Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa 'maliit' na papremyo nila sa 'It's Showtime'

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa 'maliit' na papremyo nila sa 'It's Showtime'

  • Muling nagbigay ng kanyang matapang na opinyon si Vice Ganda sa 'It's Showtime'
  • Kamakailan ay nai-share kasi ni Vice na may nabasa siyang komento sa X (o Twitter)
  • Ito ay may kinalaman sa umano'y "maliit" na papremyo nila sa 'Laro Laro Pick' sa show
  • Pag-amin tuloy ni Vice sa programa nila, "Sasagutin ko na sana tas di ko na sinend"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling nagbigay ng kanyang matapang at prangkang opinyon si Vice Ganda, isang kilalang aktor at TV host, matapos mabasa ang komento tungkol sa cash prize ng kanilang programa na It's Showtime. Naganap ito bago simulan ng host ang segment na Laro Laro Pick nitong araw.

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa 'maliit' na papremyo nila sa 'It's Showtime'
Photos: It's Showtime via ABS-CBN News on YouTube
Source: Instagram

Habang nakikipagbiruan kina Jhong Hilario at Vhong Navarro, pabirong sinabi ni Vice, "At higit kalahating milyon ang laman ng bag ko ngayon! Chineke na lang natin, hindi na natin kinash," dahilan upang matawa ang kanyang mga co-hosts at manonood. Ngunit matapos ang kanilang paunang banter, agad na ibinahagi ni Vice ang tungkol sa isang post na nabasa niya sa Twitter.

Read also

Darryl Yap sinagot ang pahayag ni Lav Diaz: "I respectfully nominate BB gandanghari as President"

Ayon sa kanya, isang netizen ang nagreklamo tungkol sa disparity ng premyo: "Nakakatawa nga kasi may nabasa ako kahapon sa Twitter, ang liit liit daw kasi, 40k vs. 600k. 'Syempre sa 40k kami, ang tipid tipid niyo,' eh sasagutin ko na sana tas di ko na sinend," pagbabahagi ni Vice.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi na pinigilan ng host ang sarili at tuluyan nang sinagot ang puna ng netizen. Aniya, malaki na ang P40K para sa kanila, lalo na sa sitwasyon ng kanilang programa ngayon. "Maliit yun para sayo kasi wala ka namang inaambag dun sa binibigay namin na pera, diba? Syempre, para sa inyo na talak nang talak, maliit yun, pero sa amin po na naghihingalong programa, malaki po sa amin yun. Sa aming klase ng programa na hindi na namin malaman kung saan kami kukuha ng sponsor?" mariing tugon ni Vice, bagay na umantig sa mga loyal viewers ng nasabing programa.

Read also

Bea Alonzo, natatawa sa paanyaya ni John Lloyd: “Nakalimutan ata na may number kami”

Dagdag pa niya, "Malaki sa amin yun. Kaya kung naliliitan kayo sa 40k na offer, pasensya na po."

Maraming manonood ang natuwa sa pagiging totoo ni Vice Ganda, at marami rin ang sumang-ayon sa kanyang punto. Sa kabila ng mga biruan at kulitan sa It's Showtime, hindi maitatangging minsan ay nagiging daan ang programa upang maipahayag ng mga host ang kanilang saloobin.

Panoorin ang video sa baba:

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.

Read also

Vice Ganda, naantig sa binigay ng isang Pinay fan sa kanya sa 'ASAP' show sa England

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis na naantig si Vice Ganda habang nagpe-perform sa 'ASAP' stage sa England. Nakipag-interact kasi si Vice sa audience, at may nakausap na isang Pilipina na fan. Ngunit tila naloka naman si Vice dahil sa inabot at binigay sa kanya ng naturang fan. Dahil dito, agad na inulan ang fan ng mga tanong mula sa 'Unkabogable Star.'

Samantalang ay nagbigay ng matinding pahayag laban sa korapsyon si Vice Ganda sa segment na 'Laro Laro Pick' ng It's Showtime. Sinabi niyang hindi lang salapi kundi pati pag-asa, pangarap, at buhay ang ninanakaw ng mga korap sa gobyerno. Pinaalalahanan niya ang mga manonood na bumoto nang tama upang hindi maulit ang katiwalian. Maraming netizens ang sumang-ayon at naantig sa powerful message ng komedyante sa noontime program.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco