Kiray Celis, labis ang kilig sa text message na natanggap niya mula kay Jaya
- Si Kiray Celis ay hindi napigilan ang kayang kilig, saya, at tuwa
- Sa Instagram, ibinahagi ni Kiray na tinext siya ni Jaya kamakailan
- Ito ay matapos niyang manood ng concert ng kilalang OPM icon
- Aniya Kiray, talagang "nahimatay" daw ata siya dahil sa text na ito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Kiray Celis, isang kilalang Filipina actress at comedian, ay hindi napigilan ang kanyang sobrang kilig at kasiyahan nang makatanggap siya ng mensahe mula mismo sa OPM icon na si Jaya.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Kiray na nanood siya ng concert ni Jaya kamakailan at laking gulat niya nang makatanggap agad ng text mula rito pagkatapos ng successful na show.
"Nanood ako ng concert niya nung Sunday, tapos pagkauwi ko galing sa concert niya, nag-text siya sakin," ani Kiray. Kasama sa kanyang post ang mismong mensaheng ipinadala ni Jaya: "If you and your fiancé are free, lunch or dinner tayo, my treat naman, dear," aniya ng OPM icon.
Pagbasa nito, hindi niya napigilan ang kanyang kilig, sobrang tuwa, at ang fangirl moment niya. "NAHIMATAY NALANG ANG TAO NA 'TO!!! Grabe ka Ms @jaya!!! Mahal na mahal kita!!! Pinapakinggan lang kita sa Spotify, tao ka po pala. Huhu. I LOVE YOU ATE IYAY!!!" aniya Kiray.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi naman nagpahuli si Jaya at nag-iwan ng nakakantig na komento sa post ng aktres, dahilan para lalo pang maantig ang mga netizens, lalo na nga ang mga tagasubaybay ni Kiray sa app.
"Mahal kita, Kiray. May nakita ako sayo na napakaganda at busilak. Marami kang dalahin pero kaya mo yan. Ibigay mo sa Panginoon ang lahat dahil mas kaya niya. Promise, nandito lang ako anytime need mo ng sabihan. Ikaw at si Stephan. God bless you and may He reveal Himself to you and all of His grand plans for your life, marriage, and family," ani ng kilalang OPM icon sa post.
Maraming netizens ang natuwa sa palitan ng mensahe ng dalawa, at marami rin ang nagsabing kitang-kita kung gaano ka-down-to-earth si Jaya. Sa kabilang banda, si Kiray ay mas lalo pang minahal ng kanyang followers dahil hindi niya ikinubli ang pagiging totoo at fangirl vibes niya.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa drama series na Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa telebisyon at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling kinagiliwan online si Kiray Celis ng mga netizens. Noong Saturday, May 24, ibinahagi ni Kiray ang isang nakakaantig na video ng kanyang sorpresa para kay Mama Meriam. Sa video, makikitang personal na tinulungan ni Kiray ang team na kanyang hinire para sa bonggang sorpresa.
Samantalang ibinahagi ni Kiray Celis sa Instagram ang isang video ng kanyang wedding gown fitting, na ikinatuwa ng kanyang mga followers habang abala siya sa bridal preparations. Ang gown fitting ay kasunod lamang ng kanyang engagement kay Stephan Estopia. Nag-propose si Stephan kay Kiray sa isang beach, kasama ang mga magulang ng aktres sa emosyonal na sandali, na agad namang naging usap-usapan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh