Ogie Diaz sa hiwalayan nina Julia at Gerald: "Noon ko pa nalaman 'yan"

Ogie Diaz sa hiwalayan nina Julia at Gerald: "Noon ko pa nalaman 'yan"

  • Muling natalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ang noon pa ma'y maugong na hiwalayan nina Julia Barretto at Gerald Anderson
  • Ito ay matapos maglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic patungkol umano sa naturang hiwalayan
  • Minsan nang nabanggit ni Ogie na isang source umano ang nakapagsabi sa kanyang hiwalay na nga ang JuRald
  • Gayunpaman, hindi masabi at 'di matiyak ni Ogie kung gaano na katagal na hiwalay ang dalawa

Usap-usapan ngayon sa showbiz world ang naging pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa hiwalayan ng dating magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ogie Diaz sa hiwalayan nina Julia at Gerald: "Noon ko pa nalaman 'yan"
Julia Barretto an gerald Anderson (ABS-CBN News/Winkie Bernaldez)
Source: Facebook

Matatandaang minsan na siyang nabansagan na "Patron ng hiwalayan" at ngayon, isa umano si Ogie sa naunang nakapagbalita na 'di umano'y tapos na ang relasyon ng JuRald.

Sa kanyang programa, ibinunyag ng talent manager at vlogger na matagal na niyang alam ang tungkol dito.

“Alam mo, noon ko pa naman alam ‘yan. Binalita naman natin dito… Na trying naman si Gerald to win her back si Julia,” pahayag ni Ogie.

Read also

Ogie Diaz, sa 'Kaila-Daniel' isyu: “Unang-una, hindi naman tayo nakasira”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon pa sa kanya, dumadayo pa raw noon si Gerald sa subdivision kung saan nakatira si Julia para muling manuyo. Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisikap, hindi raw ito pinapapasok ng mga guwardiya.

Hindi lang ito ang umabot kay Ogie. Narinig din umano niya ang mga bulong-bulungan tungkol sa third party. Aniya, “Mga nababalitaan natin, mga nakakarating lang sa atin na mayroong third party.”

Lumabas din ang pangalan ng volleyball player na si Vanie Gandler na umano’y madalas nakikitang kasama ni Gerald. Dagdag pa ni Ogie, “Na kesyo masyado raw kinikita madalas ni Gerald or binibisita ni Gerald or nanonood ng laro si Gerald ni Vanie Gandler.”

“At yung nabalitaan natin na kahit yung ibang mga friends ni Vanie ay nagtataka kay Vanie kung bakit ganun kalapit kay Gerald,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, nilinaw rin ni Ogie na maaari lang talagang magkaibigan sina Gerald at Vanie.

Read also

Daniel Padilla, may bago na umanong karelasyon ayon sa source ni Ogie Diaz

“Ako naman feeling ko e magkaibigkan sila… Saka nahihilig sa panonood ng volleyball si Gerald,” paliwanag niya.

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig nina Gerald at Vanie tungkol sa isyu. Kaya naman, ang mga fans ay patuloy na nag-aabang kung may katotohanan nga ba sa mga kumakalat na espekulasyon.

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa kanyang nobya na si Julia Barreto.

Sa kabila ng mga usap-usapang 'cool-off' umano sila, minsan pang pinabulaanan ni Gerald na nag-break na umano sila ni Julia sa isang interview sa kanya ni Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon

Read also

Sikat na fashion influencer, pumanaw na sa edad na 23 matapos mawala ng 2 linggo

Sa isang panayam ni Hayb Anzures para sa vlog na Pareng Hayb Studios, nagbukas ng saloobin si Gerald tungkol sa kanyang relasyon. Inamin niyang naging unfair umano siya sa kanyang partner ang alam niyang kinakailangang bumawi siya rito. Sa kabila umano ng hectic schedule, sinabi ni Gerald na patuloy siyang humahanga kay Julia bilang partner, na inilarawan niyang “maalaga, mapagmahal, at inspirasyon.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica