Video ng pagdating ni Gretchen Barretto sa DOJ para maghain ng counter affidavit, viral
- Si Gretchen Barretto ay tuluyan nang naghain ng counter affidavity niya
- Inilabas na ng GMA Integrated News ang video ng aktres at ang pagdating nito sa DOJ
- Kasama ni Gretchen ang kanyang counsel na si Atty. Alma Mallonga na humarap sa media
- Aniya ni Atty. Malonga, ang mga paratang kay Gretchen ukol sa kaso ay "unsubstantiated"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Gretchen Barretto, isang Filipina former actress, ay tuluyan nang naghain ng counter affidavit sa kasong murder complaint na isinampa laban sa kanya ukol sa 'missing sabungeros' na case.

Source: Instagram
Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Thursday, September 18, makikitang dumating si Gretchen sa Department of Justice (DOJ) kasama ang kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga. Sa naturang video, hindi na nagsalita ang aktres at hinayaan ang kanyang abogado na humarap sa media upang magsalita para sa kanya. "We're just here to abide by the process, and the process that we are committed to follow is to file a counter affidavit," panimula ni Mallonga sa media.
Ayon pa sa kanyang pahayag, walang sapat na basehan ang mga ibinibintang laban kay Gretchen. "The reason we're filing a counter affidavit right now... based on what we have been saying from the very beginning is that we feel that the accusations against her are unsubstantiated, incredible, and there's every basis for the complaint to be dismissed," aniya ni Mallonga sa media people.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mahalagang banggitin na isang linggo lamang ang nakalipas nang ipalabas ng DOJ ang subpoena laban kay Gretchen, pati na rin kay Atong Ang at isang police general na isinasangkot sa kaso.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang kanyang kapatid na si Claudine Barretto sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz. Ayon kay Claudine, dapat igalang ng publiko ang proseso at huwag agad husgahan ang kanyang ate. "Ang ate ko, she's very strong. Makikiusap na po ako, hangga't hindi kayo hinahatulan, unless proven guilty inosente pa po ang tao," ani Claudine.
Sa kabila ng bigat ng mga paratang, nanindigan ang kampo ni Gretchen na handa silang sumunod sa tamang proseso ng batas upang mapatunayan ang kanilang panig. Naniniwala ang kanyang mga tagasuporta na lalabas din ang katotohanan at malilinis ang kanyang pangalan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Gretchen Barretto ay isang kilalang Filipina actress, singer, at socialite na matagal nang bahagi ng showbiz. Isa siya sa mga miyembro ng prominenteng Barretto clan. Nakilala siya sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Kilala si Gretchen sa kanyang ganda at karisma, dahilan upang maging isa siya sa mga pinakasikat na personalidad sa showbiz noong kanyang kapanahunan. Bukod sa kanyang showbiz career, naging usap-usapan din si Gretchen dahil sa kanyang personal na buhay at mga relasyon. Siya ay matagal nang karelasyon ni Tonyboy Cojuangco, at may anak silang dalawa na si Dominique Cojuangco. Sa mga nakaraang taon, mas pinili na ni Gretchen ang pribadong buhay at paminsan-minsan lamang lumalabas sa publiko o sa social media platforms.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2024 ay muling hinangaan ng mga netizen at celebrities si Gretchen Barretto. Kamakailan, itinampok siya sa post ni @mkqua sa social media kung saan makikita ang kanyang "fit check." Suot ang brown na top at neutral-colored na pantalon, agaw-pansin ang kanyang ganda. Hindinakapagtataka na umani ito ng atensyon mula sa celebrities.
Samantalang noong 2024 din ay tuwang-tuwa si Gretchen Barretto bilang isang lola matapos dumalo sa binyag ng kanyang apo. Sa Instagram, nagbahagi si Mimi Que ng mga larawan mula sa okasyon, na nagbigay ng sulyap sa masayang selebrasyon. Nakasuot si La Greta ng beige na damit na may maliwanag na asul na sinturon, at tunay na napakaganda sa kanyang simpleng kasuotan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh