Darryl Yap sinagot ang pahayag ni Lav Diaz: "I respectfully nominate BB gandanghari as President"
- Direk Lav Diaz nagpahayag na posibleng si Vice Ganda ang maging malakas na katunggali ni Vice President Sara Duterte sa 2028 elections at sinabi niyang seryoso siya sa ideyang ito
- Para kay Lav, dapat nang basagin ang “Sara Duterte wall” at naniniwala siyang bahagi ng pop culture si Vice na may mahalagang perspektibo para sa bansa
- Direk Darryl Yap agad na nagbigay ng reaksiyon sa pamamagitan ng Facebook post kung saan nominado niya si BB Gandanghari bilang presidente at si Cristy Fermin bilang tagapagsalita ng palasyo
- Ang pahayag na ito ay nagdulot ng halo-halong komento mula sa netizens, may mga sumang-ayon at may mga bumatikos, habang nananatiling tahimik si Vice Ganda ukol sa isyu
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling naging sentro ng usapan si Vice Ganda matapos ang pahayag ng award-winning director na si Lav Diaz na posibleng maging matibay itong pambato laban kay Vice President Sara Duterte sa nalalapit na 2028 presidential elections.

Source: Instagram
Ayon kay Direk Lav, seryoso siya sa kanyang pananaw na dapat nang “basagin ang Sara Duterte wall,” at sa kanyang opinyon, bahagi ng kasalukuyang pop culture si Vice na may kakayahang magdala ng perspektibong naiiba sa nakasanayan. Para sa kanya, ang pagtakbo ng komedyante-host ay magpapakita ng bagong mukha ng laban sa politika.
Ngunit hindi nagpatinag si kontrobersyal na direktor Darryl Yap, na agad nagbigay ng sariling reaksyon sa pamamagitan ng Facebook post. Sa kanyang art card, ipinakita niya sina BB Gandanghari, Vice Ganda, at showbiz columnist na si Cristy Fermin.
“Dahil pinapatakbo ni Direk Lav Diaz si Vice Ganda, I RESPECTFULLY NOMINATE BB GANDANGHARI AS PRESIDENT and CRISTY FERMIN AS PRESIDENTIAL SPOKESPERSON,” ani Direk Darryl.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang art card na ibinahagi niya ay naglalaman din ng lumang pahayag ni BB laban kay Vice: “Maswerte ka, sumikat ka, dahil bobita ka. ‘Yon lang ang masasabi ko sa’yo.”
Hindi nagtagal, umani ito ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens. May mga nakisabay at nagsabing “I second the motion,” ngunit marami rin ang bumatikos at tinawag ang pahayag ni Yap na panibagong kontrobersiya lamang.
Sa kasalukuyan, wala pang tugon si Vice Ganda kaugnay sa nominasyon ni Lav Diaz at sa reaksyon ni Darryl Yap. Matatandaang ilang beses nang inaalok si Vice na sumabak sa politika, ngunit mismong siya ang nagsabing hindi ito ang kanyang forte. Gayunpaman, kilala ang Unkabogable Star bilang vocal at aktibo sa pagsuporta sa mga kandidatong pinaniniwalaan niya.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante, aktor, at TV host sa bansa. Kilala sa kanyang husay sa pagpapatawa at pagiging vocal sa mga isyung panlipunan, siya rin ang isa sa mga pangunahing personalidad sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime. Ilang beses na siyang nababanggit sa diskusyon tungkol sa politika, ngunit palaging idinidiin ni Vice na mas gusto niyang manatili sa entertainment industry.
Samantala, si Lav Diaz ay kilala bilang multi-awarded filmmaker na nagsusulong ng art films na kadalasang may malalim na komentaryo sa lipunan. Si Darryl Yap naman ay isang kontrobersyal na direktor na madalas umani ng mixed reactions sa kanyang mga proyekto at pahayag.
Kamakailan, pinuri ng netizens si Vice Ganda matapos ang kanyang matapang na mensahe laban sa katiwalian. Sa isang ulat ng KAMI, maraming fans ang natuwa at sumuporta sa kanyang paninindigan, na muli namang nagpakita kung gaano siya kalakas bilang influencer at public figure.
Bukod dito, kamakailan ding nag-viral ang emosyonal na sandali ni Vice sa ASAP show sa England. Ayon sa balita ng KAMI, naantig siya sa simpleng regalo ng isang Pinay fan, at ipinakita nito ang malalim na koneksyon niya sa kanyang mga tagasuporta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh