Pokwang, sumang-ayon sa pahayag ni Lino Cayetano ukol sa korupsiyon

Pokwang, sumang-ayon sa pahayag ni Lino Cayetano ukol sa korupsiyon

  • Si Pokwang ay nagsalita tungkol sa katiwalian sa kanyang Instagram
  • Sa app, nag-repost si Pokwang ng isang quote card mula sa Inquirer
  • Ito ay tungkol sa sagot ni Lino Cayetano kay Sen. Alan Peter Cayetano
  • Aniya ng Kapuso actress, uma-agree raw siya sa pahayag ni Direk Lino

Muling nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa usaping politika at katiwalian si Pokwang. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Pokwang ang kanyang pagsang-ayon kay Direk Lino Cayetano kaugnay ng naging pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa isyu ng korapsyon.

Pokwang, sumang-ayon sa pahayag ni Lino Cayetano ukol sa korupsiyon
Photos: @itspokwang27 on Instagram | Inquirer
Source: Instagram

Sa isang quote card mula sa Inquirer, mababasa ang naging pahayag ni Sen. Alan Cayetano: "As a people, hindi ako nagpi-finger point, we’re all guilty from vote-buying to cheating, stealing, and lying... Ang importante, repentance. Walang pagbabago pag walang repentance." Ayon sa kilalang senador, mahalaga raw ang pagsisisi dahil walang tunay na pagbabago kung wala muna ito.

Ngunit hindi sumang-ayon si Lino Cayetano at nagpahayag ng kanyang pagkadismaya, sinabing ang ganitong klase ng mga pahayag mula sa mga "traditional politicians" ay kadalasang nagiging "spark" para magalit ang mga tao. "Hindi po ako agree dito. These are the kinds of statements from traditional politicians that spark anger," ani Lino, bagay na sinang-ayunan din ng ibang tao.

Read also

Sikat na fashion influencer, pumanaw na sa edad na 23 matapos mawala ng 2 linggo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, hindi sapat ang simpleng pagsisisi lamang upang matigil ang korapsyon. Aniya Lino, kailangan daw ay hindi i-normalize ang korapsyon, "Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling, at hindi rin solusyon at absolusyon ang pag-'repent' lamang. For those who will 'repent," we need confessions and reform. Let's not normalize corruption. Let's fight it."

Sumang-ayon dito ang Kapuso comedian at tahasang sinabi sa kanyang post na uma-agree siya: "Hmmm… tama naman si Direk @linocayetano. Let’s not normalize corruption, let’s fight it!"

Maraming netizens ang pumuri sa tapang at pagiging direkta ng aktres sa kanyang pananaw. Para sa ilan, nakaka-inspire na makita ang mga personalidad sa showbiz na nakikilahok sa isyu.

Hindi rin ito ang unang beses na nagsalita si Pokwang tungkol sa isyu ng katiwalian. Sa gitna ng mga kontrobersya hinggil sa mga flood control projects at iba pang isyung politikal, kabilang siya sa mga kilalang personalidad na lantad na ipinapahayag ang kanilang pagkadismaya online.

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Pokwang, sumang-ayon sa pahayag ni Lino Cayetano ukol sa korupsiyon
Screenshot mula kay @itspokwang27 sa Instagram
Source: Instagram

Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang nainis si Pokwang sa kumalat na fake news tungkol sa kanya. Bukod kay Mamang ay nadamay din nga sina Pauleen Luna at pati ang asawa nito na si Vic Sotto. Agad naman itong nilinaw ni Pokwang sa kanyang opisyal na page sa Threads. Sey pa nga ni Mamang, makakarma rin daw ang mga nagpapakalat ng mga fake news.

Read also

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa 'maliit' na papremyo nila sa 'It's Showtime'

Samantalang noong July ay nag-viral sa social media si Pokwang dahil sa kanyang mga recent post sa social media. Kamakailan ay sinagot ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X. Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble. Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco