Clyde Vivas, binalikan ang hiwalayan nila ni Lars Pacheco: "Hinanap ko siya, nabaliw ako"

Clyde Vivas, binalikan ang hiwalayan nila ni Lars Pacheco: "Hinanap ko siya, nabaliw ako"

  • Si Clyde Vivas ay nakapanayam kamakailan lang ni Ogie Diaz
  • Dito ay binalikan ni Clyde ang breakup nila ni Lars Pacheco nitong taon
  • Aniya Clyde kay Ogie, aminado raw siyang "nabaliw" siya dahil sa breakup
  • Pag-amin pa niya, talagang agad daw niyang hinanap si Lars matapos ang text nito

Si Clyde Vivas, ang dating nobyo ng social media personality na si Lars Pacheco, ay emosyonal na nagbukas tungkol sa kanilang hiwalayan sa pinakabagong panayam niya kay Ogie Diaz.

Clyde Vivas, binalikan ang hiwalayan nila ni Lars Pacheco: "Hinanap ko siya, nabaliw ako"
Photos: Ogie Diaz on YouTube | @pachecolars on Instagram
Source: Youtube

Hindi itinago ni Clyde ang bigat ng kanyang pinagdadaanan noong mga panahong iyon at kung paano niya tinanggap ang masakit na katotohanan. Nang tanungin ni Ogie kung totoong sa text lamang sinabi ni Lars ang tungkol sa kanilang paghihiwalay, agad itong kinumpirma ni Clyde. "Sinabi niya na sa akin lahat dun sa text message niya, napakasakit. Nagulat ako," aniya.

Ayon kay Clyde, hindi niya alam kung paano tatanggapin ang balita kaya't ang unang ginawa niya ay hanapin si Lars agad agad. "Una ko talagang ginawa nun is kinuha ko yung susi nung sasakyan. Hinanap ko siya kasi baka mamaya mapano siya eh, pero masakit sa akin na galit. Sabi ko, parang, 'Pano niya nagawa yun? Hindi ko akalain,'" pagbabalik-tanaw niya sa interview.

Read also

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa 'maliit' na papremyo nila sa 'It's Showtime'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kalaunan ay ibinahagi rin ni Clyde ang nalaman niya mula sa kapatid ni Lars. "Nalaman ko lang na parang sabi nung ate niya is... binura niya yung Messenger para di na niya mabasa yung chat ko," aniya. Sa kabila nito, nanindigan si Clyde na wala siyang balak saktan si Lars kahit kailan. "Hindi naman ako magagalit, hindi ko naman siya sasaktan, hindi naman ako ganung tao, hindi ko naman gagawin yun eh. Kausapin mo ako nang personal, maiintindihan kita," dagdag pa niya.

Sa muling pagbabalik-tanaw, aminado si Clyde na nawalan siya ng direksyon matapos ang hiwalayan. "Pero hinanap ko siya, nabaliw ako. Nagka-anxiety ako as in, Mama Ogie, that time, talagang hinanap ko siya," pahayag niya, bagay na dumurog sa puso ng ilang mga netizens.

Nang tuluyang ilabas ni Lars sa publiko ang breakup, doon na raw siya naniwala na tapos na talaga ang kanilang relasyon. "Dun na ako naniwala, akala ko tatawagan niya pa ako," ani pa niya.

Read also

Bea Alonzo, natatawa sa paanyaya ni John Lloyd: “Nakalimutan ata na may number kami”

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Lars Pacheco ay isang kilalang Filipino transgender woman at internet personality na unang nakilala matapos sumali sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Isa siya sa mga naging boses ng LGBTQ+ community sa mainstream media, lalo na sa usapin ng gender identity at pagtanggap sa sarili. Bukod sa kanyang exposure sa telebisyon, aktibo rin si Lars sa social media kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga karanasan, pananaw, at adbokasiya. Isa siyang inspirasyon para sa mga kabataang LGBTQ+ na patuloy na lumalaban para sa kanilang pagkatao at pangarap.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot ni Lars Pacheco ang isang netizen na nagkomento tungkol sa naging panayam niya tungkol sa hiwalayan nila ni Clyde. Sa kaniyang tugon, idinetalye niya ang mga sakripisyong ginawa niya sa pitong taong relasyon nila. Ipinaliwanag din niya na hindi siya nanumbat ngunit kailangan niyang linawin ang maling akusasyon laban sa kaniya. Ayon kay Lars, ang tanging nais niya ay matuto at mag-grow si Clyde bilang isang tao.

Read also

Kaye Abad, muling 'napagtripan' ni Paolo Contis sa birthday post nito kay Patrick Garcia

Samantalang ang ex ni Lars Pacheco na si Clyde Vivas ay nanawagan sa publiko na itigil ang pambabash laban sa internet personality. Inamin niya na tatlong beses siyang naloko ngunit pinili pa ring intindihin si Lars. 7 taon nilang relasyon ang nauwi sa hiwalayan na labis na ikinasakit ni Clyde. Sa kabila ng lahat, nagpasalamat siya kay Lars na umani ng puri.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco