Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino

Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino

  • Sa kauna-unahang pagkakataon, makalipas ang ilang taon, nag-post si Angel Locsin sa kanyang socmed
  • Ito ay may kaugnayan sa isinasagawang rally ngayon ng mga Pilipino laban sa korapsyon
  • Matatandaang ilang linggo na ang nakararaan nang sumiklab ang umano'y isyu ng anumalya sa flood control projects sa bansa
  • Bukod sa pagiging mahusay na aktres, kilala si Angel sa pagiging isang pilantropo at anumang oras o pagkakataon ay tumutulong sa kapwa niya Pilipino

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang taon ng pananahimik, muling nagbigay ng pahayag sa social media ang aktres at pilantropong si Angel Locsin.

Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino
Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino (Angel Locsin/ Team Angel PH)
Source: Facebook

Sa kanyang post, tila hindi na nakatiis ang aktres at nagpahayag na siya ng pakikiisa sa mga Pilipinong lumalaban sa korapsyon, kasabay ng mga isinasagawang kilos-protesta laban sa umano’y katiwalian sa ilang flood control projects ng bansa.

Ani Angel: "Today, Im breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption - may God give you more strength to keep going."

Read also

Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices"

Dagdag pa niya, habang pinapanood ang mga pagdinig kaugnay ng naturang isyu, hindi niya naiwasang maalala ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Watching the hearings, I couldn't help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods/typhoons."

Lubos din ang emosyon ng aktres sa kanyang pahayag:

"Naiiyak ako sa galit, kasi pwede pa lang hindi sila naghirap. Pwede pa lang walang nasaktan. Pwede pa lang walang namatay."

Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, nanindigan si Locsin na mahalaga ang patuloy na paninindigan laban sa maling gawain:

"Ang bigat. Nakakapanghina yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No Politics, para sa tao."

Samantala, narito ang kabuaan ng post na kanyang naibahagi bilang isang Instagram Story:

Read also

Ate Gay, humihiling ng panalangin para sa matindi niyang laban kontra cancer

Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino
Angel Locsin, biglang nag-post sa socmed; may mensahe sa mga Pilipino (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Si Angel Locsin ang isa sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Subalit, mas tumatak sa lahat ang kanyang karakter na Darna gayung sumasalamin umano ito sa kanya nang husto maging sa totoong buhay.

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin. Pinili muna ni Angel na magpahinga sa social media at wala rin umano sa kanyang mga kaibigan ang naglalabas ng kanyang larawan hanggang ngayon.

Read also

28-anyos na Greek heiress, namatay matapos makagat ng insekto

Hangganga sa ngayon, marami sa kanyang fans ang labis na nasasabik na mapanood muli siya sa telebisyon man o sa pelikula. Gayunpaman, marami ang nakauunawa sa desisyong ito ni Angel lalo na nang mabanggit ni Ogie Diaz na ang pamilya lalo na ang ama nito ang siyang naging dahilan nang pansamantala niyang pamamahinga sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica