Bella Hadid, muling isinugod sa ospital dahil sa Lyme disease

Bella Hadid, muling isinugod sa ospital dahil sa Lyme disease

  • Bella Hadid muling naospital dahil sa matinding laban niya sa chronic Lyme disease
  • Inilarawan ng kanyang ina na si Yolanda ang sakit bilang “invisible disability” na mahirap ipaliwanag
  • Tinawag ni Yolanda ang anak na “relentless and courageous” sa kabila ng paulit-ulit na setbacks
  • Nagbahagi rin si Bella ng personal na health update sa Instagram na nagpapakita ng kanyang kalagayan sa ospital

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling naospital ang international supermodel na si Bella Hadid dahil sa matagal na niyang pakikipaglaban sa chronic Lyme disease. Sa pamamagitan ng isang emosyonal na Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 18 (oras sa Amerika), ibinahagi ng kanyang ina na si Yolanda Hadid ang matinding pinagdaraanan ng anak at tinawag itong “courageous.”

Bella Hadid, muling isinugod sa ospital dahil sa Lyme disease
Bella Hadid, muling isinugod sa ospital dahil sa Lyme disease (📷@bellahadid, @yolanda.hadid/Instagram)
Source: Instagram

Si Yolanda, na dating cast member ng Real Housewives of Beverly Hills, ay nagsulat ng mahaba at taos-pusong mensahe. “Watching my Bella struggle in silence” daw ang naging dahilan kung bakit naramdaman niya ang “deepest core of hopelessness.” Ayon pa sa kanya, mahirap ipaliwanag o maintindihan ng iba ang “invisible disability” na dulot ng chronic neurological Lyme disease.

Read also

Vice Ganda sasama sa Luneta protest: “It’s time to end the audacity of the beasts”

“Hopefully soon I will share whatever we have learned and the places we have been with you and our Lyme community as soon as lab results reflect our victory,” dagdag pa ng Dutch former model.

Direktang kinausap ni Yolanda ang kanyang anak sa naturang post, kung saan pinuri niya si Bella bilang “relentless and courageous.” Aniya: “I admire your bravery and your willingness to keep fighting for health despite the failing protocols and countless setbacks you have faced.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin itinago ni Yolanda ang paghanga sa tibay ng anak. “You didn’t really live, you learned how to exist inside the jail of your own par^lyzed brain. I am so proud of the fighter that you are. You are not alone, I promise to have your back every step of the way, no matter how long this takes.”

Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, binati ni Yolanda si Bella sa matagumpay na pagtapos ng isa na namang buwan ng gamutan. “I pray for your speedy recovery my love. You are a survivor … I love you so much my bad*ss Warrior.”

Read also

Katrina Halili at Kris Lawrence, nagdiwang ng 13th birthday ng anak na si Katie

Ilang araw bago ang post ng kanyang ina, nagbigay rin ng sariling update si Bella sa kanyang Instagram. Sa mga larawang ibinahagi niya, makikita ang supermodel na may mga tubo medikal, may luha sa kanyang mga mata habang nakahiga sa kama ng ospital, at nakasandal sa unan na may crochet na anghel.

Sa kabila ng seryosong kalagayan, ipinakita rin ni Bella ang mga magagaan na sandali gaya ng pagkain ng pizza habang nanonood ng Netflix, paglalaro kasama ang mga mahal sa buhay, at pagbibiro habang nakaupo sa sahig ng elevator. Ang kanyang caption: “I’m sorry I always go MIA I love you guys.”

Si Bella Hadid ay isa sa pinakatanyag na modelo sa mundo ngayon, kilala sa kanyang mga runway appearances para sa mga luxury brands at sa kanyang pagiging founder ng fragrance line na Orebella. Noong 2012, siya, ang kanyang ina Yolanda, at kapatid na si Anwar ay sabay-sabay na na-diagnose ng Lyme disease. Sa edad na 16, nagsimula na siyang makipaglaban sa naturang sakit.

Read also

WJ Construction, itinanggi ang umano’y transaksyon kay Sen. Jinggoy Estrada

Noong 2023, nagbigay si Bella ng positibong update kung saan idineklara niyang siya ay “finally healthy.” Ngunit ngayong taon, muli siyang nahaharap sa panibagong laban matapos ang ilang setbacks.

Hindi lamang si Bella Hadid ang celebrity na dumaraan sa seryosong karamdaman habang nasa spotlight. Si Justin Bieber, isa sa pinakamalaking international pop stars, ay dumaan din sa matinding health struggle noong 2022. Ayon sa ulat ng KAMI, nagkaroon siya ng face par^lysis dahil sa Ramsey Hunt syndrome kaya’t nakansela ang ilan sa kanyang shows. Ayon kay Bieber, naging malaking pagsubok ito hindi lang sa kanyang career kundi pati na rin sa kanyang personal na kalusugan. Basahin dito

.Isa pang international music icon na dumaan sa parehong hirap ay si Justin Timberlake. Sa isang artikulo ng KAMI, ibinahagi ng singer-actor ang laban niya sa isang “relentlessly debilitating” disease. Ipinakita ni Timberlake ang kanyang katatagan sa kabila ng paulit-ulit na epekto ng sakit na ito sa kanyang kalusugan at career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate