Janella Salvador, nagsalita tungkol sa co-parenting setup nila ni Markus Paterson

Janella Salvador, nagsalita tungkol sa co-parenting setup nila ni Markus Paterson

  • Inamin ni Janella Salvador na hindi naging “smooth sailing” ang kanyang motherhood journey
  • Ibinahagi niya ang sitwasyon nila sa co-parenting kasama ang dating partner na si Markus Paterson
  • Tinututukan ng aktres na manatiling healthy ang mindset ng anak nilang si Jude
  • Binago ng pagiging ina ang pananaw ni Janella sa relasyon at sa kanyang sarili

Ibinahagi ni Janella Salvador ang emosyonal at totoong karanasan niya bilang isang batang ina. Sa panayam niya kay Bianca Gonzalez para sa The B Side ng Cinema One, diretsahang inamin ng aktres na hindi naging madali ang kanyang motherhood journey ngunit ito rin ang nagtulak sa kanya na mag-mature at mag-grow bilang tao.

Janella Salvador, nagsalita tungkol sa co-parenting setup nila ni Markus Paterson
Janella Salvador, nagsalita tungkol sa co-parenting setup nila ni Markus Paterson (📷@superjanella/Instagram)
Source: Instagram

“Honestly, it’s a struggle pa rin talaga everyday to be able to like, especially as young parents, adjustments talaga eh, parang compromise. You would have to really work through it,” ayon kay Janella.

Dahil nasa UK si Markus Paterson para magtrabaho, madalas na si Janella ang kasama ng anak nilang si Jude. “Now kasi, Jude most of the time is with me because his dad is in the UK. So he’s, he’s working there and he’s, every now and then he would call up Jude. Dati kasi he was here eh, then he would borrow Jude for the weekend, ganyan-ganyan.”

Read also

Iya Villania, ibinebenta na ang kanilang apartment sa Sydney

Hindi rin itinago ng aktres na may kasamang hirap ang kanilang co-parenting setup. “Iba-iba siya eh, parang hindi siya yung smooth sailing lang. Co-parenting is a different experience din talaga,” dagdag pa niya. Ngunit higit sa lahat, nananatili ang hangarin niyang mapalaki si Jude na may maayos na kaisipan. “I always want him to still be able to grow up with a healthy mindset.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa usaping personal na relasyon, mas naging malinaw na rin kay Janella ang kanyang priorities. “Kung sino yung papasok sa buhay ko, I’m gonna be very, very clear about how it’s gonna be like because I have a kid. If it scares them away, then so be it… ito yung plus one ko na siya for life.”

Bukod dito, proud si Janella na nakikita na ngayon ni Jude ang kanyang trabaho sa telebisyon. “He sees me sometimes on TV when I would do ASAP… Is mama an actor? Is mama an actress? … I want to be an actor,” kwento niya. Bagama’t bukas siya sa posibilidad, mas nais niyang huwag munang pumasok si Jude sa showbiz habang bata pa.

Read also

Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas

Sa huli, ibinahagi ni Janella na tinuruan siya ng motherhood na alagaan ang sarili upang mas makapagbigay siya ng pinakamabuting pagmamahal at suporta kay Jude.

Si Janella Maxine Desiderio Salvador ay isang aktres at singer na unang sumikat sa seryeng Be Careful With My Heart. Anak siya ng mang-aawit na si Juan Miguel Salvador at ng aktres-singer na si Jenine Desiderio. Kilala si Janella sa kanyang husay sa pag-arte sa mga palabas gaya ng Born For You, The Killer Bride, at kamakailan lamang ay sa Darna: The TV Series. Bukod sa kanyang career, mas nakilala siya ngayon bilang isang dedicated mom sa kanyang anak na si Jude.

Kamakailan, naging usap-usapan ang pagiging malapit ni Janella Salvador kay Klea Pineda matapos silang magbahagi ng video sa TikTok. Marami ang nagtanong kung may espesyal na relasyon nga ba sa pagitan nila. Bagama’t walang direktang kumpirmasyon mula kay Janella, hindi napigilan ng netizens ang mag-speculate lalo na’t tila close talaga ang dalawa.

Read also

Anne Curtis reacts to Vice Ganda’s strong statement against corruption

Sa isa namang panayam, hinarap ng aktres ang mga tsismis na may tinatago siya sa publiko. Malinaw ang kanyang sagot na wala siyang itinatago at wala siyang dapat ipagtanggol. “If I was hiding, I would be guilty,” diretsong pahayag ni Janella, na muling nagpapatunay na mas pinipili niyang maging tapat at bukas sa kanyang fans.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate