

Agad itong umani ng reaksiyon mula sa mga netizen. Marami ang natawa sa biro ng singer-actress, ngunit kasabay nito’y ramdam din ang bigat ng kanyang punto: sobrang agwat ng marangyang pamumuhay ng mga nasa puwesto kumpara sa realidad ng ordinaryong Pilipino.

Read also

Catriona Gray, may “raise your flag” moment habang nakikiisa sa Trillion peso march

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasabay ng FB post ni Angeline, libo-libo ang nagsama-sama sa Trillion Peso March sa Quezon City noong Setyembre 21, 2025. Idinaos ito sa People Power Monument, eksaktong araw ng ika-53 anibersaryo ng Martial Law, upang ipaalala na ang pang-aabuso sa kapangyarihan ay hindi dapat maulit.

Dumagsa ang mga pamilya, kabataan, simbahan, unyon ng manggagawa at iba’t ibang grupo na nagbitbit ng mga plakard at puting laso bilang simbolo ng pagkakaisa. Sa entablado, nag-perform sina Ben&Ben, Noel Cabangon, Jamie Rivera at iba pang musikero, habang nagtuluy-tuloy ang panawagan ng pananagutan para sa mga isyu ng flood-control funds at confidential funds.

Hindi rin nagpahuli ang showbiz personalities. Dumalo sa mismong rally sina Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Aquino, Jodi Sta. Maria, Maris Racal, Dingdong Dantes at Kim Atienza. Ang kanilang presensya ay lalo pang nagbigay ng lakas sa panawagan ng taumbayan.

Si Angeline Quinto ay isa sa pinakasikat na mang-aawit ng kanyang henerasyon. Nakilala siya bilang champion ng Star Power at simula noon ay naging household name bilang recording artist, aktres, at concert performer. Kilala rin siya sa pagiging prangka at may sense of humor, na kadalasang ginagamit niya para magbigay ng mas malalim na mensahe sa publiko. Sa kanyang recent Facebook post, muling napatunayan na kaya niyang magpatawa habang tumatagos ang kanyang punto, lalo na pagdating sa mga isyung panlipunan.

Read also

Vice Ganda, di napigilang mapamura sa rally: "Hindi ko kayang maging magalang sa kanila"

Noong nakaraang buwan, naging usap-usapan ang bonggang birthday party ng anak ni Angeline na si Sylvia. Sa ulat ng Kami.com.ph, Snow White-themed ang selebrasyon na agad nag-viral online dahil sa fairy tale vibes at napakagandang setup. Pinuri ng netizens si Angeline sa effort at pagmamahal para sa anak, na anila’y tunay na prinsesa sa kanyang espesyal na araw.

Samantala, na-inspire din si Angeline sa viral TikTok video ni Marian Rivera. Sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Angeline na natuwa siya sa confidence at positivity ni Marian, at dagdag pa niya, ang ganitong mga viral moments ay paalala na minsan, simpleng saya lang ang kailangan ng tao. Ang post na ito ni Angeline ay nagpakita rin kung paano siya naaapektuhan at nakaka-inspire mula sa kapwa artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate