Clyde Vivas, may nililigawan na: "Panibagong chapter na ako"
- Si Clyde Vivas ay may nililigawan na, ayon mismo sa kanya
- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay may napansin ang huli
- Ani Ogie, may kasama raw kasi si Clyde nang dumating sa set
- Dahil dito, diniretso ni Ogie si Clyde at tinanong kung sino ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Clyde Vivas, sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, ay diretsahang umamin na siya ngayon ay may nililigawan na matapos ang kanyang naging kontrobersyal na breakup kay Lars Pacheco. Sa vlog ni Ogie, naging bukas si Clyde tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay pag-ibig.

Source: Youtube
Nang dumating si Clyde sa interview, hindi nakaligtas sa mata ni Ogie ang kasama nito. Kaya't agad niya tinanong, "Dumating si Clyde dito, may kasamang girl, yung girl na kasama mo ay girlfriend mo?" na agad sinagot ni Clyde, "Getting to know each other, nililigawan ko. We're good."
Hindi rin napigilan ni Ogie na mag-follow up lalo na't kilala ang tagal ng relasyon ni Clyde at Lars na tumagal ng pitong taon. "Hindi naman siya panakip butas? Or rebound?" tanong ng talent manager na mabilis namang itinanggi ni Clyde, sabay open up sa pakiramdam niya ngayon.
"No, no. Actually, Mama Ogie, ilang araw na rin ako sa kanila. Kausap ko yung mama niya, close na close na kami, sobrang bait nung family niya. Tinanggap ako as anak talaga and alam yung history ko tas naiintindihan nila, kaya sabi ko eh sobrang nakaka-overwhelm," ani Clyde sa naturang viral na interview sa kanya. Dagdag pa nga niya, "Parang gusto nila akong i-heal."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para kay Clyde, hindi na niya iniisip ang bigat ng hiwalayan nila ni Lars, at pati na rin ang nakaraang pitong taon. "Hindi ko na inisip yung move on eh, hindi ko na inisip yung 7 years. Okay na yun. Done. Tuldok. Panibagong chapter na ako ng buhay ko," aniya Clyde kay Ogie sa video.
Dahil dito, maraming netizens ang muling nakibahagi ng kanilang reaksyon. May mga natuwa para kay Clyde dahil tila natagpuan na niya ang lakas na bumangon muli sa kabila ng lahat.
Gayunpaman, hindi maikakaila na ang kanyang pagiging bukas tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ay nagbibigay ng inspirasyon sa iba na maaaring dumaraan din sa masakit na hiwalayan. Pinatunayan ni Clyde na kahit matapos ang mahabang panahon ng relasyon, may pagkakataon pa rin para magsimula ng panibagong yugto—mas buo at may pag-asang masaya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Lars Pacheco ay isang kilalang Filipino transgender woman at internet personality na unang nakilala matapos sumali sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Isa siya sa mga naging boses ng LGBTQ+ community sa mainstream media, lalo na sa usapin ng gender identity at pagtanggap sa sarili. Bukod sa kanyang exposure sa telebisyon, aktibo rin si Lars sa social media kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga karanasan, pananaw, at adbokasiya. Isa siyang inspirasyon para sa mga kabataang LGBTQ+ na patuloy na lumalaban para sa kanilang pagkatao at pangarap.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot ni Lars Pacheco ang isang netizen na nagkomento tungkol sa naging panayam niya tungkol sa hiwalayan nila ni Clyde. Sa kaniyang tugon, idinetalye niya ang mga sakripisyong ginawa niya sa pitong taong relasyon nila. Ipinaliwanag din niya na hindi siya nanumbat ngunit kailangan niyang linawin ang maling akusasyon laban sa kaniya. Ayon kay Lars, ang tanging nais niya ay matuto at mag-grow si Clyde bilang isang tao.
Samantalang ang ex ni Lars Pacheco na si Clyde Vivas ay nanawagan sa publiko na itigil ang pambabash laban sa internet personality. Inamin niya na tatlong beses siyang naloko ngunit pinili pa ring intindihin si Lars. 7 taon nilang relasyon ang nauwi sa hiwalayan na labis na ikinasakit ni Clyde. Sa kabila ng lahat, nagpasalamat siya kay Lars na umani ng puri.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh