Cherry Pie, naglabas ng pahayag matapos muling makita ang ex na si Edu matapos ang 2 taon

Cherry Pie, naglabas ng pahayag matapos muling makita ang ex na si Edu matapos ang 2 taon

  • Single ngayon si Cherry Pie Picache at bukas sa posibilidad ng bagong pag-ibig
  • Matagal nang tapos ang relasyon nila ng aktor na si Edu Manzano pero maayos pa rin ang kanilang samahan
  • Nagkita silang muli kamakailan sa isang showbiz event at nagbatian nang maayos
  • May bagong pelikula ang aktres na pinamagatang The Last BeerGin kasama sina JC Santos, Pepe Herrera, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Edu Manzano on Facebook
Edu Manzano on Facebook
Source: Facebook

Single at ready to mingle ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache.

Ayon sa kanya, handa siya sa bagong yugto ng kanyang lovelife.

Huling karelasyon niya ang aktor na si Edu Manzano na mahigit dalawang taon na raw niyang hindi nakakasama.

Nakapanayam si Ms. Pie sa presscon ng kanyang bagong pelikula na The Last BeerGin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dito siya tinanong tungkol sa estado ng kanyang puso at sa muling pagkikita nila ni Edu.

Inamin niya na nagkita sila kamakailan sa isang event ng FDCP, FAP, at MOWELFUND sa Quezon City.

Read also

VP Sara Duterte, inaming siya mismo ang umiwas sa pagkikita kay Leni Robredo

Nagbatian at nagkumustahan sila pagkatapos ng halos dalawang taon na hindi pagkikita.

Ibinahagi ni Cherry Pie na nag-message pa rin sila at binati niya si Edu noong kaarawan nito noong Setyembre 14.

Nilinaw niya na hindi sila naghiwalay sa masamang paraan. Aniya, maayos pa rin sila at wala silang naging away.

Dagdag pa niya, Edu is a good man.

Aminado si Cherry Pie na hindi siya mahilig makipag-date, pero hindi rin niya sinasarado ang pinto sa posibilidad ng panibagong relasyon.

Gusto raw niya ay karelasyong kaedad niya o mas matanda, dahil hindi niya hilig ang mas bata.

Kasabay nito, inilahad niya ang excitement sa bago niyang proyekto na The Last BeerGin mula sa Cineko Productions at Obra Cinema, kasama ang ilang kilalang artista at sa direksyon ni Nuel Naval.

Basahin ang artikulo na nilathala ng Inquirer/Bandera dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Senyora, may kwelang post kasama si Dominic Roque: "For 9 months nanahimik ako"

Si Edu Manzano ay isa sa mga batikang aktor sa industriya na kinilala rin sa kanyang pagsabak sa pulitika at serbisyo publiko. Bukod sa pagiging aktor at dating Vice Mayor ng Makati, naging Commissioner din siya ng Optical Media Board. Isa rin siyang kilalang ama na patuloy na ipinagmamalaki ang kanyang mga anak sa iba't ibang larangan—ngayon ay si Enzo na naman ang nagbigay ng karangalan sa kanilang pamilya.

Sa nakaraang report ng KAMI, si Ellen Adarna ay talagang tawang tawa sa beteranong aktor na si Edu Manzano. Kamakailan ay nag-post kasi si Edu ng series of edited photos niya bilang 'contractor.' Agad itong napansin ni Ellen at ni-repost sa kanyang opisyal na Instagram account. Say tuloy ni Ellen sa mga posts ng aktor, "Math ain't mathing but corruption sure is."

Dagdag pa rito, Ipinagdiwang ng aktor na si Edu Manzano ang pagtatapos ng kanyang anak na si Enzo Manzano mula sa New York University kung saan nagtapos ito ng Master’s Degree in Public Administration. Sa isang Instagram post, inilarawan ni Edu ang araw ng graduation bilang isang “amazing day” para sa kanilang pamilya at pinuri ang dedikasyon at sipag ng anak. Binigyang-diin din ng aktor ang katatagan ng loob ni Enzo sa harap ng mga hamon, at ipinahayag ang buong suporta para sa mga susunod na hakbang ng anak. Nakilala si Enzo noong 2020 matapos magsagawa ng solo protest sa New York laban sa administrasyon ni dating Pangulong Duterte ukol sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)